"Rhian—" tinig ng kung sino mang tumatawag sa pangalan ko. Marahan kong iminulat ang mga mata para sana tignan kung sino nga ba siyang tumatawag sa akin pero napansin kong tila nasa ibang lugar na ako. Ang huling naaalala ko kasi'y nasa kuwarto ako at mahimbing na natutulog. Nang lingunin ko ang kabuan ng lugar na kinaroroonan ko ay bigla bumilis ang kalabog ng dibdib ko dala na rin ng sobrang kadiliman at pakiramdam ko ay tila may kung sino pa ang nakatingin sa akin ng mga sandaling 'yon.
"R-Rhian—" sambit ulit ng boses na tumatawag sa akin.
"Sino ka ba? Magpakita ka. Nasaan ba ako?" nanginginig ko nang sigaw sa kaniya. Nang may mapansin akong tila aninong gumalaw sa 'di kalayuan sa kinapupuwestuhan ko.
"R-Rhian—" usal ulit nito sa pangalan ko but this time may kung sino ang biglang tumalak na siyang nagpatumba sa akin. Pero nang lingunin ko ang babagsakan ko'y tila ilang palapag ito. Kaya halos iluwa ko na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito nang mapagtanto kong nahuhulog ako mula sa isang mataas na estraktura. Sinubukan kong sumigaw pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Nang tignan ko ulit ang lugar na pinanggalingan ko ay may taong nakatayo doon at pinagmamasdan niya lang ako habang nahuhulog. Ni hindi ko maaninag kung sino siya. Pero mas nangamba ako sa kaligtasan ko. Mamamatay na rin ba ako? Takot na tanong ko sa sarili. Ibinaling ko ulit ang paningin sa lugar na babagsakan ko at nagulat pa ako sa nakita. Kasama kong nahuhulog si Lyca at humihingi ito ng tulong sa akin. Hindi ko alam kung papaanong nangyaring magkasama kami ngayong nahuhulog dahil ako lang naman kanina ang nasa lugar na 'yon.
"T-tulungan mo ako!" pagmamakaawa sa akin nito habang patuloy kaming bumubulusok pababa. Pero paano ko siya matutulungan kung iisa lang ang sitwasyon namin ngayon? Kaya umiiyak nalang din akong nagsisisigaw habang nakikita kong papalapit nang papalapit na kami sa sementong aming babagsakan. At saka tuluyang napapikit dala na rin ng takot na nararamdaman.
"Rhian! Rhian!" naramdaman kong may yumuyugyog sa akin kaya nagmulat ulit ako ng mga mata. Nakita ko si mama na alalang-alala sa akin at si papa na may bitbit pang baso ng tubig.
"Rhian, nananaginip ka," namumutlang sambit ni mama sa akin.
Dahil na rin sa sobrang takot ay umiiyak na akong napayakap sa kaniya.
"Panaginip lang 'yon anak. Nandito lang kami ng papa mo," sambit nito habang hinihimas-himas pa ang likod ko para pakalmahin sa pag-iyak.
"Uminom ka muna iha. Ano ba kasing napanaginipan mo't nagsisisigaw ka? Akala tuloy namin pinasok na tayo ng kung sino. Mabuti na lang at madali nahanap ng mama mo ang duplicate ng susi nitong kwarto mo at napasok ka agad namin dito," kuwento ni papa.
At saka ko isinalaysay sa kanila ang napanaginipan ko. Maliban kay Lyca dahil ayoko rin magtanong pa sila kung sino siya at bakit nasama siya sa panaginip ko. Dahil kahit ako'y hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na 'yon. At sa marami pang katanungang nabuo dulot ng masamang panaginip na 'yun. Bakit nga kaya humihingi ng tulong sa akin si Lyca? At sino 'yung taong nakatayong pinagmamasdan lang kami habang nahuhulog? Nang bigla kong maalala si Brenan. Kaya nilingon ko ang kabuuan ng kuwarto para hanapin siya pero hindi ko siya makita.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Ghost
ParanormalDo you believe in second chances? Paano kung nabigyan ka nga ng pangalawang pagkakataon pero sa kakaibang sitwasyon. Susugal ka pa rin ba para dito kahit alam mo namang sa huli ay masasaktan ka lang ulit or will you let it slip away? Alamin kung p...