Minho: Jealous Lara

6 6 0
                                    

"Bilisan mo! Malapit na magsunrise!"

Nag- aya si Lara sa Yellow Trail sa Camp John Hay. Gusto daw niyang mag- hiking at kailangan niya daw 'to para sa story niya. Ang aga niya pa akong ginising.

"Wait lang," habol ang hiningang sabi ko.

Lumapit siya sa akin at iniabot ang water bottle niya. Uminom naman ako doon.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya mo pa ba?" natatawang tanong niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka hinila ang kamay niya at nagpatuloy sa pag- akyat.

Tumigil kami sa mataas na lugar na maraming pine trees sa harapan. Doon namin iintayin ang pagsikat ng araw.

"Baka sumakit ang ulo mo," tanong ko nang nakatingin sa kaniya.

"Nandito ka naman," sabay ngiti sa akin.

Kumunot ang noo ko sa biglaang paglalambing niya.

"Baka mabaliw ka na naman sa akin, iwan mo ako ulit," pagbibiro ko.

Pinalo niya ang braso ko at sinamaan ako ng tingin. Pumunta naman agad ako sa likuran niya at niyakap siya.

"Sige lang. P'wede naman na tayong baliwin ng pagmamahal ngayon," malambing na sabi ko.

Tumawa naman siya. Tumingin kami sa mga pine trees sa harapan namin.

"Alam mo ba kung bakit kailangan ko iyong gawin?" mahinang sabi niya, may bakas ng lungkot sa boses.

"Hindi, pero naiintindihan ko," sagot ko saka inilapit ko ang pisngi ko sa pisngi niya.

"Narinig ko kayo nila Sofia. May pangarap ka din at ayokong kuhanin 'yon dahil hindi ko naman ibinigay sa iyo ang pangarap ko."

"Huwag na natin pag- usapan 'yon. Ang importante bumalik ka," sabi ko saka ipinikit ang mga mata ko dahil inaantok pa ako.

Pinalo niya ang braso kong nakayakap sa kaniya. "Sunrise na," tuwang- tuwang sabi niya.

"Whoa," manghang- manghang sabi ko pagkamulat ng mga mata ko.

Unang beses kong nakapunta dito. Sumisilip ang sikat ng araw sa mga puno ng pine trees at mas pinapaganda pa iyon ng hamog.

"Ang ganda no?" si Lara habang nakatingin doon.

Tumango- tango na lang ako.

Saglit pa namin iyong pinanood saka bumaba na din para maghanap ng pwedeng kainan. Humanap kami ng malapit na restau at umorder ng breakfast.

"Wow. Ang tagal ko nang hindi nakakatikim ng Filipino breakfast," natatawang sabi ko habang nakatingin sa table na may fried rice, egg, bacon, tocino, bread at jam. Orange juice ang pinili ni Lara para sa drinks.

"Gusto mo ba ipagluto kita nito?" nakangiting tanong ni Lara.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Huwag na baka makalimutan mo na namang lagyan ng asin ang sinangag dahil nasa ibang mundo ka na," pagbibiro ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain dahil nagkape lang ako kanina.

"Ipagluto mo ako nito," sabi ni Lara sabay turo sa tocino.

"Kung doon ka ulit matutulog, ipagluluto kita ng ganiyan," saka nginitian siya.

Tumango naman siya. "Wala ka na bang ibang nabasang romance novels?" tanong ko habang kumakain at sumusulyap- sulyap sa kaniya.

Muntik pa siyang masamid. Nagsalubong ang kilay niya at tiningnan ako ng masama. "Bakit mo tinatanong? Hindi na nga ako nakakanood ng Korean drama," agad na sagot niya.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon