PAGE 08.

1 0 0
                                    


After the exams, nagkasundo kaming apat na mag-arcade pagdating ng Saturday. Susunduin ako ni Kael dito sa bahay. I looked myself in the mirror for the last time.

I am wearing a black tennis skirt paired with a white cropped knitted top. For shoes, I just wore my black Dr Martens laced boots. I used a metal belt on my skirt para hindi masyadong plain. And for my hair, I just let my long wavy black hair down. Nagsuot lang ako ng clip sa gilid para hindi sumasabog sa mukha ko ang buhok.

When I heard the dogs barking at ang pagbusina ng Super Duke ni Kael, I grabbed my CK quilted bag at naglakad na palabas ng bahay.

"Here." Inabot sa akin ni Kael ang isang jacket at ang extra niyang helmet.

I thanked him at saka umangkas sa sasakyan niya. I used the jacket to cover up my legs.

Nakarating kami sa Mall bandang 10:30. We met up with Axel and Jane sa may labas ng isang Korean Restaurant. Napag-isipan kasi namin na kumain nalang muna sa samgyup bago kami maglaro. Since ang balak namin ay mag KTV pagdating ng 2 ng hapon.

"Hoy, ayan na mga zombies!" sigaw ko kay Axel habang naka focus sa pagbaril sa zombies sa screen.

"Eto na nga eh!" sagot niya habang natatawa-tawa.

Pagkatapos ay naglaro naman kami ng basketball. Kami ni Axel ang magkasama at si Kael at Jane naman ang partner. Nagpadamihan kami ng points. And since bball player si Kael, we made him hold hands with Jane habang nagsshoot para fair sa amin ni Axel. In the end, kami ang nanalo.

Kael demanded na magkaroon ng second round. Nung natalo siya ay gusto na naman niya ng rematch. Nakailang rematch kami hanggang sa naubos ang coins ko.

"Magpapa-palit lang ako," paalam ko sakanila na busy sa claw machine.

Naglakad ako papunta doon sa may counter. Nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Ali?" a guy called me at naglakad papalapit sa akin.

"Jake." I called his name.

"Ali! Kamusta? Sino kasama mo dito? New boyfriend o fling?" tanong niya sa akin at inakbayan ako. Agad ko namang inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin at nag cross arms.

"Yeah, my new boyfriend." Sagot ko sakaniya at naglakad na pabalik sa mga kasama ko nung makuha ang pinapalit ko na game coins.

I heard him whistle. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Oh, bat parang badtrip ka?" tanong sa akin ni Jane nung makalapit ako sakanila.

"Tsk. Nakita ko si Jake."

"Ex mo?"

I nodded atsaka nakigulo sa kanila sa paglalaro ng claw machine. Si Jake ay yung ex ko last year. I think we dated for 3 months then naghiwalay din. I know my image looks like I'm a bit easy-to-get gaya nung ibang babae na nakikihalubilo sa mga good for nothing guys. Me, smoking and acting like a delinquent doesn't mean I am easy to get. Meanwhile, Jake just dated me kasi he thinks I'll have sex with him.

Napailing nalang ako at inalis ang negatibong iniisip. No need to even think about trash like him. Napo-pollute lang ang utak ko.

Nung napagod din ay nagka-ayaan kami sa KTV. Since we're still minors, ayaw ni Jane na pumupunta kami ng bar. Hindi siya pinapayagan ng parents niya at ayaw din niya. And since hindi kami kumpleto kung pupunta ng bar, mas gusto nalang namin na sa KTV. Minsan lang kami mag bar, kapag lang hindi kasama si Jane. Kaya madalas kami lang ni Kael.

"Gusto ko lang naman talaga jowa, teh!" sabi sa amin ni Axel. Mukhang may tama na ang isang 'to. I took out my phone para mavideo-han ang kagaguhan niya. May pang bati ako sa birthday niya!

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now