PAGE 04.

3 0 0
                                    


I've always been curious about a lot of things. I can still vividly remember when I was younger and used to ask my Mama about a lot of things. Just random stuff that a kid would normally be curious about. Like why the sky is blue, why the moon follows me every time.

My mother died three years after she gave birth to Gaila, my younger sister. Mama is very fragile. She's often sick that's why she rarely goes outside the house. Despite the short period of time I spent with her, I treasure every moment of it. That's the reason why I wanna enjoy my life to the fullest. I'm young and free. I want to do all the things my mom couldn't do when she was young.

As I looked at Mavi in front of me made me reminisce about my younger self. Like how I was curious about all of those little things, I am also curious about this guy.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya nang bigla siyang nag-angat ng tingin mula sa answer sheet na nakalapag sa lamesa niya. Magka grupo kasi kami sa isang activity sa subject na 'to. So much for avoiding this guy. Hindi pa din ako nakakamove on sa ginawa niyang pagtataray sa akin.

"Any other ideas?" tanong niya sa amin at tiningnan kami isa isa. He's the leader of our group. That would only make sense since he's our valedictorian. Hindi pa man tapos ang school year, I know he'll be the one to have that title.

"Add this one. Na-summarize ko na 'yan," sabi ng isa pa naming kagrupo at pinakita sa nagsusulat ng mga sagot namin.

"Hoy, Ali! Tumulong ka naman. Puro ka kalikot sa kuko mo!" inis na sabi sa akin ni Claire. Isa sa mga matataray sa klase namin.

"Ako na nga nag provide ng materials, ah?" mataray na sagot ko sakanya at saka sila inirapan. I didn't bother to participate in the groupings.

Sinindihan ko ang sigarilyo na inabot sa akin ni Kael. Nandito ulit sila sa bahay ngayong weekend. Wala masyadong ganap sa nagdaang mga araw. Sa sobrang bored ko, kung ano-ano na naming mga kalakohan ang pumapasok sa utak ko.

"KTV nalang tayo?" sabi ni Axel na hindi mapakali sa kama ko. Kanina pa siya paiba-iba ng puwesto.

"Tara. Ngayon?" pagsang-ayon naman ni Kael sakaniya.

Kahit tinatamad akong bumangon at lumabas ng bahay, wala akong nagawa kundi sumama sa kanila. Mas ayoko naman mabulok dito sa bahay. Weekend naman ngayon at nandito na si Papa sa bahay kaya pede ako gabihin. Hindi naman magagalit 'yun kahit pa hindi ako umuwi. Iisipin niya lang ay nakikitulog ako sa bahay ng mga kaibigan.

Nag commute na lang kami papunta sa KTV. May malapit naman dito na located lang d'yan sa labas ng subdivision namin. Pagdating namin doon ay agad kami nagrent ng room. Mga 4 pa lang naman ng hapon kaya kahit matagalan kami ay ayos lang.

"Iinom ba kayo?" tanong ni Jane habang naghahanap ng kanta doon sa Songbook.

"Anong kayo? Dapat ikaw din!" sabi naman ni Kael sakaniya habang abala sa pagpili ng oorderin na pagkain.

"Grabe. Napaka bad influence mo talaga, Kael. Ipapag pray over nalang kita," pang-aasar ko sakaniya at nag sign of the cross pa ako kunyari.

Hinagisan niya naman ako ng tissue. Kaya naging ganoon na nga ang ginawa namin. Nakisali rin si Axel kaya bago pa man magsimula ang inuman sesh namin ay makalat na kaagad ang table namin.

For us three, we ordered vodka, soju, and alfonso. We ordered t-ice for Jane. Sa food naman, we have fries, nachos and junk foods. Wala naman pasok bukas kaya pede kami mag all out tonight. Although kami lang naman ni Kael for sure ang mag-iinom talaga. Si Axel kasi moderate lang kung mag-inom. Pero may times naman na nakakasabay pa siya sa amin ni Kael. While Jane would be satisfied even with just one bottle of T-ice.

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now