→Mich's P.O.V
Maaga akong nagising. Mga 4:36 am ako nagising. buti na nga lang at di ako nagka eyebugs kakaiyak kagabi. Bakit ba kasi di ko matanggap sa sarili ko? Aish! Makapaglakad-lakad nga muna sa labas.
Nagsuot ako ng jogging pants and damit tapos nagponytail lang ako. Since wala akong dalang jacket or sweater, kailangan tiisin ang lamig. Tulog pa kasi si kylie, hihiram kasi sana ako ng jacket niya.
Lumabas ako sa room namin at lumabas ako sa hotel.
=__= Sana talaga may jacket ako, kasi ang lamig pala talaga. Brrrrr.
Naglalakad-lakad ako sa labas ng hotel. Hinimas-himas ko lang ang braso ko para di ako masyadong lamigin. Umabot ako sa garden ng hotel. Naramdaman ko na mas lalong lumamig.
"Brrrr. Bakit ba kasi nakalimutan kong dalhin ang jacket ko eh. Sheez! Mas lalo atang lumamig eh."-sabi ko sa sarili ko.
Biglang may nagbigay ng sweater sakin. Pagtingin ko sa kung sino ang nagbigay ng sweater sakin', biglang bumilis ang takbo ng puso ko.
Kinuha ko naman ang sweater niya at sinuot ko yun. Ang bango ng sweater niya, ano kayang perfume ang gamit ng lalakeng to?
"Thank you ah. Bakit ka nga ba andito?"-Ako
Gusto ko lang naman malaman kung bakit siya may dalang isang sweater samantalang nakasuot na naman siya ng sweater. Malay mo, hinihintay siya ni Dianne diba at baka para to kay dianne diba?
Oo. Si Cyrus ang nagbigay sakin ng sweater. Di ko nga inaakala na bibigyan niya ako eh.
"Pinuntahan kita. Nakita kasi kita sa window namin. Magpapahangin lang kasi sana ako sa balcony ng room namin, pero nakita kita na walang sweater kaya tutal magpapahangin lang din naman ako, dinalhan kita ng sweater."-cyrus
O_o bakit ba minsan mabait sya, minsan naman ang sama niya? Bipolar talaga siguro ang taong to eh.
"Ahh. Ang ganda naman ng hotel niyo."-sabi ko habang naglilinga-linga na naglalakad sa garden. Ayaw ko kasi siyang tignan kasi sa tuwing tinitignan ko sya, nasasaktan lang ako.
"Mich, gusto mo ba si Terrence?"-Biglang tanong ni Cyrus.
Napatigil naman ako sa paglalakad.
"Hindi no. Friends lang naman kami ni Terrence eh. Bakit mo naman natanong?"-ako
"kasi sabi mo noon diba, na gusto mo si Jm? Gusto mo pa rin ba si Jm?"-Cyrus
Kung alam mo lang Cyrus. → _→
"Hindi ko alam eh."-Ako
pagkatapos kong sumagot, natahimik kaming dalawa.
"I-ikaw? Gusto mo ba si dianne?"-ako
"Uhm, hindi."-cyrus
Hindi daw pero para na nga silang magsyota eh. ( ̄. ̄)
"Kunwari ka pa eh! Hindi daw, pero kung maglambingan higit pa sa magsyota. Hahaha. Atchaka, para ng mga linta kung magsama."-sabi ko ng pabiro.
BINABASA MO ANG
103 Days Playing In His Stupid Game
Fiksi Remajahi guyz!!! this is my first story here in wattpad so I hope you will like it!! vote, comment and be a fan na din po... hehe ^o^ support nyo po ang story na to ha?? lablots!! ♥♥
