Chapter 2

39 1 0
                                        

     "Rhian, anak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     "Rhian, anak. Gumising ka na please. 'Wag mo naman kami pag-alalahanin nang ganito ng papa mo," naririnig kong sambit ni mama habang hinihimas-himas pa ang mga kamay ko. Nararamdaman ko ring tila umaandar kung nasaan man kami ngayon kaya dahan-dahan ko nang iminulat ang mga mata ko.

     "Papa, nagkamalay na siya. Salamat naman sa Diyos," sambit ulit ni mama sabay halik nito sa noo ko.

     "Mabuti naman kung gano'n. Dederetso pa ba tayo sa ospital or uuwi na tayo?" tanong ni papa habang nagmamaneho.

     "Okay ka na ba talaga, anak? Or gusto mo magpatingin muna tayo sa doktor para masigurado na ayos ka lang talaga?" hindi pa rin mapakaling tanong ulit ni mama sa akin.

     "Ayos lang po ako ma. Ano po bang nangyari? Nasaan po ba tayo?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya nang maalala ko ang nangyari sa burol ni Brenan kanina.

     "Bigla ka kasing nawalan ng malay matapos mo makita sa kabaong niya si Brenan. Siguro dahil umaasa ka pa ring hindi siya ang nakahiga doon kaya gano'n ang naging reaksyon mo. Masakit man pero kailangan mo nang tanggapin na wala na siya, anak. Iniwan na tayo ni Brenan. Pero nandito pa naman kami ng papa mo. Hindi ka namin pababayaan," pumapatak ang mga luhang sambit sa akin nito habang patuloy pa rin ang paghimas sa mga kamay ko.

     "Tama, iha. And for sure kung nasaan man si Brenan ngayon ay hindi niya gugustuhing nakikita kang nagkakaganiyan. Natatandaan mo pa ba kung paano ka niya pinapasaya sa tuwing nalulungkot ka noon? Bahala ka, baka hindi makatiis 'yon at multuhin ka," natatawa pang sambit ni papa na nagpatindig ng balahibo ko.

     Naalala ko kasi kung paanong nakausap ko pa si Brenan at mukhang buhay na buhay naman sa restroom ng chapel. So hindi kaya dala ng tinding lungkot kaya nagparamdam siya sa akin? Pero bakit hindi niya natatandaan kung sino siya? Ano ba kasing nangyari? Nababaliw na ba ako kaya kung anu-ano na lang ang na-i-imagine ko?

     "Rhian, ayos ka lang ba talaga? Pa, sa ospital tayo," balisang sambit ulit ni mama kay papa.

     "Okay nga lang ako, mama. Umuwi na lang po tayo. Gusto ko na ring magpahinga."

     "Sigurado ka ba, iha?" tanong ni papa sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa kalsadang tinatahak namin.

     "Opo! Pasensiya po talaga kung nag-alala kayo sa akin. Masyado lang talagang madaming nangyari.
Pero siguro nga tama kayo. Kailangan ko nang tanggapin na wala na si Brenan. At kung nasaan man siya. Sana'y masiya na siya doon," saka lang ulit pumatak ang mga luha ko at napayakap kay mama.

     Kung ano man ang nangyari sa restroom na 'yon ay malamang isa lang imahinasiyong dulot ng matinding pangungulilang naramdaman ko sa pagkawala ni Brenan at hindi siya totoong nangyari. At dahil sa pag-iyak ay tuluyan na akong nakatulog.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Amnesia GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon