Minho: Rejected

18 11 5
                                    

Mabuti na lang at pumayag siya.

Hindi na din kami masyado naglibot pa sa Burnham. Pumili na lang kami ng open space at maramo para hindi kami maalikabukan. Naglatag ako ng tela roon at inilapag lahat ng dala kong pagkain. Hindi madilim at hindi din masyado maliwanag sa pwesto namin. Sakto lang para makita ang kislap ng mga bituin sa langit. Umupo si Lara sa kabilang dulo ng mat. Nakayakap ang mga braso niya sa mga binti niya habang ako naman nakatukod sa likuran ko ang mga kamay ko. Nasa pagitan namin ang mga chips at sodang binili ko kanina sa convenience store. Pareho kaming nakatingin sa madilim na langit. May crescent moon at sa tabi no'n ay isang maningning na bituin.

"Di ba stars ang ibig sabihin ng pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Astra. Stars. Gumagaan din ang pakiramdam ko tuwing ginagawa ko 'to. Payapa ang paligid at wala masyadong tao. INTJ ako. Introvert."

"Ano 'yon?"

"Personality type."

"May gano'n pala. Ngayon ko lang 'yan nalaman."

"Tingin ko ENFP ka. Extrovert."

"Gano'n ba? Magkaiba pala tayo at saka nawawala ang frustrations ko kapag nag- iingay ako. Nagpaparty at nag- iinuman kami ng mga tropa ko para mawala stress namin," sabi ko sabay tawa.

"Pero bakit ka nandito?" tanong niya.

"Para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo," sabay lingon ko sa kaniya.

Nakatingala lang siya sa langit pero ngumiti siya.

"Salamat," sabi niya pero hindi niya ako nililingon.

Kainis naman 'to.

"Alam mo bang sinasabi 'yan habang nakatingin sa mata ng kausap mo," sabi ko na parang batang nagtatampo.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Salamat," sabi niya.

Tinitigan ko siya. Ano bang meron 'yang ngiti na 'yan at parang gusto ko siyang lapitan at halikan? Nagulat ako sa naisip ko kaya tumingin na lang ako ulit sa langit. Sandaling katahimikan muna bago siya muling nagsalita.

"Mas gusto ko ang crescent moon kaysa sa full moon" saka itinaas ang kamay niya na para bang kaya niyang abutin ang buwan na iyon. Tumingin ako doon.

"Bakit?" tanong ko.

"Nakangiti kasi siya," sabi niya.

Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin. Bumalik naman agad ang tingin niya sa langit. Napangiti ako.

Marami pa akong gustong malaman sa kaniya kaya tinanong ko siya.

"Bakit gusto mong maging writer, Lara?" sabay kuha ng soda at uminom no'n.

"Kung gaano kasi katahimik ang bibig ko siya namang kaingay ng utak ko. Minsan nga pakiramdam ko napapaos na siya sa dami niyang sinasabi. Kapag nagsusulat din ako umaayon sa akin ang lahat. Nakaka- amaze lang na nakakagawa ka ng madaming mundo sa isip mo."

"Bagay nga sa 'yong maging writer," saka ako tumawa. Tumawa din siya. Mahina pero mabilis na kumabog ang dibdib ko ng marinig ko iyon.

"Taga- dito ka ba sa Baguio?" tanong ko

Kumuha siya ng chips at binuksan 'yon. Inabot niya sa akin pero umiling ako dahil busog pa ako.

"La Union. Umakyat lang ako dito dahil sa scholarship," sabay subo ng chips.

"Umuuwi ka every sembreak?"

"Hindi. Nagtatrabaho na lang ako o kaya nagsusummer class kapag may subjects ako na ino- offer."

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon