Do you believe in second chances?
Paano kung nabigyan ka nga ng pangalawang pagkakataon pero sa kakaibang sitwasyon. Susugal ka pa rin ba para dito kahit alam mo namang sa huli ay masasaktan ka lang ulit or will you let it slip away?
Alamin kung p...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Life is Short
Titulo ng artikulo mula sa aming campus paper na ilang beses ko na yata binasa nang paulit-ulit dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala sa nilalaman nito.
"Rhian, ang tagal-tagal mo naman. Anong oras na at baka abutan tayo ng traffic," bulyaw na pagmamadali ni mama sa akin.
"Ito na nga po. Bababa na," pasigaw ko ring tugon sa kaniya.
Matapos kong masiguro na ayos na ang itsura ko ay tuluyan na akong bumababa para makaalis na kami.
"Ang tagal mo naman. Ano'ng akala mo party ang pupuntahan natin? Sa burol tayo pupunta," magkasalubong ang mga kilay pa ring sermon nito sa akin.
"Mama, dalaga na ang anak mo. Para namang hindi ka nagdaan sa ganiyang edad. Tama na 'yan. Tara na at baka gabihin na tayo." Pagpipigil ni papa kay mama sa pagsesermon sa akin.
Papunta kasi kami ngayon sa isang burol. Nu'ng una nga'y hindi ako makapaniwala na sa ganitong pagkakataon ulit kami magkikita ng taong ito. Matagal-tagal na rin kasi nu'ng huli kaming nagkausap kahit pa magka-schoolmate naman kami at naging magkaibigan simula nang lumipat siya ng school ko noong grade school pa lang kami. Naging knight in shining armor ko pa nga siya sa bully kong kaklase. Natatandaan ko pa kung ano'ng itsura niya ng mga oras na 'yon, payat at ang liit-liit niya. Pero kahit gano'n ay hindi siya natakot ipangtanggol ako.
At dahil nga sa pangyayaring 'yon ay naging close rin ang mga magulang namin. Pero nang nag-highschool na kami'y biglang nagbago ang lahat. Hindi na kasi siya 'yong dating batang lalaki na nakilala ko. Pinapalibutan na siya ng mga naggagandahang babae at pinagpapantasyahan dahil nga sa taglay niyang kaguwapuhan.
Hindi man siya ang umiwas sa akin pero ako na ang kusang dumistansya sa kaniya dahil nga sa mga pagbabanta ng mga nagkakandarapang mga babaeng gusto akong palitan bilang malapit na babae sa buhay niya.
Mas lalong naging malaki ang gap sa pagitan naming dalawa nang mag-college na kami. Dahil mas dumami pa ang mga babaeng gusto mapalapit sa kaniya lalo na't natanggap siya maging varsity player ng university na pinapasukan namin.
Samatalang ako napag-iwanan yata ng panahon. May salamin sa mata, laging libro ang bitbit at library at bahay lang ang tambayan. The usual nerd. Kaya nga naging isang malaking balita ang pagkamatay niya. At ito kami papunta ngayon sa chapel kung saan siya nakaburol.
Dumating kami sa chapel mag-aalas sais na ng gabi. At sa sobrang dami ng gusto bumisita sa burol niya ay nahirapan pa si papa sa paghahanap ng parking space. Mabuti na lang at kahit papaano'y may nahanap din siya pero medyo malayo-layo ito sa entrance ng chapel.
"Mukhang madami talaga yatang nagulat sa biglaang pagkawala niya ha?" manghang may pagkalungkot na sambit ni papa habang maayos na ipinaparada ang kotse.