Chapter 6

12 1 0
                                        

     Pagkatapos ko maligo ay muli kong pinagmasdan ang itsura ko sa salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Pagkatapos ko maligo ay muli kong pinagmasdan ang itsura ko sa salamin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nakikita kong repleksyon ko ngayon. Kailangan palang si Brenan pa ang magsabi sa akin na maganda ako bago ako gumawa ng move at maniwala. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni papa noong nasa eye center kami kahapon.

     Siguro nga kung dati ko pa naisipan ang pagbabagong tulad nito ay marahil hindi nagkahiwalay ang landas namin ni Brenan pero hindi ko na maibabalik pa ang panahon dahil hindi na lang basta distansya ang pagitan namin ngayon kung 'di magkaibang dimension na. So kahit pa magsisi ako nang magsisi ay wala ng mapupuntahan 'yon. Kaya nagbalak na ako lumabas ng banyo para makapagbihis na.

     "Ang tagal mo naman sa banyo. Ganiyan ba talaga kayong mga babae?" sambit nito nang tuluyan na akong makalabas habang humihikab pa siya kunyari.

      "Hindi kasi kami kagaya ninyong mga lalaki. Mabasa lang ang katawan ng tubig ay considered na ligo na 'yon," giit ko sa kaniya.

      "Hindi lang talaga kami maarte sa katawan kaya ganu'n."

     "Magkaiba 'yung maarte sa pagiging malinis sa katawan. FYI!"

     "Oo na nga po Princess Fiona!" pang-iinis pa niyang sagot ulit sa akin.

     "So don't tell me balak mo pa ako panoorin habang nagbibihis?" nakapamewang ko pang tanong sa kaniya.

     "E 'di magbihis ka. Akala mo naman gusto ko ring manood?"

     "Paano ako magbibihis kung nandito ka?"

     "Sabi ko nga. Ito na nga po lalabas na. Ang sungit, samantalang kung tawagin niya ang pangalan ko kagabi—"

     "Tumigil ka na. Get out!" nag-iinit ang mga tainga ko nang sigaw sa kaniya dala na rin siguro ng hiyang nararamdaman ko dahil nga ni hindi ko talaga matandaan 'yong panaginip ko kagabi.

     Nang nasa tapat na siya ng pinto para nga lumabas ay saktong bumukas naman ito at agad pumasok si mama.

     "Sino bang pinapalabas mo rito sa kuwarto mo, Rhian?" tanong nito sa akin habang papasok ng kuwarto ko. Nakita ko pa kung paano siya tumagos sa katawan ni Brenan nang madaanan niya ito sa tapat ng pinto bago tuluyang nawala sa paningin ko.

     "Ah 'yon ba ma? Wala po 'yon. Ginagaya ko lang po 'yung napanuod kong teleserye kagabi. Baka kasi alam ninyo na. Madiscover ako at maging artista one day, 'di ba po?" pagpapalusot ko sa kaniya.

     "At kailan ka pa nanunuod ng mga teleseryeng 'yan? Hindi ba dapat pag-aaral ang inaatupag mo? Iyan ba ang dahilan kung bakit napagdesisyunan mong ipatanggal ang salamin mo? Dahil gusto mo mag-artista?" sunod-sunod na tanong niya.

     "Hindi ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko mama. At wala po talaga ako balak mag-artista. Sige na po. Magbibihis pa po ako para pumasok. Baka ma-late na ako," pagpapa-alis ko sa kaniya.

My Amnesia GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon