Chapter 25- It's a Game

184 9 1
                                        

→Kylie's P.O.V

Last day na nga pala ng shooting namin ngayon kaya sobrang busy na namin. Pero mas busy yung kasali pa sa shooting ngayon. Yung ishoshoot ngayon is yung mga sweet moments nina Dianne at Kuya together. Buti nalang at di na ako kailangan sa shooting ngayon.

Hinanap ko si Mich. Nakita ko siya na kasama si Trisha at Ryan. Di ko na muna siya lalapitan kasi mas mabuti na munang di niya ako mapansin ngayon para makita ko kung ano ang reaksyon niya sa mga makikita niya ngayon.

"Hey Kylie! Nakita mo ba si Lance?"-Shaina

>__< Naman oh! Bakit sakin pa siya nagtanong? Hanapan ba ako ng nawawalang ka M.U?

"Hindi eh. Try mo magtanong kina Denver."-ako


"Ahh. okay thank you!"-Shaina

=__= Alam ko naman kung bakit crush ni Lance si Shaina eh, kasi sobrang bait at inosente niya. Minsan nga naiingit ako sa kanya eh, kasi kung magkasama kami ni Lance palagi nalang na pangalan ni Shaina ang lumalabas sa bibig ni Lance. Di ko maiwasan na mangarap na sana naman, sa tuwing mag kukuwento siya, ako naman ang bukambibig niya. Pero imposible yun eh.

Tama na nga ang dramang to. May mas importante pa akong iisipin kesa dito eh.

Nagsimula na ang first scene nina kuya at dianne. Nga pala, ang scene na to' ay magbabasketball sila ni Dianne.

"Wag ka na ngang mangarap na kaya mo ako. Ako kaya ang team captain ng varsity ng basketball."-Kuya

Nilapitan siya ni dianne, as in yung 3 inches nalang ang agwat ng mga mukha nila.

"Bakit? Takot ka na matalo kita?"-Dianne

Nung tinignan ko si Mich, nanunuod lang siya na tila walang pakialam kung ano ang ginagawa nila.

"Ako? matatakot sayo? *smile* pustahan tayo, pag ikaw ang mananalo, susundin ko lahat ng gusto mo, at kung ako ang mananalo, susundin mo lahat ng gusto ko. Ano deal?"-kuya


"deal!"-dianne

Nagbasketball lang sila at may part dun na maaout balance si dianne at sasaluhin siya ni kuya, kaya lang nadulas si kuya kaya mahuhulog sila sa sahig at nasa ibabaw ni kuya si Dianne.

Nung tinignan ko si Mich, di na siya nakatingin kina kuya at dianne. Nakatingin na siya kina Trisha at Ryan at pasimpleng ngumingiti.

---------------

pagkatapos ng ilang sweet moments na scenes nina dianne at kuya, napapansin ko na medyo pilit lang ang mga ngiti ni Mich.

"Mich tara na! tayo na daw ang susunod!"-Terrence

"Oo andyan na ako."-Mich

Nakasuot si Terrence ng tuxedo habang si Mich, mukha na namang barbie doll dahil nakagown siya. Ang scene kasi nila ay nasa isang Js prom. Sa scene kasi na to' magtatapat si Kuya kay Dianne at tatakbo si Mich at mababangga niya si Terrence tapos dun na magsisimula ang love story ng dalawa.

*Fastforward*

ang last scene na kukunan ay ang kissing scene nina kuya at Dianne. Lalagyan ng parang transparent cellophane ang lips nila para hindi talaga magdadampi ang tunay nilang lips tapos tatanggalin lang yun pag tapos na ang scene.

"Dapat sa scene na to', makikita dapat sa mga mata niyo na mahal niyo ang isa't-isa. okay, lights, camera, action!"-prof

"Mahal na mahal kita Alexa. Mahal na mahal."-Kuya

103 Days Playing In His Stupid GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon