Lara: Heart Wins

9 8 3
                                    

*** You made the darkness tolerable ***

"Upo ka," sabay urong ni Minho ng monoblock chair sa harap ng round table para makaupo ako doon.

"Salamat," sabi ko saka umupo na. Umupo naman siya sa tabi ko. Sa harap ko ay isang tray na may bowl of ramyeon, kimchi, chopsticks at kutsara.

"Ito na ba 'yon?" masayang tanong ko sa kanya habang inaamoy ang ramyeon. Parang natanggal agad lahat ng stress ko. Nilingon ko siya at ngumiti sa akin.

"Tikman mo," sabi niya, napakagat pa siya sa labi niya.

Kinuha ko na ang spoon at tinikman muna ang soup. "Ito nga," masayang sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang chopsticks at kumuha ng kimchi. Ipinatong ko iyon sa noodles at isinubo.

Napangiti na lang ako.

"Tuwang- tuwa ka, ah. Ngayon ka lang ba nakakatikim niyan?" tanong niya.

"Oo, dahil hindi instant 'to," sabay tawa ko kaya napatawa din siya.

Pinapanood niya lang ako kumain.

"Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa bowl of ramyeon.

Ipinatong niya ang siko niya sa table at nakapanga- lumbabang tiningnan ako.

"Kung susubuan mo ako, eh. Why not?" sabi niya pa.

"Magluto ka na lang ulit kung gusto mo. Sa akin 'to," pagdadamot ko saka ipinagpatuloy ang pagkain. Tinawanan niya lang ako at inilapit sa akin ang plate ng kimchi.

"Kamusta na pala ang mama mo?" tanong niya.

Hindi ko na nga pala siya nakausap pa matapos kong sabihin sa kanya iyong pagpunta ko sa New York. Ang huling kita ko sa kanya ay nang ihatid niya ako sa bahay. Lagi akong nag- aantay sa pagpunta niya sa restau pero hindi siya nagpakita sa akin.

"Okay na siya. Nandoon sila kayla Lola."

"Eh, ang Papa mo?"

"Sinampahan nila ng kaso kahit ayaw ng Mama ko. Kailangan niya pagbayaran 'yon. Kailan siya titigil? Pag napatay niya na Mama ko?" Saglit akong napatigil dahil sa sinabi ko. Bigla akong nakaramdam ng takot. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Okay lang ako," sabi ko sa kanya. Inalis din naman niya agad ang kamay niya.

"Galit ka ba sa Papa mo?" tanong niya.

"Mas nangingibabaw ang takot kaysa sa galit."

Hindi na nagtanong pa si Minho at natapos ko naman na ang pagkain ko.

"Salamat dito. Bakit hindi mo ilagay 'to sa menu? Sigurado bebenta to," sabi ko sa kanya habang nililigpit ang pinagkainan ko.

"Hindi na 'yan special kapag natikman na ng iba. Exclusive 'yan para sayo. Ikaw lang makakatikim," sabi niya.

Ewan ko ba, natutuwa ako kaya tinawa ko na lang.

"Tinatawanan mo lang ba efforts ko?" taas ang boses na tanong niya.

"Ang korni mo kasi at saka ang pangit ng terms mo," sabi ko sa kanya na natatawa pa din.

Nagsalubong ang kilay niya kaya tumigil na ako sa pagtawa.

"Tara na, nakauwi na ata sila," sabi ko sabay tayo.

Hinayaan niya lang din akong dalhin ang pinagkainan ko sa kitchen. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto.

"Ako na maghuhugas," sabi niya nang pagkalapag ko sa sink ng tray pero hindi ko iyon binitawan.

"Ako na, ikaw na nga nagluto," sabi ko.

Inalis niya ang kamay ko sa tray. Napatingin na lang ako sa kamay ko nang hawakan niya iyon. Mabilis naman akong tumabi at hinayaan na lang siyang mag- hugas.

Itinaas niya ang sleeves ng sweater niya hanggang siko. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng dating kapag ginagawa ng mga lalaki iyon. Tapos may suot na relo.

Ito ang unang beses na titigan ko ang mukha niya. Matangkad na maputi si Minho. Pure Korean siya at makinis ang balat niya sa mukha. Itim na itim ang buhok niya at natatakpan din noon ang noo niya. Matangos ang ilong

Nasobrahan na ata ako sa romance novels at Korean drama. Ang dami kong time, eh.

