"Buntis ka?" nakatakip ang kamay sa bibig ko pang tanong sa kaniya. Habang hawak-hawak pa rin ang ultrasound result na naiwan niya sa sink nang maghilamos ito kanina.
"Ano naman sa'yo kung buntis nga ako? And don't you dare na ipagkalat ang tungkol dito dahil hindi mo gugustuhin kapag nagalit ako," may pagbabantang saad nito.
"Sino ang tatay niyan?" tanong ko ulit pero may kutob na ako kung sino at gusto ko marinig mismo sa kaniya kung tama nga ang hinala ko.
"Wala ka ng pakialam kung sino ang tatay nito. May magagawa ka ba kung sasabihin ko sa'yo kung sino nga siya? Akin na nga 'yan. Pakialamera!" Sabay hablot nito sa hawak ko at lumabas ng restroom. Habang naiwan naman akong nakatulala ng dahil nga sa sobrang pakabigla sa nalaman ko.
So nabuntis ni Brenan si Lyca bago pa man ito mamatay. Nalaman kaya niya ang tungkol dito o hindi na rin siya nabigyan ng pagkakataon? Tanong ko sa sarili dahil kahit pa tanungin ko si Brenan tungkol dito ay malamang hindi rin naman niya masasagot dahil nga wala siyang naaalala.
Nang biglang tumunog ang bell hudyat na simula na ng klase kaya lumabas na rin ako ng restroom. Nadatnan ko pang tila nagtatanong ang mga tingin sa akin ni Brenan dahil nga nakita niya siguro ang paglabas ni Lyca kanina.
"Okay ka lang ba? Gusto na sana kita pasukin kanina nang makita kong lumabas si Lyca pero baka magalit ka kapag ginawa ko 'yon kaya hinintay na lang kita makalabas. Hindi ko kasi alam kung ano'ng nangyari sa inyo doon sa loob," tanong nito sa akin habang naglalakad na kami papunta sa first class ko.
"Mamaya ko na lang ikukuwento sa'yo ang nangyari. Medyo komplikado kasi ang nalaman ko at mahuhuli na rin ako sa klase ko," sagot ko sa kaniya at nagmamadali nang pumasok sa loob ng classroom.
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang nalaman ko. Pero dapat niya malaman dahil karapatan niya 'yon bilang ama ng magiging baby nila ni Lyca. Kahit pa hindi na niya magagampanan pa ang pagiging ama dito dahil nga sa sitwasyon niya ngayon.
"Buntis si Lyca," sambit ko na habang matiyaga siyang naghihintay sa sasabihin ko. Kanina pa kasi niya ako kinukulit na sabihin na ang nalaman ko pero hinintay ko talaga na maka-uwi muna bago sabihin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Ghost
ParanormalDo you believe in second chances? Paano kung nabigyan ka nga ng pangalawang pagkakataon pero sa kakaibang sitwasyon. Susugal ka pa rin ba para dito kahit alam mo namang sa huli ay masasaktan ka lang ulit or will you let it slip away? Alamin kung p...