PAGE 05.

5 0 0
                                    

Days have passed at hindi na kami muling nagka-usap ni Mavi. I did not dare to approach him dahil hindi ko alam kung tama bang usisain ko pa ang buhay niya. Kahit pa sinabi niyang tanungin ko lang siya kapag nac-curious ako, I cannot bring myself to do it. And of course, Mavi would never approach me on his own lalo na kung not school related ang usapan.

I'm usually assertive kung kaya't nagtataka din ako sa sarili ko. Siguro depende lang din sa taong makaka-interact ko? O siguro dahil iba sa Mavi. I feel like hindi maganda kung sasagarin ko ang pasensya niya. But when did I ever care about those things before?

I shrugged at saka nakinig na lamang sa dinidiscuss ng teacher na nasa unahan.

"Ano ulam mo?" tanong ni Axel sa akin at siya na ang nagbukas ng baon kong pagkain. Lunch break na at as usual, kasama namin sila dito sa likod ng campus.

I cooked adobong manok kaninang umaga dahil gusto daw ni Gaila nun.

"Pahingi ako," sabi ni Kael sabay kuha ng isang piraso ng manok sa baunan ko. Tiningnan ko siya ng masama ngunit tumawa lang siya.

Habang kumakain ay nagku-kwentuhan lang kami nila Axel at Jane. Samantalang si Kael naman ay ngiting ngiti habang nagc-cellphone. Baka may bagong babae na naman siya.

"May girlfriend ka na naman, Kael?" puno ni Jane habang nililigpit ang pinagkainan niya.

"Secret!" he chuckled at bumalik ulit sa pagte-text sa cellphone.

"Meron!"

"Confirmed!"

"I feel sorry for the poor girl," pang-aasar ko at nag sad face pa ako kunyari.

Tinawanan lang kami ni Kael at hindi inintindi. Mukhang tinamaan yata ang gago. Hindi na maalis ang atensyon sa cellphone niya, eh. Hindi naman na bago sa amin kung may girlfriend siya. 'Yun nga lang eh after ilang buwan ay maghihiwalay din sila. Palaging ganoon kaya hindi na din namin masyado pinapakealaman ang love life niya.

Naging ganoon lang ang nagyari sa mga sumunod na araw. Hindi ako masyado nakapag cutting dahil madalas kaming nagkaka short quiz pagkatapos ng lesson. Kaya pagdating ng Friday ay excited na excited ako dahil kaunti lang ang klase sa ganong araw. Madami kaming vacant kaya madalas ay nagha-half day ang mga tamad na estudyante gaya ko.

"Okay, gawin niyo nalang ang group activities niyo sa time ng klase ko. Walang lalabas hanggang hindi pa time," sabi ng teacher namin bago siya umalis ng classroom.

Kahit pa sabihin ng teacher namin na gawin namin ang activity na pinapagawa niya, malamang ay wala sa amin ang kikilos. May mga grupo na naglaro ng uno doon sa unahan. Meron namang iba na nagplay ng movie sa TV. Merong natutulog at merong nagkkwentuhan. Kaniya-kaniya ng ginagawa ang mga kaklase ko.

Nilingon ko si Kael. Busy na naman siya sa pagtetext. Napairap nalang ako at hinayaan na siya na lumandi doon.

Gusto ko sanang mag cutting na dahil nangangati na akong manigarilyo. Dahil Friday ay naka PE uniform kami. Buti nalang at T-shirt ito kaya hindi masyadong mainit. Baka lalo lang akong hindi makapag pigil lumabas ng room at pumunta sa likod ng campus para makapag yosi.

Dahil wala din akong magawa ay nilibang ko nalang ang sarili at pinanood ang nagp-play na movie. Nanonood sila ng Conjuring. Buti nalang at wala din yatang klase ang ibang section kaya walang pumupuntang teacher sa amin kahit nagsisigawan ang mga kaklase.

Nung tumunog ang bell hudyat na lunch break na, lalabas na sana ako ng room. Nakita kong nagkumpulan at nag-uusap ang mga kagrupo ko, kasama si Mavi. Hindi na sana ako lalapit at lalagpasan sila pero tinawag ako ni Mariel.

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now