PAGE 01.

11 0 0
                                    




I tossed the hand fan in Kael's face and rolled my eyes.

"Ayan na nga!" iritado kong sabi sakanya. Kanina nya pa kasi ako kinukulit na naiinitan daw siya. Since it's just June, masasabi kong mainit pa nga din ang panahon.

He thanked me playfully, making me more irritated.

Kahit pa mag kaibigan kami, kami ni Kael ang lagging magka-away. Although, nagkakasundo kami in terms of doing nasty things.

"Miss Salvador and Mr. Andrada, please button up your uniforms." Sabi ng teacher na nasa harapan namin.

Inis pading ibinutones ko ang aking uniform. Ang init kaya!

"Okay, class. Last meeting, our topic was all about—", the general math period went by smoothly. The whole morning period too. Although wala naman ako ibang ginawa kundi ang magpanggap na nakikinig.

Studying? I don't know. Hindi naman ako bobo pero hindi din naman ako matalino. I guess, I'm just a little bit above average. Pareho kami ni Kael. Kaya siguro kahit paloko-loko kami sa klase ay hindi kami gaanong napapagalitan.

Kael and I met up with Axel and Jane. HUMSS kasi ang kinuha namin ni Kael, tapos silang dalawa naman ay STEM. We've been friends since junior high students palang kami. Even though halos iba-iba kami ng interes, we still enjoy each other's company.

"Third week of June palang pero andami na kagad babasahin sa Pol. Sci." Reklamo ko habang ina-unbutton ang uniporme.

Since nasa likod naman kami ng campus, kung saan madalas kami magkita-kita, wala makakakita dito sa amin. Wala ding CCTVs dito. Madalas dito ang hang out place ng mga pasaway na studyante.

"Good thing hindi ako nag HUMSS, ayoko ng madaming babasahin," sabi ni Axel habang hawak hawak ang fried chicken na ulam niya.

"Kayang kaya n'yo 'yan!" Jane cheered us. She's the type of girl who's always brimming with positivity and kindness. Isa sa mga bagay na nagustuhan namin sakanya.

I smiled. "Palibhasa mga STEM students, matatalino. Mga feeling superior mga 'to." I joked.

Instead of being offended, Axel jokingly shot back at me. "Oo. Matatalino talaga kami. Ikaw lang naman bobo dito."

"Oy gagi pre! Payag ka non?" natatawang siniko naman ako ni Kael.

The argument went on and on. Kung saan saang bagay na napunta ang topic namin at puro pambabara lang naman ang ginawa namin. Between the four of us, kami ni Axel 'yung tipong di nagpapatalo.

May kalhating oras pa kami bago matapos ang lunch break but Jane and Axel went on their classroom. May kailangan pa daw kasi silang gawin. Naiwan kami ni Kael sa tambayan. I'm sitting up on the big wall while he is sitting on one of the branches of the tree just behind me.

Mahangin kasi dito kaya parehas namin gusto dito. I prefer sitting on the wall kasi it's much more stable than a tree.

"Cover up your legs," inabot sakin niya sakin ang uniporme nya.

"Wow, ang gentleman ha," I teased him habang sinisindihan ang hawak kong stick ng sigarilyo. Inabot ko naman ang polo niya at saka pinatong ito sa aking hita. Although may shorts naman ako, it's better to use this polo to cover up my skin. Lalo pa at nasa taas ako at may mga lalaking estdyante sa baba.

Umayos ako ng upo at humarap sa school. Pinagmasdan ko ang mga buildings at mga studyante na nakaupo din sa may gilid namin.

A bunch of naughty kids, I guess. Not like I'm any different from them, though.

This is my everyday routine. This is a part of my life. Siguro sa iba, especially sa mga matatanda at role model students, sakit kami sa ulo. Some may even think na pabigat at salot kami sa lipunan. But we only live once. Enjoy life to the fullest.

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now