Chapter 27-Definitely hurt

165 6 1
                                        

→Mich's P.O.V

"Sis, diba sabi mo noon, na bago ka mahuhulog kay kuya denver, eh sisiguraduhin mo munang una syang mahuhulog sayo diba? Pero bakit ang nakikita ko ngayon ay mas lalo kang nahulog sa kanya? Atchaka noon, ang I.D nyang ayaw ipasuot sa iba kahit sakin na kapatid nya, nasuot mo na. Tapos ngayon, ang pangalang ayaw na ayaw nyang tawagin sya, natawag mo sya ng ganun, maski nga mommy at daddy ko di sya matawag ng kurt, pero ikaw, hinayaan nya lang. Baka naman tinotoo nyo na talaga ang lahat?"-Bulong ni kylie sakin.

Andito nga pala kami sa kwarto nina kurt. Sila nga palang limang magkakabarkada ang magkaroomate. Sinasamahan ko kasi si Kylie na hintayin ang lima. Aalis kasi sila. Sabi kasi ni Sir samin', bago kami uuwi ng manila bukas, enjoyin daw muna namin ang araw na to para magliwaliw. And sa kamalasmalasan nga naman, nasugatan pa ako sa paa kaya, di ako makakasama sa kanila. Magpapaiwan nalang ako dito kasi di naman din ako mageenjoy dun eh kasi nga may sugat ako sa paa eh. Sayang nga eh! Gusto ko sanang sumama sa kanila kasi sayang naman ang opportunity na andito ako sa tagaytay diba, tapos di ako makakapagliwaliw sa mga lugar dito. Pero okay lang. Maganda din naman ang view dito sa hotel nina kurt eh. And sabi nila, dito na daw muna ako sa kwarto nina kurt para daw di ako mabored kasi maganda daw kasi ang view dito mula sa balcony. And bago kami pumunta ni Kylie dito, naligo na ako at suot ko pa rin ang sweater ni kurt kasi malamig kasi dito. Ayoko kayang manigas sa lamig.

"Hindi no. Palabas nya lang ang lahat."-bulong ko.


"Oh, tara na!! Excited na ko sa pupuntahan natin!!!"-sabi ni kevin.

"Wag kang mag-alala Mich, bibilhan ka namin ng pasalubong."-Jm

"Atchaka, mageenjoy talaga kami dun Mich."-Lance

"Pero mas mageejoy kami kung kasama ka namin. Kaya lang, may sugat ka eh. Kaya, kami na muna ang mageenjoy ah?"-Terrence

ugghhh!!! bakit ba nila ako iniinggit?? >__<

"Tumahimik nga kayo! Wag nyo.nga akong inggitin!"-ako

tinawanan lang nila ako. Walangya talaga ang mga kaibigan kong to! >__<

"Sige na mich alis na kami! Bye!"-kylie

Teka lang, bakit na sila aalis? Eh andito pa si kurt eh! Nakahiga pa nga sa kama niya at nanunuod ng Tv.

"Hoy! Bat di ka pa nagbibihis? Iniwan ka na nga nila oh! Atchaka, patayin mo nga ang aircon! Ang ginaw na nga dito, pero nag aircon ka pa rin."-Ako

Totoo naman talaga eh! Ang lamig na nga dito, gumamit pa sya ng aircon. -_-

"Sinong may sabi sayo na sasama ako sa kanila? At isa pa, kaya nga kita pinahiram ng sweater ko diba para di ka lamigin diba?"-kurt

bakit ba ang sungit niya ngayon? May regla kaya sya? Sayang nasa kwarto namin ang extra napkin ko.

"Ahm, bakit ba ang sungit mo? may regla ka no?"-ako

nagdeath glare lang sya kaya, tumahimik nalang ako. Baka kasi kainin ako ng dragon na to.

There was a long SILENCE between us. Kaya kinain na talaga ako ng pagkabored. Makapagsalita nga lang muna baka mapanis ang laway ko dito oh!

"Akin na nga ang phone ko kurt."-ako

Di nya pa kasi binabalik ang phone ko simula kanina.

"Gusto mo makuha ang phone mo? Edi halika dito. Kunin mo sakin dito."-Kurt

=.= paano ako makakapunta dun eh ang sakit nga ng paa ko. Gapangin ko na nga lang to. Buti nalang talaga at pinagdugtong nila ang mga bed nila.

Pagdating ko sa tabi ni kurt, umupo ako ng maayos at inilahad ko ang kamay ko sa harapan ng isang halimaw na seryosong nakatingin sa tv.

"akin na."-ako

"humiga ka muna dito sa tabi ko."-kurt

humiga naman ako. subukan nya lang akong galawin, diba sisipain ko talaga sya sa part na where it hurts the most.

O////////O

Dug.dug.dug.dug.dug.dug.

Tumigil ka nga puso ka! >\\\\\\\\\<


"Matulog na nga lang tayo. Boring kasi ang mga palabas. mamaya ko na isasauli ang phone mo. Wag kang maingay ah! Matutulog muna ako."-sabi ni kurt ng nakapikit.

O//////O shemay!! Ang lapit ng mukha nya! Nagkakabangaan na nga ang mga ulo namin pati ilong! Sheez!! Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Niyakap niya lang naman ako. oo, as in yung mahigpit na yakap talaga.

>\\\\\\\< Konting galaw ko lang talaga, magkakahalikan talaga kami. Ano nang gagawin ko dito? Papanoorin ko lang syang matulog? ayoko nga! Baka sabihin nya na tinititigan ko sya!

Ano pa nga ba ang ginagawa mo diba? Ngayon pa nga lang, titig na titig ka na diba?


Di ko kaya sya tinititigan! Sige na nga lang! Inaamin ko na! Eh di ko maiwasan eh! Ikaw kaya ang andito sa posisyon ko na may katabing gwapo, tignan ko lang di ka matulala.

Ang ganda ng pilikmata nya, kasi mahaba eh. Yung ilong nya perfect ang shape at ang tangos pa. Yung lips nya, mapula at perfect ang shape. Naku, kung ganito kagwapo ang magiging boyfriend ko, okay na ako no. Boyfriend ko nga, pero sa laro lang naman.

zzZZZzzzzzZzZZZzzZzzzzzZz

----------------

Paggising ko, wala na pala akong katabi. Atchaka nilagyan pa talaga ako ng blanket.

Nasaan na kaya yung mokong na yun? Pasalamat sya at di ako makalakad. Hinatid lang kasi ako ni Lance dito kanina eh.

Umupo ako ng maayos at gumapang ako sa kama. Kahit na bawal muna akong maglakad, naglakad ako papunta sa balcony kahit ang sakit ilakad ng paa ko.


=__=

O__O

>__<


Yeah! What a great scene it is! *insert sarcasm here*

hoo!! Grabe! Ang sakit pa rin pala! Sh*t na puso to oh!

Im hurt. Definitely hurt. </3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/n: Ano kaya ang nakita ni Mich?

Please vote, comment, and be a fan..... ♥♥♥♥

103 Days Playing In His Stupid GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon