→Mich's P.O.V
"saan ka galing? sabi ni lance nag cutting ka daw?"-mommy
O__O huh? akala ko ba hindi nila ako napapansin? epal din to si lance eh.
"mom? ahm, sumakit po kasi ang ulo ko kanina kaya ipinasyal muna ako ng kaibigan ko para daw mawala ang sakit ng ulo ko. effective din naman kasi nawala naman ang sakit ng ulo ko."-ako
naman oh! wala na talaga akong naisip na palusot eh. sana lang maniwala si mommy. di ko naman kasi alam na pupunta si Lance dito kasi naman, lumipat na kasi siya sa condo niya nung nalaman niya na mag-aaral na ako sa SU, kasi ayaw nga niyang malaman na magkapatid kami diba? Nagulat nga din ako at nakapagsumbong siya kay mommy at isa pa, nakakagulat din na nandito si mommy, ako lang kasi kadalasan ang nasa bahay namin kasi puro sila trabaho. Yung tipong wala na silang oras samin ni lance at sa kuya dwane ko. Si kuya dwane yung sinasabi ko na kuya ko na second year college. di siya nakalipat sa SU kasi di siya pinayagan ni daddy.
"ahh, okey. by the way, andyan ang daddy mo sa loob."-mommy
Napansin niyo ba na parang di ako excited na andito sila? kasi naman, di kasi ako close sa kanila. diba pag only girl ka, spoiled ka and super close ka sa mom at dad mo? ibahin niyo ang parents ko. Mas close pa nila sina kuya Dwane at Lance. Alam ko na naman ang reason nila kung bakit di nila ako masyadong gusto kasi gusto nila, lalake ang anak nila para may magmamana ng negosyo nila. Si mom? minsan lang yan sweet sakin pati na din si daddy.
pagpasok ko sa loob ng bahay, nakita ko nga sina daddy at Lance na nagtatawanan sa harap ng tv.
→ _→ kahit kailan, di ako nakakapagtawanan kasama si daddy o si mommy.
lumapit ako sa kanila at nagmano ako kay daddy.
"Lance told me that you skipped your classes. What's going on to you young lady?"-sabi ni daddy sakin nung papaakyat na ako sa hagdan.
"Im sorry dad. I will not do it again."-sabi ko sabay bow.
umakyat nalang ako sa stairs at pumasok sa kwarto ko. Kahit na korean ang mommy ko, hindi kami gumagamit ng korean sa bahay. marunong na si mommy ng tagalog kaya okey lang.
humiga kaagad ako sa kama ko at nag-isip.
nakakapagtaka lang kasi, feeling ko kasi parang ang lungkot ng araw ko. Yung feeling na alone ka lang. Pero buti nalang at amdyan si terrence at pinasaya ako ng konti.
and simula nung nakilala ko silang lima ng husto, nafe-feel ko na di ko na crush si Jm. Ewan ko ba. Im so confused. As a bestfriend nalang kasi ang feeling ko para kay Jm.
Alam na naman ng lahat ng mga students na kapatid ko si lance at kapatid ni cyrus si kylie. Pero bakit galit sila sakin'? dahil lang ba sa close ko silang lima? Sa ngayon, gusto ko na nga munang layuan ang grupo nina Cyrus kasi feeling ko, pag ipinagpatuloy ko pa ang pagsama sa kanila except kay kylie, may masamang mangyayari sakin', lalo na nung nakita ko si dianne. Hindi naman sa ayaw ko kay dianne, talagang kutob ko lang talaga yun.
hayy!! ewan ko na ba sa sarili ko!! kanina pa ako nag-iisip ng kung anu-ano.
Terrence's P.O.V
andito nga pala ako sa bar namin kasama si denver. nakaupo lang kami sa gilid with those flirty girls.
"Uyy, anong gagawin mo ngayong bumalik na si dianne?"-ako
"Huh? wala."-pacool niyang sabi.
Wala? as in wala?
"edi, paano na yung game niyo ni mich? tuloy pa rin ba yun?"-ako
"oo. bakit mo naman natanong?"-denver
"wala lang. Paano na si dianne? ipapaalam mo ba sa kanya na game lang ang namamagitan sa inyo ni mich?"-ako
sa pagkakaalam ko kasi, may gusto pa din si dianne kay Denver. She even attempted to suicide when they broke up. Im afraid that she might hurt Mich. Because until now, she's very obsessed kay denver. But we can't just throw our friendship with her. kaya nga kahit na hinalikan ni dianne si denver kanina, di nalang nagreact si denver.
"wala. di niya na kailangan malaman yun. "-denver.
pumunta siya sa dance floor with his girls at naiwan ako mag-isa sa couch na inupuan namin.
-------------------
3rd person's P.O.V
"kung sino man ang aagaw sa kanya, pahihirapan ko talaga ng husto. he is mine and mine only."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Miss A: bakit kaya nag-aalala si terrence kay mich? ano kaya ang kutob ni mich?
hi readers!! kung nagustuhan niyo ang story na to, please promote pls?? hehehe and share na din hehehe... feel free to comment, vote, be a fan, and kung may time kayo, pakifollow na din si author. lablots!!! hihihi! ♥♥♥♥♥♥
BINABASA MO ANG
103 Days Playing In His Stupid Game
Teen Fictionhi guyz!!! this is my first story here in wattpad so I hope you will like it!! vote, comment and be a fan na din po... hehe ^o^ support nyo po ang story na to ha?? lablots!! ♥♥
