Minho: First Encounter

42 15 9
                                    

Kainis naman si Mama. Alam niya kasing naging crush ko 'yon kaya inaasar niya ako.

Kilala ko na siya, si Lara Astra Mendez.

Schoolmate ko siya at naging kaklase ko siya sa PE. Pero bakit hindi niya ako nakilala? Sabagay ang tagal na no'n. Second year college, second sem. Bowling ang subject namin. Napansin ko siya kasi lagi siyang nakaupo mag- isa tapos nakayuko pa, parang sobrang lalim ng iniisip at mukhang pagod na pagod. Loner.

Ayoko ng gano'n. Gusto ko masaya ang mga tao sa paligid ko. Parang may tumutusok sa dibdib ko kapag nakikita ko siyang gano'n. Gusto ko tuloy ipunin lahat ng jokes ko at ipabasa sa kanya para lang tumawa siya. Ang hirap niya pangitiin! Napakaimposible niyang patawanin!

One time grinupo kami ng prof namin para magcompete as finals namin sa bowling. Five groups kami. Isang tira kada isang player at pataasan kami ng scores. Last player kaming dalawa ni Lara hanggang sa siya na lang ang hinihintay para malaman ang resulta. Ang team nila at team namin ang nag- uunahan sa First Place. Kung mapapatumba niya lahat ng pins mananalo sila at nagawa niya nga.

Doon ko siya unang nakitang ngumiti. Napakaganda ng ngiti niya. Ang sarap niya tuloy titigan. Parang nagliliwanag ang mukha niya 'pag ngumingiti siya.

Pero pagkatapos ng sem na 'yon ay hindi ko na siya nakita pa sa campus. Kung kailan handa na akong magpakilala at lapitan siya.

Torpe ka kasi Minho.

Malimit siyang makipag- eye to eye contact, madalas siyang nakayuko lang at nakababa ang tingin kapag kinakausap. Minsan nakikita ko siyang nakatingin lang sa paligid at pinapanood ang mga tao o kaya ay ang mga pine trees. Lagi din siyang nakacap ng black. Kung hindi gray ay black ang suot niyang hoodie at lagi siya sa library nagbabasa ng libro. Creative Writing ang course niya, siguro pangarap niyang maging writer.

Nakakatawa lang na isang sem ko lang siyang nameet ay ang dami ko na agad alam sa kaniya. Ni hindi pa nga kami nag- uusap pero nahulog na agad ang loob ko.

Narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Nakabalik na si Mama pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.

"Ehem."

"Tss. Nakakatuwa," sarkastikong sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Nakakakilig naman kayo," sabi niya.

"Ma."

"Baka ito na ang tamang panahon. Lapitan mo na siya, Minho."

"Ngayon pa. Ang dami kong ginagawa."

"Ikaw din. Baka maunahan ka. Tinanong ko siya kanina sabi niya single pa naman daw siya."

Nagulat ako kaya napalingon ako sa kanya. Nilakihan ko siya ng mata.

"Tinanong niyo 'yon, Ma? Nakakahiya kayo."

"Eyy," kinurot niya pa ang tagiliran ko saka tumayo na.

"Kailangan ko na palang umalis. Grabe ang daming tao. Sana hindi mahirapan si Lara. Marami naman siyang experience kaya magiging okay naman siya 'no, Minho?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay at mabilis naman siyang lumabas ng office na tumatawa- tawa pa.

Kailan ba siya titigil? Pag 'to nalaman ni Lara. Bwisit kasing Sofia 'yon, sinumbong pa ako kay Mama. Nalaman niya tuloy. At 'yong Lara naman na 'yon, ngayon pa talaga siya nagpart- time, graduating pa naman siya. Ang dami niyang time.

Isinara ko na ang laptop ko. Hindi na ako makapag- focus!

Tumingin ako sa orasan, 7:30 pm na. Nagugutom na ako kaya lumabas muna ako ng office. Hindi para makita siya kung hindi para kumain.

Pumunta na ako sa kusina ng second floor saka bumaba ng hagdan doon papunta sa kitchen ng first floor. Pagkababa ko ay nakita ko naman agad si Mama, naghahalo ng stew kaya nilapitan ko na siya.

"Ma, gutom na ako," sabi ko sabay sulyap sa niluluto niya. Itinigil muna niya ang pagluluto at pinisil ang pisngi ko.

"Aigoo. Gutom na ang baby ko," nanggigil na sabi niya.

