PAGE 11.

2 0 0
                                    


Sports Fest ended swiftly. Madaming trophies na natanggap ang school namin. Sa bball, sa men's vball, table tennis and badminton. After the the tournaments and awarding, naging busy na ulit kami. Syempre need na ulit namin maghabol para sa mga di namin nai-klase at lesson nung mga araw na 'yun.

Sa mga nagdaang lingo ay naging abala lang kami sa pag-aaral. Lalo na at malapit na ulit ang exams. Or more like ang mga kaklase at kaibigan ko lang ang naging abala.

"You don't really have to study that much para sa exams. Kung naintindihan mo na ang lessons, okay na 'yun. If hindi, edi bagsak."

Confident na sagot ko kay Jane isang beses na pinagsabihan niya ako. Nag-aya kasi sila na sama-samang mag-aral sa library para sa darating na exams. Hindi ko feel na mag-aral dahit bukod sa may bago akong pinagkaka-abalahang laro ay masasabi ko naman na sapat na para sa akin ang natutunan ko mula sa discussions.

Days before exam ay puro online games ang inatupag ko. Nung pinagsawaan ang valorant ay left 4 dead naman ang pinagkaka-abalahan. Kung hindi naglalaro ng games ay nanonood naman ng movies.

"Ang confident mo, ha? Pag ikaw talaga bumagsak, nako!" ani Kael pagka-pasok namin ng room.

Ngayon ang first day ng exams namin. Pagkaupo ko sa aking upuan ay saka lang ako tinablan ng kaba. Parang biglang nag flashback sa utak ko ang mga ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Nung inaabot na ang mga test papers sa amin ay nag sign of the cross nalang ako. Lord, ikaw na bahala sa akin.

"Sa wakas! Tapos na exams!"

"Tapos na hell week! Shet!"

Sigaw ng mga kaklase ko habang nag-aayos ng gamit nila o di kaya ay nag-sstretch. Friday na ngayon at kakatapos lang ng exams namin na halos puro wala akong naisagot. Siguro pasado pa din naman ako. Pero for sure ay malaki ang ibababa ng scores ko sa exams. Hindi din naman ako gasinong nag-aaral kahit na dati pa. Pero ngayong bago ang exams day ay masasabi kong hindi talaga ako nagreview kahit isang oras man lang.

Napabuntong hininga ako habang inaayos ang gamit ko. Lumapit naman sa akin si Kael na may mapang-asar na ngiti sa mga labi. Umakbay siya sa akin.

"Ano? Madami ba nasagot ang genius kong kaibigan?" Aniya sa sarkastikong tono.

Inalis ko ang kamay niyang naka-akbay sa akin at saka siya inirapan. Oo na nga. Ako na ang masyadong overconfident.

Pagdating nga ng Monday ay nag check kami ng test papers namin. Patingin ko sa mga scores ko ay halos 50-75% lamang ang mga tamang sagot ko sa bawat tests. Kung ikukumpara ito sa mga nakukuha kong scores noon ay talagang napalaki ng ibanaba ko. Maging ang mga kaklase ko ay nagtataka sa scores ko.

"Salvador, punta ka muna sa office ko." Sabi ng adviser namin na si Ma'am Chie nung nagsi-siuwian na ang mga kaklase ko.

Malamunay akong tumango at sumunod sa teacher ko. Nilingon ko si Kael at sinenyasan na mauna na siyang bumaba ng building at susunod na lang ako sa kanila.

Umupo si Ma'am Chie sa table niya sa may Faculty at inilapag ang mga gamit niya. Tiningnan niya ako ng mariin bago nagsalita.

"Ang laki ng ibinaba mo. Pati ibang subject teachers mo ay nag reach out sa akin." She paused at parang sinusuri ang mukha ko. "May problema ba sa bahay? Lovelife? Kaibigan or what?"

"Wala naman po, Ma'am. I think I was just overconfident. I overestimated myself," I told her my reasons honestly.

"Hmm.. You see, kailangan makabawi ka hija. Before this semester ends ay ipagreretake kita ng tests sa mga subject na less than half of the items ang score mo. Kaya mag-aral ka. Hindi pwedeng kampante ka na kasi matalino ka na. Sab inga diba, daig ng masipag ang matalino. Understood?"

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now