Excited na akong naghihintay kay Brenan para maipakita ang new look ko sa kaniya pero mag-aalas onse na ng gabi't hindi pa rin siya nagpapakita. Hindi kaya nakatawid na siya? Bigla tuloy ako nalungkot sa naisip dahil kung totoo mang nakatawid na nga siya. Hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos sa akin.
Kahit pa alam ko namang any moment ay puwedeng hindi na lang siya bigla magpakita dahil nga sa estado niya ngayon bilang kaluluwa. Naisip ko rin para saan pa ang pagbabago ko kung hindi ko na kailangan pang ituloy ang planong pakikipagkaibigan sa mga kaibigan nito.
Kaya napagdesisyunan ko na lang matulog nang biglang lumitaw siyang parang bula sa typical na puwesto niya sa upuan malapit sa bintana. Hindi ko man gustong panatilihing siyang isang ligaw na kaluluwa pero natuwa ako nang makita siya ulit. Kaya agad akong tumayo sa kama para lapitan siya.
"Saan ka naman galing butikiman? Kagabi pa kita hinihintay ha?" tanong ko nang makalapit na ako sa puwesto niya pero parang may iba sa kaniya at tila malalim ang iniisip niya.
"May problema ba?" nag-aalala ko nang tanong sa kaniya.
"Alam mo ba kung ano'ng ikinamatay ko?" nakayuko pa rin niyang tanong sa akin.
"From what I read. Naaksidente ka raw. Pero hindi ko alam 'yong buong kuwento. Bakit? May naaalala ka na ba?"
"Sana nga meron pero wala pa rin. Lalo na dahil sa nalaman ko. Bakit ba kasi wala akong maalala?" halos sabunutan niya na ang sariling tanong sa akin.
"Nalaman? Na ano?" nakakunot ang noo kong tanong sa kaniya.
"Noong maghiwalay kasi tayo kahapon sa school, napagdesisyunan kong dalawin si mama para tignan kung okey na ba siya. Sakto naman pagpunta ko sa amin ay may dumating na mga pulis. So dahil na-curious ako sa kung ano'ng dahilan bakit sila nasa bahay namin ay nakinig ako sa usapan nila. At nagulat ako dahil may kinalaman ito sa pagkamatay ko. Katulad nga ng pagkaka-alam mo na dahil sa aksidente kaya ako namatay pero may nadiskubre ang mga pulis sa pag-iimbestiga nila sa tunay na nangyari. Na-recover na raw kasi nila ang kotseng minamaneho ko nang gabing naaksidente ako at ayon sa naging resulta sa pag-iimbestiga nila, hindi raw isang simpleng aksidente lang ang nangyari nu'ng gabing 'yon. Dahil may sadyang pumutol ng break ng kotse ko na siyang dahilan bakit ako nadisgrasya." kuwento niya.
"What? So may gusto talagang pumatay sa'yo that night?" namimilog ang mga mata kong tanong sa kaniya.
"Iyon ang sabi ng mga pulis. Kaya nga pinilit kong maalala ang dapat kong maalala pero wala talaga e. Naawa tuloy ako kay mama kasi matapos niya marinig ang tungkol doon ay buong gabi siya nag-iiyak sa kuwarto niya. Ni wala ako magawa to comfort her dahil kahit sinubukan ko pa na hawakan siya ay ni hindi man lang niya ako naramdaman," maaaninag ang matinding kalungkutan sa mukha pa rin niyang kuwento.
"Sino naman ang gagawa sa'yo nu'n? Wala naman akong nababalitaan na may galit sa'yo sa school. Karamihan pa nga sa mga estudyante ay idolo ang tingin sa'yo. So bakit may magtatangkang pumatay sa'yo?" pag-aanalisa ko sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Ghost
ParanormaleDo you believe in second chances? Paano kung nabigyan ka nga ng pangalawang pagkakataon pero sa kakaibang sitwasyon. Susugal ka pa rin ba para dito kahit alam mo namang sa huli ay masasaktan ka lang ulit or will you let it slip away? Alamin kung p...