Prologue

109 1 0
                                    

     "Akin na sabi 'yan e! Isusumbong kita kay titser

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     "Akin na sabi 'yan e! Isusumbong kita kay titser." Umiiyak ko nang pagmamakaawa habang inaabot ang lunchbox ko na kinuha ng bully kong kaklase na si Bruno.

     "E di magsumbong ka. Sasamahan pa kita. Basta akin na 'tong baon mo ngayon," sagot sa akin nito habang hawak-hawak ang ulo ko sa pagpipigil niya sa akin sa pag-abot ko sa baunan ko.

     "Hoy, ibigay mo na 'yan," boses galing sa isang lalaki sa likuran nito sabay hablot sa hawak ni Bruno na siyang ikinagulat naman nito.

     "Ibalik mo sa akin 'yan kung ayaw mong madamay ka sa galit ko. Sino ka ba sa akala mo? Si Superman?" May pagbabantang ngisi nito sa kumuha ng lunchbox ko. Ni hindi ko rin kilala kung sino siya pero nang pagmasdan ko ang itsura niya'y parang magkasinglaki lang kami at ang payat-payat pa niya kumpara sa nagbabanta sa kaniya ngayong si Bruno. Mukhang magkasing-edad lang din kami pero bakit hindi ko siya kilala? Naawa rin tuloy ako para sa kaniya. Nang dahil sa akin ay nadamay pa siya.

     "Hindi ako natatakot sa'yo. Babae lang ba ang kaya mo?" mapanghamon na saad nito.

     "Ang tapang mo talaga ha! Humanda ka sa gagawin ko sa'yo." Napatumba pa ako dahil sa pagkakabitaw sa akin ni Bruno at papunta na sa direksyon ni Superman.

     "'Wag mo na siyang patulan. Ibibigay ko na sa'yo ang baon ko." Nagsusumamo kong pakiusap sa kaniya pero parang hindi na niya yata ako narinig dahil sinugod na niya si Superman at sinuntok ito. Nakita ko pa kung paano siya tumumba pero agad din naman itong tumayo at gumanti ng suntok. Kahit pa panay sa katawan lang tumatama ang mga suntok niya dahil nga sadyang malaki si Bruno.

     Sa awa ko ay pinigilan ko na siya nang huling beses siyang natumba dahil sa suntok ni Bruno, "Awat na, please!" umaagos ang mga luhang sigaw ko sa kaniya sabay yakap sa braso nito.

     "Ano'ng nangyayari dito?" nakakunot ang noo na tanong ng titser naming si Mrs. Ramirez.

     "Si Bruno po kasi ma'am. Kinukuha na naman niya ang baon ko." Nagpupunas ng mga luha ko pang paliwanag habang nakahawak pa rin sa braso ni Superman.

     "Ikaw na naman? Hindi ka ba naaawa sa mga magulang mo at everyweek yata ay pinapatawag sila dito sa school? Go to the principal's office," nakapamewang pang sambit nito kay Bruno na padabog din namang agad umalis at lumabas ng room.

     "At sino naman 'to?" nakataas ang kilay na tanong ulit ni Mrs. Ramirez nang makita si Superman sa tabi ko.

     "Siya po ba? Si Superman po ma'am," pagpapakilala ko sa kaniya rito.

     "Superman?" nangangamot ng ulo pa ring sagot nito sa akin.

     "Ako nga po pala si Brenan Castillo. Transferee po ako galing sa St. Jude Parochial School." May kung anong bagay itong dinukot mula sa kaniyang bulsa, "Ito nga po pala 'yong ipinabibigay ni Mrs. Versoza." Sabay abot nito ng papel kay Mrs. Ramirez.

     Agad naman nitong kinuha ang papel at binasa, "Kabago-bago mo palang nakikipag-away ka na kaagad? At sa liit mong 'yan nakuha mong patulan si Bruno. Bilib din naman ako sa lakas ng loob mo. Tignan mo ang itsura mo ngayon." Marahan pa niyang inayos ang nagulong uniform ni Superman, "Samahan mo siya sa klinik nang magamot ang mga sugat niya," utos sa akin nito matapos basahin ang papel na inabot sa kaniya ni Brenan.

     Bago pa man kami tuluyang lumabas ng room papunta sa klinik tulad ng utos ni Mrs. Ramirez ay pinulot muna nito ang kaniyang bag pati ang lunchbox ko at saka inabot sa akin.

     "Thank you, Superman! Bakit kasi ipinagtanggol mo pa ko kay Bruno. Tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo," pagpapasalamat na may kasamang sermon ko sa kaniya.

     "Brenan nga ang pangalan ko hindi Superman,"  angil sa akin nito.

     "E 'di Brenan. Ang sungit mo naman."

     "Para kasing kasalanan ko pa na ipinagtanggol kita. Sorry ha!" sarkastiko niyang tugon ulit sa akin.

     "Hindi naman sa gano'n. Nakokonsensiya lang kasi ako sa nangyari. Wala pa kasing kahit sino ang gumawa nang ginawa mo sa akin kanina. Lahat kasi sila takot kay Bruno," sagot ko sa kaniya sabay ayos ng salamin ko sa mata.

     "So matagal ka na bang binu-bully ng Bruno na 'yon?"

     "Matagal-tagal na rin. Kaya nga nasanay na rin ako."

     "Now that I'm here. Hindi ko na ulit siya hahayaang i-bully ka."

     "Magpapabugbog ka ulit?" Umarte pa akong tila nakikipagsuntukan sa hangin, "pero salamat. Ako nga pala si Rhian Bernardino," pagpapakilala ko ng sarili ko sa kaniya at abot ng kamay dito.

     Inabot din naman nito ang kamay niya sa akin, "Brenan Castillo or you can call me Superman kung gusto mo," panunukso niyang sagot at saka nagtatawanang nagpatuloy sa paglakad papunta sa klinik.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Amnesia GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon