"Kailan mo balak bayaran ang utang mo sa akin? Ilang araw na ang nakalipas ha? May balak ka pa bang bayaran ako or gusto mong ako na mismo ang maninggil sa'yo?" tanong sa akin ni Alex nang makasalubong ko siya sa hallway papunta sa last subject ko.
"Hindi ba sabi ko sa'yo sasabihan kita kung kailan ako puwede?" nag-iinit ang mga tainga na sagot ko sa kaniya.
"Naiinip na ako. Alam mo bang ikaw palang ang nakapagpahintay sa akin ng ganito? Maraming mga babae ang nagkakandarapang makipag-date sa akin pero ikaw, hindi mo na kailangan gawin 'yon dahil ako na mismo ang nang-aaya sa'yo," sambit nito habang nangingisi-ngisi pa ito na tila nanunukso.
"Dapat pa ba akong mag-thank you? E 'di makipag-date ka sa kanila," tugon ko ulit sa kaniya. Hindi ko na kasi nipigilang sagutin siya. Wala pa naman si Brenan ngayon dahil nagpasabi itong sisilipin sandali ang mama niya.
"'Wag mo ako hintayin magalit sa'yo. Dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko." Sabay hablot pa niya sa braso ko.
"Ano ba nasasaktan ako." Pagpupumiglas ko sa pagkakahawak niya sa braso ko.
"Hindi lang 'yan ang mararamdaman mo kapag naubos na ang pasensiya ko," naghuhumiyaw pa ring sambit nito.
"Alex, bitawan mo nga si Rhian. Nasasaktan na siya." Parehas pa kaming napatingin sa pinangalingan ng boses.
"Wala kang kinalaman dito. Usapan naming dalawa 'to." sambit niya kay Macky na papalapit na sa puwesto namin.
"Baka nakakalimutan mong ako ang nagpakilala sa kaniya sa inyo. At naipangako kong hindi siya dapat matakot dahil hindi naman kayo nangangagat. Kaya 'wag mo naman ako ipahiya dahil sa ginagawa mo sa kaniya ngayon," malumanay pero may galit na sambit din nito kay Alex. Agad naman akong binitawan nito at saka tumalikod papunta na sa kung saan.
"Hindi ka pa rin bayad sa utang mo sa akin. Palalampasin kita for now," pahabol na sambit niya habang naglalakad papalayo sa amin ni Macky.
"Okey ka lang ba?" tanong ni Macky nang mawala na sa paningin namin si Alex.
"Ayos lang ako. Thank you ha!" pagpapasalamat ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung ano pa bang
kayang gawin ni Alex sa akin kung hindi siya dumating. Wala rin namang magagawa si Brenan kahit pa nandito siya dahil nga sa sitwasyon niya."Pagpasensyahan mo na si Alex. Baka may pinagdadaanan lang at sa'yo naibaling ang init ng ulo niya. Mabait naman talaga 'yon pero nag-iiba kapag may hindi magandang nangyayari sa bahay nila," pagpapaliwanag niya, "Pauwi ka na ba?"
"May klase pa dapat ako pero late na ako dahil hinarang nga ako ni Alex." sagot ko habang hinihimas-himas pa ang brasong hinawakan sa akin ni Alex kanina.
"Would you mind kung aayain kita kumain na lang? Tutal sabi mo late ka na rin naman 'di ba? My treat," anyaya niya sa akin.
"Okey lang," tugon ko sa kaniya. Medyo kailangan ko rin kasi uminom ng tubig para mahimasmasan sa
nangyari sa amin ni Alex.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Ghost
ParanormalDo you believe in second chances? Paano kung nabigyan ka nga ng pangalawang pagkakataon pero sa kakaibang sitwasyon. Susugal ka pa rin ba para dito kahit alam mo namang sa huli ay masasaktan ka lang ulit or will you let it slip away? Alamin kung p...