Agad na ipinaalam ng mga propesor sa kay Directress Ricafort ang kanilang nakitang insignia. Apat sa kanila ang pumasok sa opinina nito – kabilang na ang gurong nakadiskubre nito. Pinalabas na muna ng directress ang kasalukuyan nitong ini-interview na estudaynte nang malamang may emergency na kailangan niyang pagtuunang pansin.
Ipinakita naman nila ang Taurean Insignia na kasinlaki lang nang sampung piso na barya. Nahigit naman ng directress ang sariling hininga nang makita ito. Agad niyang inaksyunan ang natanggap na impormasyon at inutusan ang isa sa mga propesor na pumunta sa Scales of Libra at paghiwalayin ang lahat ng mga estudyanteng galing sa Taurean Column.
Nalilitong tumayo ang mga estudyanteng galing sa nasabing column, sa tagubilin ng propesor. Hindi nila alam anong nangyayari, kung bakit ihiniwalay sila sa iba. Isa si Renz sa mga sumali sa hanay ng mga estudyante dahil Taurean din ito. Kahit naguguluhan ay sumunod na lamang siya. Binilang pa ng propesor kung ilang mga Taurean ang natitira sa loob ng silid. Nasa mahigit-kumulang 55 ang naroon.
"Attention!" malakas na pahayag nito. "There has been a major progress in our investigation, and we are inclined to inform you that we are highly positive that the perpetrator who caused the explosion last night came from the Taurean Column."
Nagkaroon ng samo't saring reaksyon sa loob ng silid. Nagkatinginan ang mga estudyante habang nagbubulungan. Lahat ay nagulat sa nalamang impormasyon. May mga estudyanteng mapanghusgang tumingin sa kumpol ng mga Taurean dahil sa nalaman, habang ang iba naman ay nag-aalala para sa mga kaibigan nila.
"With that," dagdag pa ng propesor. "All students except the Taureans are dismissed and may return to their respective columns. Thank you for your cooperation. You may go now."
Maingay na nagsilabasan ang mga estudyante. Ang iba ay nagreklamo pa dahil sa tagal ng imbestigasyon. Hindi raw sila sanay na matulog sa malamig na marmol, na kumot lang at unan ang mayroon. Palibhasa kasi kadalasan sa kanila ay kung hindi man galing sa mayayamang pamilya ay galing din sa mga may-kaya.
Tahimik na sumunod si Alice sa mga kapwa niya estudyante palabas ng Scales of Libra. Sinitsitan pa siya ni Renz nang dumaan siya malapit dito at sinabing huwag mag-alala at magiging okay lang ang lahat. Tumango na lang si Alice, kahit pa sa totoo lang ay wala naman talaga siyang pakialam. Kakakilala pa lang niya sa lalaki. Malay niya ba kung ito ang salarin o hindi. Mas mabuti nang maging neutral sa mga bagay-bagay, aniya, kaysa naman bigla-bigla ka na lang magtitiwala sa mga tao. Mas mainam na 'yong mapanuri ka.
Pasado alas nueve na ng umaga nang makalabas ang mga estudyante. Tamad na naglakad si Alice pabalik sa Aquarian Column. Dahil nasa likurang bahagi ito ng Nephilpi, sa back entrance ng Salas ng Birhen siya parating dumadaan. Dahil din dito, hindi niya nakita ang wasak na pader sa pagitan ng Leo at Cancer dahil nasa harapan ito ng gusali. Kahit pa medyo kyuryos siya rito, ipinagsawalang bahala niya na lang ito gawa ng pagod at antok.
Malalim pa siyang bumuntong-hinga nang makarating sa Aquarian Column. Naalala niya kasing nasa ikalimang palapag pa nga pala ang kwarto niya. Pagod na siya sa paglalakad galing sa Scales of Libra pabalik sa column, tapos ito nga at aakyat pa siya sa paikot na hagdan. Kung normal na araw lang sana ito, walang kaso sa kanya. Pero ngayong pagod siya at kulang sa tulog, gusto niya tuloy gumamit ng salamangka upang makarating sa kwarto niya nang mas mabilis.
"Kaso wala nga pala akong alam na spell," aniya.
Naisip niya na kung nag-aral lang siya noong bata pa siya, siguro ay may alam siyang mga spells ngayon. Sa totoo lang, may mga panahong nagsisisi siya na hindi niya sinubukang matuto nang salamangka. Nalunod kasi siya sa sama ng loob dahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Kung alam ko lang na kailangan ko pa rin palang mag-aral ng salamangka, sana noon ko pa lang ginawa, sa isip niya. Pero wala na siyang panahon para magsisi o mag-self pity. Ang gagawin niya na lang ngayon ay sisikaping matuto ng mga spells at umasang mabilis siyang mag-advance.
BINABASA MO ANG
BROKEN WITCH TRILOGY, #1: The Fifth Grail
FantasySi Alice ay isinilang na may dalang sikreto, ngunit lalaki siyang hindi alam ang buong kuwento. Ang akala niya'y nagsakripisyo ang ina upang iligtas siya sa gulo, ngunit malalamang hindi lang pala ito ang rason nito. Isang serye ng mga kaganapan an...