PAGE 06.

5 0 0
                                    

Dumating na nga ang araw ng Sabado at dito sa bahay gagawin ang group project namin. Nagising ako ng mga 9 am at pagcheck ko sa gc ay mga after lunch daw nila balak pumunta. Dahil lobat ang phone ko ay ni-charge ko muna 'yun. Nag iwan naman na ako ng instructions kung saang subdivision kami. Naghahatid din naman ang guards ng village kapag hindi alam ng bibisita kung paano pupuntahan 'yung bahay sa loob.

Gumising talaga ako ng maaga-aga para makapaglinis muna ng bahay. Every weekends lang kasi ako nakakapaglinis ng bahay dahil nga may pasok. Gusto ni Papa mag-hire ng kasambahay pero ayoko nang may ibang gagalaw ng bahay.

"Ate, ano ulam?" tanong ng kapatid kong kakababa lang ng hagdan.

"Mag fry na lang muna ako bacon and egg," sabi ko habang nagluluto. "Gaila, pupunta mga kaklase ko dito ha."

Tumango lang siya at dumiretso sa cr.

Pagkatapos magluto at kumain ng umagahan, pinakain ko muna ang mga alagang aso at nilinis din ang cage nila. Nang matapos, nagsimula na ako maglinis ng bahay. Nagwalis, nag-mop at punas ng bintana. Ganto lagi ang ginagawa ko sa bahay. Minsan naman natulong din si Gaila. Atsaka siya assigned sa pagliligpit at pagtitiklop ng mga damit. Siya din pinapaglinis ko ng cr dahil natalo siya sa card games namin dati.

Inabot siguro ako ng mga tatlong oras sa paglilinis. Nagulat ako nang may nagdoorbell sa labas.

"Gaila, may parcel ka ba na dadating?" sigaw ko sa kaniya.

Hindi naman siya sumagot kaya wala akong choice kundi labasin 'yung tao. Pagtingin ko sa gate ay dumating na ang mga kaklase ko.

Shit! Naka loose tshirt at pajama lang ako. Basang basa pa ng pawis!

"Di ka nagrereply sa gc. Kanina ka pa namin tinatry tawagan, eh." Sabi ni Jeneffa.

"Napaaga kami kasi hanggang 3 lang daw si Ryan at may game daw siya," pagpapaliwanag naman ni Marie.

Tinablan ako ng hiya sa katawan dahil ayos na ayos sila samantalang mukhang yaya ang itsura ko. Atleast maganda ka! Oo, 'yan panlaban mo.

Pinatuloy ko sila sa loob ng bahay at nagpaalam na maliligo lang ako. Dali-dali akong umakyat sa taas para doon maligo. Usually inaabot ako ng mga kalhating oras sa paliligo pero dahil nagmamadali, mga 15 minutes nalang ang itinagal ko.

Nagmadali ako sa pagbblower ng buhok, at paghahanap ng matinong damit. I decided to not overdo it and just wore a jogger pants and a loose crop top. Hinugot ko ang saksak ng cellphone ko at kinuha ang mga gamit ko.

"Sorry medyo natagalan." Sabi ko sakanila pagbaba sa living room.

"Okay lang! Sorry bigla nagbago sched last minute. May tourna kasi ako ng 5 eh." Ryan apologized and rubbed the back of his head.

Tumango lang ako at pumunta sa kusina para magtimpla ng juice at maglagay ng snacks sa may lamesa sa living room.

"Start na tayo?" sabi ni Mariel nung nakaupo na kami sa sahig. May table naman kaya doon nakapatong ang mga gamit namin.

"Ako na bahala dito sa introduction and dito sa topic na 'to. Mariel and Ryan, search up this topic then send me the file na nakasummarize na sa makukuha niyo," Inabot ni Mavi sa dalawa 'yung sheet kung saan nakalagay yung mga kailangang data para sa topic na 'yun.

"Jeneffa and Nathalie, kayo nalang dito sa paggagawa ng image. Kayo na bahala kung drawing or digital," baling niya sa aming dalawa ni Jeneffa.

We all nodded at nagsimulang maggawa. Infairness, he knows we're good at drawing. Siguro dahil sa ilang taon na din naming magkakaklase ay kilala na kami ni Jeneffa na magaling magdrawing.

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now