Isinara na niya ang gripo pagkatapos maghugas na hindi ko namalayan dahil nakatingin lang ako sa kanya.

"Tara na," sabi niya sabay lapit sa mga bag namin na nandoon na din, kung paano ay hindi ko alam.

Kinuha ko na ang bag ko. Nauna na siyang lumapit sa pinto at pinagbuksan ako. Pinatay niya ang ilaw ng restau sa loob pero hindi ang mga ilaw sa labas. Nag- antay ako sa labas habang nilolock niya ang pinto at saka tumingin sa madilim na langit. Ang daming bituin. Hinanap ko agad ang buwan pero wala iyon. Kaya pala. Ang lamig pa ng paligid. Ang sarap sa pakiramdam. Tumabi naman sa akin si Minho at napatingin din siya sa doon.

"Gusto mong maglakad muna?" tanong ko.

"May dala akong sasakyan. Magdadala na ako ng sasakyan araw- araw para hindi ka na maglakad."

"Makakadagdag ka lang sa traffic ng Baguio," sabi ko sa kanya.

"Umaga at gabi ko lang naman 'yon ginagamit. Wala masyadong sasakyan ng mga ganoong oras," pagtatanggol niya. "Tara na, malamig na," saka siya naglakad palapit sa sasakyan niya.

Sumakay na kami, malapit lang naman tinutuluyan ko.

"Gusto mong mag- ikot muna? Mas maganda ang Baguio City sa gabi," sabay lingon ko sa kanya.

Lagi kasi akong gabi umuuwi at mas gusto ko iyon. Hindi ko nararamdaman ang mga tao at parang solo ko lang ang mundo. Kapag hindi ko makita ang mga bituin sa langit, city lights na lang ang hinahanap ko. Lalo na kapag nasa mataas ka na lugar ang ganda tingnan ng ilaw ng City, bundukin kasi dito sa Baguio.

"Huwag na, gabi na, kailangan mo ng matulog," sabi niya habang nasa pagdadrive ang paningin.

Bakit kasi hindi na lang siya pumayag? Huwag na nga lang. Hindi pa din naman ako sigurado sa sasabihin ko. Baka biglang bugso lang 'to ng damdamin at pagsisihan ko sa huli.

Hahayaan na kasi ng utak ko ang puso kong gawin ang gusto niya. Pero pag- iisipan ko muna, Minho. Baka kasi masaktan lang natin ang isa't- isa. Hindi ko pa ito nasusubukan kaya hindi ko din alam ang gagawin.

Ito iyong mga panahon na pinagsisisihan kong hindi isama ang kaibigan sa priority list ko. Wala tuloy akong mapagsabihan at mahingan ng payo. Inaasa ko na lang ang lahat sa libro. I learn life by reading books at ang romance genre ang nahihirapan akong intindihin. Hindi ko magets kung bakit nagseselos iyong babae sa nilalapitan lang naman na babae ng guy, kung bakit nagiging sobrang emosyonal ng mga babae at nagiging mahina sila tuwing naiinlove, at kung bakit ang dami nilang sina- sacrifice para mag- give way lang sa pagmamahal. Then I came to a conclusion na nakakabobo nga ang pagmamahal.

"Lara, nandito na tayo."

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami.

"Baba na," sabay abot ng kamay niya sa akin.

Nakababa na din pala siya at bukas na ang pinto sa passenger's seat. Kinuha ko iyon at bumababa na ng sasakyan.

"Kita na lang tayo bukas," sabi niya sabay ngiti sa akin.

Tinitigan ko siya at tumingin ng diretso sa mga mata niya sandali na para bang mahahanap ko doon ang sagot sa problema ko.

"Ingat ka pauwi," sabi ko saka tinalikuran siya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya at niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya at natigilan saglit. Nagtatalo pa ang isip at puso ko kung yayakapin ko siya pabalik. Hindi ko alam, kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko at niyakap sa kanya ang mga braso ko. Isinubsob ko pa ang mukha ko sa may leeg niya.

"Lara."

"Pwede bang huwag ka na lang magtanong?" mabilis na sabi ko.

"Ngayon ko lang ito ginawa, ang hayaan ang puso kong gawin ang gusto niya. Sasabihin ko na lang sa utak ko bukas na bayad ko 'to sa special ramyeon para hindi niya ako pagalitan."

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon