PAGE 03.

4 0 0
                                    

The next day, I tried my best to avoid interacting with Mavi. Hindi na ako nagbalak pa na batiin siya. I think I became too pushy with my actions. He might think na nilalapitan ko lang siya dahil alam ko kung ano sikreto niya or worse-- he might even think na I'm gonna use that information to blackmail him.

Hindi naman ako ganoon ka cheap.

The morning period passed by swiftly. The four of us gathered in cafeteria. I would often cook my own food for lunch but since hindi ako nakatulog kaagad kagabi, nalate ako ng gising kaninang umaga.

"Kael, may tryouts daw kayo sa basketball?"

Tumango naman sa akin Kael. "Oo, sa Saturday. Since nag graduate na sila Kuya Gio, kulang kami ng malalakas na players sa Senior High. Pinag-uusapan nga nila Coach kung pede bang isama nalang sa amin ang Grade 10 players dahil nakakasabay na naman sila sa'min."

"Ah, I see," I nodded. Kunwari ay hindi masyadong interesado sa basketball team nila.

The three of them looked at me na para bang nagtataka. They all know na I'm not really interested with bball. I prefer volleyball kasi. And usually, sasama lang ako sa games nina Kael kapag nag-aya sila Axel o si Jane.

"I wanna watch the tryouts." Pag-amin ko. But they looked as if they are not convinced at parang hinahaluan nila ng malisya. "I watched some good bball games last weekend. And I think it's quite interesting." Pag-papalusot ko.

Good thing they took the bait. Hindi ko naman pede sabihin na manonood ako ng tryouts para makita kung pumunta ba si Mavi doon. Not that I am sure na pupunta nga s'ya. But who knows?

When the lunch break ended, nagsabi naman ang teacher namin na wala daw kaming klase sa susunod na period. Mag advanced reading nalang daw.

At dahil kulang ako sa tulog, naisipan kong pumunta ng Computer Lab. Maingay kasi sa classroom kaya dito nalang ako matutulog. Maiirita lang ako kung magsstay ako sa room.

Pasimple akong pumasok sa Comp Lab, making sure na walang makakakita sa akin. Pumunta ako sa pinakadulong table at pumwesto sa ilalim nito. Mas tago kasi kung sa pinakadulo. Kinuha ko din ang unan ni Maam Meg, ang teacher na nagsstay sa room na ito, na nasa may table niya.

I don't know how many minutes or hours have passed nung maalimpungatan ako. Babangon na sana ako nang may narinig akong pumasok sa loob. Napaayos ako ng puwesto at mas siniksik ko pa ang sarili upang magtago.

"Thank you, Kath. Ako na bahala mag-ayos dito." 

The man's voice was very familiar kaya bahagya akong sumilip sa may unahan. Nakita ko si Mavi kasama ang kaklase namin na si Kath. Sa pagkakatanda ko, siya ang Secretary sa klase namin.

"Ano p-pala. Uhm. Here." I saw her handing Mavi a letter. "I like you, Mavi. I'm not expecting for anything in return. I know na wala pa sa isip mo 'yung mga ganitong bagay. B-but if you feel the same and if I have a chance, y-you can just approach me."

"Kath, a-"

"Sige pres, balik na ako sa room." she cut Mavi off atsaka nagmamadaling lumabas ng room. Naiwan naman si Mavi na napailing nalang at nagpatuloy sa pag hihilera ng mga notebook sa table.

I decided to stay hidden. Hihintayin ko nalang siyang matapos sa ginagawa bago umalis.

But I think hindi talaga ako mahal ng Lord. My phone suddenly broke the silence inside the room. Agad ko naman na pinatay ang tawag.

"Sino nandyan?" Mavi asked.

I had no choice but to show myself. Nakaiwas tingin akong inayos ang pinaghigaan atsaka tumayo.

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now