PAGE 02.

6 0 0
                                    


"Wala pa naman teacher n'yo. Dito nalang muna ako," Pagpipilit ko sa dalawang kaibigan na nasa harap ko.

Maaga akong pumasok para sumabay kay Jane sa classroom nila. Hindi pa naman tumutunog ang bell at wala pa ang adviser nila sa classroom. HIndi din naman masusungit ang mga kaklase niya dahil halos magkakakilala lang naman na din kami.

"Bakit ka ba kasi nandito, bakla?" Tanong sa akin ni Axel habang nakapamewang at tinuturo ang kinauupuan ko na dapat ay sakanya.

I just shrugged atsaka lumingon lingon sa classroom nila. Kunyari ay nagmamasid-masid. Wala na nagawa si Axel at naghanap nalang ng ibang bakanteng mauupuan na malapit sa amin. Si Jane naman ay umupo sa tabi ko atsaka sila nag usap ni Axel. Nang nawala na ang atensyon nilang dalawa sa akin, pasimple kong tiningnan ang binatang nasa harapan ko.

Mavi's conversation with this guy got me intrigued. Napaisip tuloy ako kung paano sila nagging related. But based on how Mavi treated this guy, they might be stepbrothers. Our class president is not really sociable at hindi rin naman pinapakealaman ng mga kaklase namin ang personal life n'ya.

Binalik ko ang tingin ko kay Kieffer na pinagkukumpulan ng parehong mga babae at lalaki sa kanyang kinauupuan.

Napabuntong na lamang ako. Mukhang wala naman ako makukuhang ibang impormasyon dito kay Kieffer. Hindi siya nilulubayan ng mga kaibigan niya simula pa pagpasok n'ya sa classroom.

"Balik na nga ako sa room," paalam ko sa dalawa atsaka dare-daretsong umalis sa classroom nila.

Papalabas, nakasalubong ko pa si Mavi sa hallway. Babatiin at kakawayan ko sana s'ya pero dare-daretso lang sya naglalakad. I stomped my feet in irritation. Napaka-sungit talaga niya! Akala mo kung sinong gwapo!

Mag-cut class na sana ako at pupuntang clinic nang biglang may umakbay sa akin.

"Ang aga aga, nakakunot na kaagad 'yang noo mo." Bulong ni Kael sakin. Dahil naglakad na s'ya paakyat sa room namin, nagpadala nalang din ako.

Pagdating sa room ay agad na ding tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang mga klase. Inalis ko na lang sa isip ko ang nangyari kanina para hindi ako mainis buong araw.

"Kael, close ba kayo ni Kieffer?" tanong ko kay Kael habang inaabot mula sakanya ang pinabili kong pagkain.

Tumango naman siya habang pumipili ng maayos na upuan doon sa mga nakatambak na sirang upuan sa gilid. As usual, nandito kami sa tambayan. Si Axel at si Jane ay nasa cafeteria kaya kami lang dalawa ang nandito.

"Sakto lang. Bat mo natanong?" tanong niya sa akin habang ina-unwrap ang burger na binili.

Balak ko kasi sanang sumama sa practice game nila. Para naman makita ko si Kieffer. No bad intentions. Curious lang ako sa tao. Sa isang taon na pagiging studyante niya dito, mabilis niya lang nakuha loob ng mga studyante. Well, no doubts about that. He got the looks, plus mabait din. Unlike his stepbrother na parang pinaglihi sa sama ng loob!

Nung natapos kaming kumain ni Kael, umuna na ako sakaniya pabalik ng building namin. Nagpaiwan siya dahil gusto niya daw mag yosi. For me, may mas makabuluhang bagay akong dapat gawin. I want t know what kind of relationship they have. At bakit ganoon na lamang ang trato ni Mavi kay Kieffer.

Bumalik ako sa room para doon mag-isip. Kinuha ko ang phone atsaka nagbalak isearch si Kieffer online.

Kieffer... Kieffer Chavez...

Nakailang type ako ngunit walang lumalabas.

"Psst. Jeneffa!" tawag ko sa kaklaseng panay ang ayos ng bangs niya. Isa kasi siya sa mga volleyball players ng school kaya baka alam niya social media account ni Kieffer.

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now