PAGE 12.

3 0 0
                                    


Maaga akong nagising para maglinis ng bahay. Ngayong araw ang napagkasunduan namin ni Mavi para sabay na mag-aral. Himala nga at pumayag siya sa gusto ni Ma'am Chie. Eh parang ako lang naman ang makikinabang at hindi siya.

After lunch ang usapan namin na punta niya kaya marami pa akong oras para mag-ayos ng bahay at ng sarili. Dahil nga may usapan kami ni Mavi, maaga kaming nag lunch ng kapatid kong si Gaila. Wala pang 12 o'clock ng tanghali ay naligo na ako. Mga thirty minutes yata akong naligo.

Paglabas ko ng cr ay agad kong tiningnan ang cellphone kung may message na ba si Mavi. Nung makitang wala pa ay naghanap na kaagad ako ng maisusuot na damit.

I don't want to overdo it and at the same time, ayoko naman magmukhang nakapang bahay lang. Natagalan ako sa pagpili ng damit. In the end, napili kong suotin nalang ang kakabili ko lang na floral romper.

Tumunog ang phone ko at nakitang nagtext si Mavi na papaalis palang daw siya sa bahay nila. Nireplyan ko lang siya ng okay.

Muli kong tiningnan ang mukha ko sa salamin.

"Hindi ba parang ang dull masyado?" bulong ko sa sarili.

Dahil wala pa naman ang hinihintay ko ay naisipan kong maglagay ng kaunting make up sa mukha. Naglagay lang ako ng liptint at mascara. Nilagyan ko ng din ng kaunting blush ang pisngi para mas mag mukhang may buhay ang mukha ko. Pakatapos ay ini-clip ko ang dalawang silver hairpins ko sa aking buhok.

Maya-maya pa ay nagtext na sa akin si Mavi na malapit na siya. At nadinig ko na din na tumunog ang doorbell. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mukha ko sa salimin.

"That's perfect."

Dali dali akong bumaba ng hagdan at nilabas ng bahay ang bisitang si Mavi. He's wearing a plain white t-shirt and nude color pants paired with a white Vans slip-on. It was a simple outfit, but he looks good.

Nakita ko namang pasimple niyang tiningnan ang suot ko. Napangisi ako.

"What? Are you checking me out, Mavi?" mapang-asar kong tanong sakaniya.

He cleared his throat, "Shut up."

I chuckled at naglakad na papasok ng bahay. Sumunod na din siya sa akin at umupo sa may sofa sa living room. Dito nalang ulit kami sa sofa mag-aaral. Ipinatong niya sa table ang mga libro at ilang notes niya. Kaya umupo na din ako sa lapag at ipinatong ang mga gamit ko.

"What subject do you find hard the most?" tanong niya sa akin.

"Pol Science," matabang kong sagot.

Tumango naman siya at agad na binuksan ang notes at libro namin sa subject na iyon. Tiningnan ko ang notes niya at nakitang malinis ang pagkakasulat niya dito. Infairness.

"Aling lesson ba dito hindi mo gets?"

"Dito sa lesson na 'to pati dito sa ideologies."

Mahinahon niyang in-explain ang mga lessons na hindi ko maintindihan. Magaling magturo si Mavi. Kada may tanong ako ay sinasagot at sinisigurado niyang nagegets ko bago mag move on sa bagong topic. Naging ganon lang ang ginawa namin.

Binabasa ko ang isang lesson sa Gen Math at hindi magets kung saan nanggaling ang sagot sa equation na iyon. Kaya ibinaling ko ang tingin ko kay Mavi.

"Mavi, paanong—" naputol ang sasabihin ko nung paglingon ko sakaniya ay nakatingin siya sa akin.

Tumikhim siya at umayos ng tayo.

"Alin?" tanong niya at tiningnan ang librong binabasa ko.

Napangisi ako at naghalumbaba sa table. Tiningnan ko si Mavi na hindi makatingin sa akin at nananatili ang mga mata sa libro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now