—> Mich's P.O.V
"Ano ba Mich! Wag mo na nga isipin yung sinabi ni Kylie sayo!"-sabi ko sa sarili ko habang nagpagulong-gulong ako sa kama ko.
Nakarating na nga pala kami kaninang mga 8:00 pm.
Kanina ko pa iniisip yung mga sinabi ni kylie sakin. Naiintindihan ko naman ang dahilan ni kylie na takot sya na masaktan ako dahil sa kuya nya. Kaya ko namang iwasan si kurt pero paano ko nga sya iiwasan kung sa school GF nya ako, tapos classmate ko pa sya at nasa likod ko lang sya nakaupo, at paano ko sya iiwasan kung mismong mga kabarkada nya kasama ko palagi pati na nga ang kapatid nya eh! ughhh! nalilito na ako! >__<
"ughhh! nababaliw na talaga ako!"-sigaw ko.
Hayy naku! ewan ko ba sa sarili ko! bakit ko ba kasi pinasok ang gulong to? >__<
>>>>>>>>KINABUKASAN<<<<<<<<<
5:30 am palang, nakarating na kaagad ako sa school. Gusto ko kasi na makapag-isip-isip kung kaya ko ba talaga syang iwasan. Kung magiging madali ba ang lahat para sakin at para sa puso ko.
Gusto ko syang iwasan pero parang di ko kaya na iwasan sya kasi alam ko na kahit iwasan ko sya, di ako makakasigurado kung mawawala ba talaga tong nararamaman ko para sa kanya. Bakit ba kasi ako nahulog sa kanya eh! Bwisit na puso to oh! >__<
Nakakainis naman oh! >__<
—> Terrence's P.O.V
Andito na nga pala ako sa school. Habang papunta ako sa classroom ko, nahagip ng mata ko si Mich na naglalakad sa hallway. Di ko nalang sya nilapitan kasi mukhang ang laki ng problema nya at parang gusto nyang mapag-isa. Kaya pinanood ko nalang sya mula dito.
BINABASA MO ANG
103 Days Playing In His Stupid Game
Teen Fictionhi guyz!!! this is my first story here in wattpad so I hope you will like it!! vote, comment and be a fan na din po... hehe ^o^ support nyo po ang story na to ha?? lablots!! ♥♥
