PAGE 09.

1 0 0
                                    


"San tayo bukas?" tanong ko kay Jane.

Birthday niya na kasi bukas at saktong Friday naman na.

"Bar? 18 ka na mare," suggestion naman ni Axel habang kumakain ng fries.

"Baliw. May debut kinabukasan," pag salungat naman ni Jane sa ideya ni Axel.

Andito kami ngayon sa canteen at nagpplano kung paano na sa birthday ni Jane. May party naman siya sa Saturday kaya hindi din pedeng magpuyat o mag-inom bukas. In the end, nagkasundo kaming mag-arcade nalang after class.

Si Kael ay hahabol nalang daw dahil may training siya dapat ngayon.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kami sa Mall para mag arcade. Doon nalang tumagpo si Kael. We just played at the arcade at kumain sa unling wings nung nagutom. Hindi na din kami nagpaabot pa ng dis-oras ng gabi at umuwi na din kami bandang mga 9 ng gabi.

Pa-gabi naman na nag start ng debut ni Jane kaya pag gising ko kinabukasan ay pumunta pa muna akong mall para mag pa manicure at pedicure. Niyaya ko si Gaila kasi invited din siya pero sagot niya lang ay di niya na daw kailangan pa magpaganda dahil baka madiscover siyang artista. Ewan ko ba sa kapatid kong 'yan.

Pagkatapos ko ay umuwi na din ako sa bahay at nag-ayos.

Since sa hotel ang venue ay formal ang theme doon. According din sa invitation ay gold and black mostly ang kulay. So, I decided to wear a fit beige satin dress that emphasizes my body. And since it's a spaghetti strap one ay nagpatong lang ako ng white fur shawl. And for footwear, I just put on my Versace Medusa chain leather heels in beige color. For my hair, I styled it into a wavy curl and put two silver hair clips for additional accessories.

Hinatid kaming dalawa ni Gaila ni Papa sa venue. Hindi na daw siya sasama kasi magpapahinga na lang daw siya sa bahay kaya kaming dalawang magkapatid lang ang um-attend.

Mga quarter to 6 nung dumating kami. Mga 6 pa naman ang start ng event pero medyo madami na din ang tao. Mga kaklase, friends ni Jane, relatives at family friends ang invited kaya madami dami din.

I immediately messaged my friends kung nasaan sila. Nandoon daw sila sa room kung saan inaayusan si Jane. Iniwan ko naman ang kapatid ko sa isang table. Naka reserve 'yun para sa amin nila Axel.

"Wow, you're so pretty!" pag puri ko sa kaibigang nakaupo sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok ng isang hair dresser.

Lumapit ako sakaniya at niyakap siya. I handed her my gift. It's a Versace gold charm bracelet I bought online. She likes wearing bracelets kaya 'yun ang naisip kong bilhing regalo para sakaniya. I decided na ngayon nalang ibigay ang gift niya para naman hindi ako empty handed.

Nung magsisimula na ang event ay bumalik na kaming tatlo sa assigned seat para sa amin. Nasa may bandang unahan ang upuan para mas malapit at kita namin ang stage.

The program started. Naglakad pababa ng hagdan ang parents ni Jane kasunod ang dalawang kapatid niyang babae. And lastly, naglakad si Jane. Her cousin, Marco, escorted her.

After the welcoming and greetings, doon na nagsimula ang 18 roses na kabilang si Axel at Kael. I took out my phone para irecord at kuhanan ng picture ang mga kaibigan. Sumunod naman ay ang 18 chocolates at ang 18 gifts. After noon ay ang 18 wines na. Nung tinawag ang pangalan ko ay tumayo ako at inabot ang glass of wine na nasa table.

Bawat participants for the 18 wines ay required na magwish. I walked closer to Jane na nakaupo sa isang high back throne chair.

"Happy birthday, Jane! We are all here to congratulate and to wish you many more years of health, productivity, and growth. You've been such a great friend to the three of us. You're our mom. Just letting you know that you can also depend on us. If you need a shoulder to cry on, just give me a call and I'll let you rest on mine..." I paused for a moment to stop myself from being dramatic and emotional.

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now