Halos mag-iisang linggo na ang lumipas nang mailibing si Brenan at tulad ng inaasahan ko ay hindi na nga ulit siya nagpakita sa akin. May mga gabing hindi ako makatulog sa pag-aakalang baka bigla na lang siyang susulpot ulit pero hindi na nga 'yon nangyari. Siguro'y tumawid na siya sa kabilang buhay at nasa langit na't masaya kaming binabantayan. Medyo may kirot ng lungkot pa rin akong nararamdaman sa tuwing maiisip na wala na nga siya pero 'yon naman ang totoo kaya move on na.
Saka ko na rin napagdesisyunang matulog na. Hinubad ko na ang salamin ko at pinatay ang ilaw sa side table nang biglang may kung ano'ng kaluskos ang pumukaw ng atensyon ko sa bandang bintana ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot or sa excitement bakit biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Hindi kaya?
Mabilis ko ulit kinapa ang switch ng ilaw para buksan at kinuha ang salamin ko para muling isuot. Ilang segundo rin nang maka-adjust sa liwanag ang mga mata ko at tinanaw kung ano'ng maaring pinanggalingan ng ingay na 'yon.
Nu'ng una hindi ko pa makita kung ano nga ba 'yon pero nang i-focus ko ang tingin ko sa upuan na nakapuwesto malapit sa bintana ng kuwarto ko ay tila may kung sino ang naka-upo doon. Pero paano kung ibang tao at hindi ang ini-expect ko ang makita ko? Kaya pinagpapawisan akong tumayo sa kama at lumakad papunta sa direksyon ng upuan.
"Brenan? Ikaw ba 'yan?" nanginginig pa ang boses kong tanong habang dahan-dahan akong papalapit sa puwesto niya. Pero hindi ko siya narinig na nagsalita. Paano nga kung ibang multo ang makita ko? Kailan ba kasi ako nagka-third eye? Hindi naman kasi talaga ako nakakakita ng mga multo not until magpakita nga si Brenan sa akin.
Pero kahit kinakabahan ay nagpatuloy pa rin ako sa paglapit. At nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya ay napawi ang kaba sa dibdib ko dahil hindi siya ibang multo. Si Brenan nga ang nakaupo doon at tila malungkot siya.
"Brenan? Bakit nandito ka pa rin? Akala ko tumawid ka na sa kabilang buhay?" tanong ko nang makalapit na ako sa kaniya.
"Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta, miss. Bakit wala akong maalala? Kung patay na ako bakit wala akong makitang puting liwanag na siyang maghahatid sa akin sa kung saan man kagaya ng napapanuod sa mga pelikula?" nakahalukipkip niyang sagot ng hindi man lang tumitingin sa akin.
"Baka may unfinished business ka pang kailangan tapusin? Hindi ba gano'n daw 'yon kapag hindi natatahimik ang mga kaluluwa?" sagot ko sa kaniya.
"Unfinished business? Ni wala nga ako maalala sa nakaraan ko. Paano ko malalaman kung may unfinished business nga akong dapat tapusin?"
"Oo nga naman!" pagsang-ayon ko sa kaniya.
"Wait, kung tulungan mo kaya ako maka-alala? Naging girlfriend naman kita, 'di ba? So baka matulungan mo ko miss. Please?" pagmamaka-awa pa niya.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Ghost
ParanormálníDo you believe in second chances? Paano kung nabigyan ka nga ng pangalawang pagkakataon pero sa kakaibang sitwasyon. Susugal ka pa rin ba para dito kahit alam mo namang sa huli ay masasaktan ka lang ulit or will you let it slip away? Alamin kung p...