Agad na nagsalubong ang kilay ko at tinanggal ang kamay niya pero tinawanan niya lang ako. Tumingin ako sa paligid kung may nakakita pero abala silang lahat sa ginagawa nila. Umalis si Mama saglit at pagbalik niya ay may dala na siyang isang bowl at kutsara.

"May party mamayang 10 pm, kaya ito na muna ang kainin mo. May kimchi doon ikaw na kumuha, huh?" sabay abot sa akin ng mga 'yon. Pagkakuha ko no'n ay agad naman siyang bumalik sa pagluluto. Kinuha ko lang ang kimchi at hinalo ang bibimbap (mixed rice) saka nakatayong kumain sa tabi ni Mama.Yakap ko sa kaliwang kamay ko ang steel bowl.

"Umupo ka nga, Minho," saway ni Mama 'pag lingon sa akin.

"Panoorin kita, Ma."

Isusubo ko na sana ang kutsara ko nang biglang bumukas ang pinto ng kusina mula sa counter sa labas kaya napalingon ako doon. Nakita ko si Lara na may hawak na tray na puno ng mga pinggan at baso. Mukhang dadalhin niya iyon sa dishwasher na nasa likuran ko lang.

Nakasuot siya ng brown na apron at brown na cap. Bagay pala sa kanya ang uniform namin. Ang cute niya.

"Excuse me?"

"Huh?"

Hinila ako ni Mama patabi dahil nakaharang ako sa dadaanan ni Lara. Bigla tuloy akong nahiya kaya humarap na lang ako sa pader saka ipinagpatuloy ang pagkain ko. Lumabas naman agad si Lara pagkabigay niya ng tray sa dishwasher.

"Namumula ka, Minho," bulong ni Mama sa akin saka tinawanan ako. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ko. Pagkatapos ay umakyat na din ako sa taas para tapusin ang ginagawa ko kasi for submission na 'yon bukas. Hanggang sa namalayan ko na lang na 10 pm na. Kailangan ko na daw bumaba para sa Welcome Party. Niligpit ko muna ang mga gamit ko at inayos ang bag ko. Mamaya kukunin ko na lang iyon pag- uuwi na kami ni Mama para mabilis. Sa Upper Mabini kasi ang restau namin at sa Navy Base naman ang bahay namin. Malayo.

"Welcome to Minzy's Restaurant, Lara!"

At saka hinipan ni Lara ang cake. May party hat pa sa ulo niya. Bakit ba kasi ang cute niya? Hanggang leeg ko lang ata siya, payat na maputi, hindi ko pa siya nakikitang nakalugay ang buhok pero maiksi lang ang buhok niya. Pilit niyang tinatago ang sarili niya pero napapansin ko pa din siya.

Lahat kami ay nasa isang mahabang table at sabay- sabay na kumakain. Nasa getting-to-know-Lara part na kami ng party. Lahat kami ay tatanungin si Lara ng tungkol sa sarili niya pero isang tanong lang kada isang tao.

"Anong course mo, Lara?" tanong ni Ate Nat na host ng restaurant.

Nasa dulo ng table si Lara. Mag- isa lang siya dahil nasa kanya ang spotlight. Mukhang naiilang nga siya sa atensiyon. Madalas nasa plate lang niya ang paningin unless may kumausap sa kaniya.

"BA in Creative Writing," sagot niya.

"Schoolmate sila ni Minho," sabat naman ni Mama. Tumingin pa siya sa akin at kinindatan ako.

And then came my turn.

"Ano comfort food mo?" mabilis na tanong ko sa kanya muntik pa akong pumiyok. Tumingin siya sa akin saka ko naman ibinaba ang tingin sa pagkain ko. Ang awkward mo, Minho. Umayos ka nga.

"Ramyeon," sagot niya. Iyon lang, ang tipid niya sumagot. (Ramyeon is Korean Ramen)

Ramdam kong tinitingnan ako ni Mama kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit?" taas ang kilay na tanong ko.

"Kailangan ko na atang bumili pa ng ramyeon noodles. Mukhang mauubusan na naman tayo ng stocks," bulong niya sa akin, tumatawa pa.

Nauubos kasi stocks nila dito kapag nagpapractice ako. Culinary Arts ang course ko at pangarap kong maging chef. Pangarap ko din ang Korean Cuisine.

"Gawa ka na din ng maraming kimchi, Ma," mayabang na sagot ko.

Ramyeon lang pala, eh. Madali lang 'yon. Gawan ko pa siya ng isang malupit na Special Ramyeon by Chef Minho.

Napangiti ako bigla. Nababaliw na ata ako.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon