Chapter 7

11 1 0
                                        

     "Are you waiting for someone?" Nakahawak sa dibdib ko pang nilingon kung sino ang nagtanong na 'yon na papalapit na sa akin ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     "Are you waiting for someone?" Nakahawak sa dibdib ko pang nilingon kung sino ang nagtanong na 'yon na papalapit na sa akin ngayon.

     "Nakakagulat ka naman. Actually oo. Pauwi ka na rin ba?" balik na  tanong ko sa kaniya.

     "Sana pero nakita kitang naghihintay dito e. So nilapitan muna kita. Rhian, right? Boyfriend mo ba 'yung hinihintay mo?"

     "Boyfriend? Hindi ha! Papa ko. Siya kasi ang naghahatid at sumusundo sa akin."

     "Ahh I see. Akala ko kasi boyfriend mo. If ever you need a ride. Puwede kita ihatid pauwi. Kung lang naman," nangingiti pa niyang alok sa akin. Muli ko na naman tuloy nakita 'yung mga dimples niya na animo'y tinusok ng ballpen sa sobrang lalim lalo na kapag ngumingiti siya tulad ngayon.

     "No, thank you! Maya-maya lang nandito na si papa. Hindi rin kasi sila basta-basta nagtitiwala sa iba."

     "Hindi ba parang you're too old na para ihatid at sundo pa ng papa mo? Baka naman ipinaghehele ka pa nila sa pagtulog?" biro pa niya na hindi ko ikanatutuwa pero pinigil ko ang sarili ko na magalit dahil nga para ito kay Brenan. Nang maalala kong siya pala talaga ang hinihintay ko dahil nagpasabi si papa na mahuhuli siya sa pagsundo sa akin dahil manggagaling pa ito sa isang meeting.

     "They are just that protective of me as parents. Sa dami ba naman kasi ng mga loko-loko ngayon, 'di ba?" pinilit ko pang ngumiti sa kaniya.

     "Yeah right! Oh well, are you sure you don't want a ride? I should be going, see you na lang ulit bukas,"
pagpapaalam nito at saka dumiretso na sa parking area.

     "Ginugulo ka ba nu'n?" Mabilis kong nilingon kung kanino naman galing ang tanong na 'yon this time. Nagulat pa ako nang makilala kung sino siya.

     "Good evening po, Sir! Si Carl po ba? Nagtanong lang naman po siya kung sino'ng hinihintay ko at nag-alok na rin kung gusto ko magpahatid," magalang na tugon ko sa kaniya. Natatandaan kong naging prof ko siya sa P.E at siya rin ang nagpasok kay Brenan para mapasali sa basketball team bilang siya ang assistant coach ng varsity ng school na pinapasukan namin.

     "'Wag ka basta-basta nagpapadala sa mga matatamis na salita ng binatang 'yon. Alam mo naman siguro kung anu-anong gulo ang ginagawa ng magbabarkadang 'yon dito sa university. Maliban kay Mr. Castillo na wala na rin ngayon," pagpapa-alala nito, "Sino nga ba hinihintay mo rito? Boyfriend mo ba?" parehong tanong niya rin sa akin.

     "Wala pa po akong boyfriend, Sir. Actually ang papa ko po ang hinihintay ko dahil siya po talaga ang naghahatid sundo sa akin dito," parehong sagot ko rin sa kaniya sa parehong tanong na itinanong ni Carl kanina.

     "Ah ganoon ba? Anyway, kailangan ko nang bumalik sa gym dahil may practise ang team. Lalo na't nawalan kami ng isang magaling na player sa katauhan ni Mr. Castillo kaya doble ensayo kami ngayon para mapunan ang naiwan niyang slot," pagpapaalam niya.

My Amnesia GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon