Lara: She is Back

3 4 0
                                    

*** I have to let go or else I'll drain you ***

"Welcome back to the Philippines, Ms. Lara," nakangiting bati sa akin ng host ng isang TV Show.

"Thank you, glad to be back," tuwang- tuwang sabi ko sa kanya saka humarap ulit sa camera.

Kakauwi ko lang ng Pilipinas, interview na kaagad. Iniiwasan ko pa naman iyong mga ganito. Pero last na daw 'to sabi ni Ree na ageant- more- like- manager ko. American siya at siya ang pinasama sa akin ng company namin para sa book project ko dito sa Pilipinas. Bukas aakyat na kami ng Baguio. Doon kasi ang setting ng book na isusulat ko.

I promised my supporters a Filipino novel, showcasing Filipino culture and to give back sa kumupkop sa akin ng apat na taon, culture ng Cordillera ang pinili ko.

Natapos din naman agad ang interview at naglakad na kami palabas ng TV Station.

"Congrats, you're improving," sabi sa akin ni Ree habang nag- lalakad kami. Tuwang- tuwa siya dahil hindi na ako awkward sa TV. Nang- aasar.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglakad sa hallway. Patuloy lang kami sa pag- lalakad nang makasalubong namin ang isang grupo ng mga babae at lakad takbo ang ginagawa nila kaya tumabi kami ni Ree para hindi kami mabunggo.

"Bilisan mo para makita natin si Chef bago magstart ang cooking show."

"It's because of you! Kapag hindi ko nakita si Chef, sasamahan mo ako sa Baguio!"

"Are they allowed in here?" tanong sa akin ni Ree.

Nagkibit- balikat lang ako at saka nagpatuloy sa pag- lakad. Pagkalabas namin ay dumaan muna kami sa isang restau para kumain.

"Don't forget the welcome party at Camp John Hay," pagpapa- alala sa akin ni Ree.

Kung hindi lang ako makakalimutin hindi ko na siya kailangan pang isama dito. Kapag nagsusulat kasi ako wala na akong paki- alam sa outside world dahil hindi na ako maistorbo sa imahinasyon ko. Kaya sabi ng company isama ko daw siya para may maghandle ng schedules ko. Siya din naman gumagawa noon nang nasa New York pa kami.

Isinuko ko na lang ang mga kamay ko dahil hindi niya ako tatantanan. "Let's eat first. I'm starving," saka pinagpatuloy ang pagkain ko ng pasta.

"Wy!"

Napatingin ako doon sa lalaking sumigaw. Napalingon naman sa kaniya iyong tinatawag niya.

"Wala si Chef?" tanong nito. Tumitingin- tingin pa siya sa likod ni Wy.

"May cooking show po siya," sagot nito.

"Oo nga pala. Celebrity na nga pala si Chef ngayon. Pakisabi salamat at dumalaw siya dito minsan," saka tinapik sa balikat iyong Wy.

Tumango lang naman si Wy saka umalis na din.

"Did you get any?" biglang tanong sa akin ni Ree kaya napalingon ako sa kaniya.

"Just some reactions and behaviors," sagot ko saka nagpatuloy sa pagkain.

Ang advice kasi sa akin ay mag- observe daw ako sa paligid ko to know people's reactions, iyong mga mannerisms nila kapag nagsasalita para daw madescribe ko ito ng maayos sa book at makakuha na din ng stories.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Pagkatapos ay saka nagdiretso sa hotel para makapagpahinga. Aakyat na kami ng Baguio bukas ng umaga.

Babalik ba siya ng Baguio? Wala na akong balita sa kaniya. Ginugol ko lahat ng oras ko sa pag- aaral at pagsusulat ng libro pero hindi siya nawala sa isip ko. Ang dinig ko ay sikat na siyang chef ngayon sa Korea pero bukod doon ay wala na akong ibang narinig pa. Wala din naman akong mapagtanungan.

Sa New York ko nirelease ang book 1 ng fantasy series na isinulat ko noong college pa ako. Noong una nawawalan na kami ng pag- asa dahil baguhan ako. Walang nagtetake ng risk para basahin ang isinulat ko. Although may mga connections naman na ako at mga kilala sa writing industry, hindi iyon sapat para bumenta ang libro ko.

Pero hindi rin iyon nagtagal at bigla itong sumikat. Nasuklian lahat ng marketing at promotions na ginawa namin. Wala talagang gem na hindi nadidiscover. Kailangan mo lang talagang magtiwala sa art mo.

Nasundan pa iyon ng book 2 at book 3. May prequel din at sequel. Iyong anim na taon ko sa New York ay hindi ko inaasahan. Tama nga. Kapag para sa iyo ang isang bagay at kapag gustong- gusto mo itong maabot. Tutulungan ka ng mundo para maisakatuparan iyon.

Pagkatapos ng fantasy series ko, my company suggested na try ko daw ang romance genre because they know I suck at it. Hindi daw nila maramdaman ang mga romantic scenes ko at kailangan ko daw matutunan isulat iyon. Kaya kahit ayaw ko ay nagresearch ako. I came across a poem written by a late princess. It was a tragic poem so I gave them a happy ending. The book was released pero hindi siya umabot sa ibang bansa. They just read it dahil ako ang sumulat. Kaya hindi ko na din itinuloy at bumalik na lang sa fantasy.

"You should go get some sleep. We're leaving early tomorrow," sabi ni Rew sabay upo sa sofa. Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV.

Umupo ako sa tabi niya para manood din dahil hindi pa ako inaantok. "You won't understand that anyway, why bother watching? You should go get some sleep," panggagaya ko sa kanya.

Inirapan lang niya ako at saka naghanap siya ng channel na papanoorin niya.

Tumayo naman na ako para pumasok ng kwarto at magsulat na lang.

"Please welcome, Chef Minho!"

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Gusto kong lumingon para makita siya pero hindi ako makagalaw.

"Is there anything wrong? Is it your migraine again?" tanong ni Ree sa likod ko.

"Nope. I'm fine," saka mabilis na bumalik sa sofa at umupo sa tabi niya.

Si Minho nga. Mukhang judge siya sa isang cooking show dito sa Pilipinas. Sa Manila siya nag- stay?

"Hi, I'm Chef Minho and it's my pleasure to be here." Pagkasabi niya noon ay agad nagpalakpakan ang kasali sa cooking show. Nagsigawan naman ang audience doon.

Pinakita sa TV ang mga babaeng may hawak pa ng banner at sinisigaw ang pangalan niya. Mukhang sikat na nga siya talaga.

Napakagat ako sa labi ko nang bumalik sa kanya ang camera. Nakatagilid siya. Seryoso ang mukha niya at magkakrus ang braso. Hindi na nahaharangan ang noo niya. Bagay pala sa kanya ang gano'ng hairstyle. Professional na professional siyang tingnan. Nakasuot siya ng black na chef's uniform at nakafold ang sleeves no'n hanggang siko. Napatingin ako sa kamay niya. Suot niya ang relong ibinigay ko noong birthday niya. Mabilis namasa ang mata ko ng makita iyon kaya nag- iwas ako saglit ng tingin.

"It's late. You should sleep," sabi ni Ree saka pinindot ang remote at pinatay ang TV kaya agad akong napalingon sa kaniya.

"I was watching! Give me the remote," sabay agaw sa kaniya ng remote pero itinaas niya iyon at mabilis na tumakbo sa kwarto niya dala ang remote. Ang masama pa ay nilock niya ang kwarto para hindi ako makapasok.

"You sure gonna regret this, Henry Smith!" sigaw ko sa may pinto niya.

"Sleep, Lara. You don't want your migraine to act up again!"

Sinipa ko ang pinto niya pero ako lang ang nasaktan.

Pumasok na ako ng kwarto ko. Dumiretso ako sa terrace dahil nag- init ang ulo ko. Kailangan kong magpahangin.

Agad naman akong kumalma nang makita ang crescent moon sa madilim na langit. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa railings ng terrace at saka tinitigan iyon. Napangiti ako. 

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon