PAGE 10.

1 0 0
                                    


Second week of September came at nagsimula na ang sports fest. Halos lahat ng sports ay may entry ang university namin kaya naman halos naging busy ang lahat. Kahit may klase dapat kaming mga hindi naman athletes o hindi kabilang sa MAPEH Club na katulong sa pag-oorganize ng events ay nakakapanood pa din kami sa bawat games. Dahil nga busy ang mga teachers at hindi na din nagka-klase.

Alas-11 palang ng umaga ay pagyo-yosi na kaagad ang inatupag ko. As usual ay nandito ako sa likod ng campus. Si Kael ay nasa gym na kahit mamaya pang hapon ang game nila. Si Axel at Jane naman ay may ginagawa pa at makikipagtagpo nalang daw mamaya kapag magstart na ang game ni Kael.

Binuga ko ang usok mula sa aking bibig habang pinagmamasdan ang ilang mga studyante sa baba. Nakaupo ulit ako dito sa may taas ng wall. Kakaunti lang ang mga estudyanteng nakatambay dahil siguro ay nanonood ng mga laro.

"N-Nathalie Salvador!"

Tamad kong ibinaling ang tingin ko sa hindi pamilyar na lalaking tumawag sa akin. Naglalakad siya papalapit sa akin. Base sa suot na uniporme ay nasa junior high school pa lamang ito.

Nagcross legs ako at mataray siyang tiningnan. Tinaas ko ang kaliwang kilay ko, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"I- I like you, Nathalie! Will y-you let me c-court you?" pautal utal niyang sabi at halos hindi makatingin sa mga mata ko.

Agad namang sumigaw at nang-asar ang mga estudyanteng nandoon. Napangisi ako sa lalaking nasa may harap ko. Tumalon ako mula sa kinauupuang wall bago tinapon ang hawak na sigarilyo at inapakan ito.

Naglakad ako papalapit sa lalaking nag-confess sa akin atsaka inabot ang suot suot niyang ID.

"Carlos Sean Andres, huh?" pabulong kong sabi.

Muli kong pinasadahan ang ninenerbyos na lalaki. Mas matangkad siya sa akin ng ilang centimeter kaya't hanggang tenga niya lang ako. Medyo mahaba ang wavy na buhok niya kaya natatakpan ang mata niya pero hindi naman ito sobrang haba na lalabag na sa school rules. Chinito at matangos ang ilong. Hindi naman siya payat pero hindi din malaman. May pagka mestizo din siya. Overall ay guwapo siya.

Hinawakan ko ang ID niya at pinaglaru-laruan ito sa aking daliri. Hinila ko ito kaya napabend siya ng unti at napalapit ang mukha niya sa akin. Narinig kong lumakas ang hiyawan ng mga taong nanonood doon. Nakita ko naman na namula ang tenga niya. He's kinda cute.

Inilapit ko ang labi ko sa may tenga niya at bumulong, "Sorry. You're not my type."

Binitawan ko ang ID niya at saka naglakad na papalayo doon. Habang papaalis ay naririnig ko padin ang sigaw at pang-aasar ng ilang mga estudyante. Mukhang narealize nila na nabasted ang lalaki.

Gwapo at cute naman siya. Pero parang masyadong mabait.

Nagpalipas muna ako ng oras sa may library at doon natulog. Nagising ako nung nagvibrate ang phone ko at nakita ang message ni Jane na sabay na daw kami mag lunch. Kaya ganon na nga ang ginawa ko. Nagkita kita kami doon at kumain.

"Nagconfess daw sayo yung grade 10. Si Carlos Andres?" tanong ni Axel

Ang bilis naman kumalat ng balita.

"Nakita nung kaklase niya na nandon din sa likod ng campus. Tapos sinabi sa room nila. Ayun, napag-usapan kaagad." Pagpapaliwanag ni Jane.

"Gwapo na nga 'yon, basted pa din? Napaka-ganda mo naman bakla,"

"Gaga ka. Hindi ko type." Inirapan ko nalang sila at nagpatuloy sa pagkain.

Nung matapos kaming maglunch ay nag-aya na sila pumuntang gym dahil 12:30 na. Ang game ni Kael ay magsstart ng 1.

Suddenly In LoveWhere stories live. Discover now