Chapter 4

27 2 0
                                    

     Pagmulat ng mga mata ko'y agad kong inaninag ang kabuuan ng kuwarto ko para malaman kung nasa paligid ba si Brenan nang maalala kong pina-alis ko nga pala siya kagabi bago matulog at baka masaya na silang nag-re-reunion ng girlfriend nitong s...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Pagmulat ng mga mata ko'y agad kong inaninag ang kabuuan ng kuwarto ko para malaman kung nasa paligid ba si Brenan nang maalala kong pina-alis ko nga pala siya kagabi bago matulog at baka masaya na silang nag-re-reunion ng girlfriend nitong si Lyca ngayon kaya tuluyan ko na lang kinapa ang salamin ko para tignan ang saktong oras.

     "Good Morning, Princess Fiona!" masaya pa niyang bati sa akin na muntik ko ng ikasigaw sa sobrang gulat

     "Iyong totoo? Papatayin mo ba ako sa gulat?" naniningkit ang mga mata ko pang sambit sa kaniya.

     "Hanggang ngayon nagugulat ka pa rin sa kaguwapuhan ko? Well, masanay ka na Princess Fiona dahil mukhang wala ka ng choice kung 'di ang pagsawaan ang mukhang 'to." Kumindat pa siya sa akin at saka ngumiti.

     "Ang mga multo ba'y kaya pa rin makita ang repleksyon nila sa salamin? Kasi mukhang kailangan mo 'yon e! Teka, 'di ba pina-alis na kita kagabi? Hindi mo ba namimiss 'yong girlfriend mo?" curious kong tanong sa kaniya.

     "As if alam ko kung saan siya pupuntahan. Ni pangalan ko nga nakalimutan ko, 'yon pa kayang address niya? Sino ngayon sa atin ang nakawala ng utak?" nangingiti pa niyang sagot sa akin.

     "Kagabi ka pa ha. So ibig sabihin buong gabi ka lang nandito sa kuwarto ko?" hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko kapag oo ang isasagot niya sa tanong kung 'yon. Ni hindi ko alam kung ano'ng itsura ko kapag tulog.

     "Iyon nga dapat ang balak ko kaso ang tindi mo pala humilik. Kaya imbes mabingi ako sa hilik mo ay naisipan ko na lang maglakwatsa. At hulaan mo kung saan ako pumunta?" medyo excited pa niyang tanong sa akin.

     "Kina Lyca?" sarkastiko kong sagot sa kaniya.

     "Paulit-ulit? Hindi ko nga alam saan siya pupuntahan."

     "E saan ka nga kasi pumunta? May pa-suspense-suspense ka pang nalalaman. Tingin mo ba hindi pa suspense 'yong nakikita kita ngayon?" napabuntong-hininga ko pang sagot sa kaniya.

     "Ito naman, hindi man lang ako masuportahan. Sa Disneyland ako pumunta. Grabe, ang saya-saya pala talaga doon," animated pa niyang kuwento.

     "Disneyland? Gutom lang?" pang-iinis ko pa sa kaniya.

     "Ni hindi nga ako nakakaramdam ng gutom. Ito yata ang perks ng pagiging multo. Hindi ka nagugutom, nauuhaw, inaantok at puwede ka pa pumunta kahit saan mo gusto. Para lang akong nagta-time travel."

     "Talaga? Pangarap ko pa naman makapunta sa bansa na may snow," inggit na tugon ko sa kaniya.

     "Hindi bale mapupuntahan mo rin 'yon kapag may trabaho ka na. Hindi mo kailangang mamatay para lang marating 'yong gusto mo marating. Dahil kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko pa rin ang buhay kaysa sa sitwasyon ko ngayon," malungkot na saad nito at naisip kong mahirap nga talaga ang sitwasyon ni Brenan dahil nasa pagitan siya ng mundo ng mga buhay at mundo ng mga patay.

My Amnesia GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon