Lara: Shooting Stars

4 4 0
                                    

*** Why can't I keep you? ***

[Kamusta, Lara? Malapit na ang alis mo. Ready na ba mga papeles mo?]

[Wen, Uncle. Buo na din ang pera ko.] ("Wen" is an Ilocano word for "Yes")

[Mabuti naman. Huwag mong kakalimutan magdala ng paborito ko. Alam mo na 'yon.]

[Sige, Uncle. Sabihin ko kay Patrick.]

Naging busy kami ni Minho nitong mga nakaraan dahil sunod- sunod ang demand sa amin ng acads. Nagkikita naman kami sa restaurant. Iyon na lang ang dates namin.

Binuo ni Papa ang savings ko papunta ng New York. May extra allowance pa ako dahil sa dami ng trabahong kinuha ko. Tapos na ang contract ko sa publishing company at iyong sa restau na lang ang itinira ko.

Pinayuhan ako ng adviser ko na simulan nang sulatin ang book 2 ng final output ko. Balak ko kasing gawing series iyon. Naniniwala siya na papatok daw iyon sa mga readers. Sa ganoong paraan ay masisimulan ko na ang career ko. Kukuha pa ako ng mga classes sa New York para maging bihasa sa pagsusulat.

Ngayon ay nag- aantay na lang kami ng graduation. Tapos na mga requirements at mga final exams. Madami na kaming oras ni Minho para sulitin ang natitirang panahon na magkasama kami. Plano ni Minho na ilibot ako sa Baguio para makabawi ako sa apat na taong bahay, school, trabaho, library na routine ko. Siya ang tour guide ko.

Nagjogging kami sa Wright Park paakyat ng The Mansion, nanood ng sunset sa Mines View Park, tumingin ng mga bulaklak sa Botanical Garden, pumunta pa kami ng La Trinidad, nagstrawberry picking at kung ano- ano pang maisipan ni Minho.

Napagod na ako sa kagagala niya sa akin kaya nagrequest ako na magstar gazing na lang dahil hindi ko naman trip ang ganoon. Inaya ako ni Minho sa bahay nila para panoorin ang meteor shower mamayang mga 2 am. Dito na lang din daw ako matulog dahil late na.

Nakaupo kami sa reclining chair, malapit sa isa't- isa pero may konting pagitan. Nakasandal ang likod namin at nakatingin sa langit. Moon bathing ang peg. Nasa paanan namin ang camp fire, na siyang tanging nagbibigay liwanag sa lugar. Malayo sa amin pero sapat na para hindi kami lamigin. Nasa kaliwa namin ang tent na tutulugan namin mamaya at nasa kanan naman ang telescope para mas malapit naming makita ang mga meteors.

"Iyong book assignment ko nga pala, nakalimutan na natin. Ang pangit naman ng ending. Anong gusto mong ipahiwatig doon, huh?"

Napangiti ako dahil naalala niya pa 'yon. Ang daming nang nangyari kaya hindi ko na nasabi sa kaniya. "Literal mo atang inintindi ang binasa mo, eh" sabi ko sabay abot sa kanya ng bag ng chips. Kinuha niya iyon at iniabot naman sa akin ang can ng soda. Tumingin ako sa langit habang umiinom ng soda saka siya nagsalita ulit.

"Nagkahiwalay sila at iyong isa ang pinili niya kahit hindi iyon ang soulmate niya. At anong sabi niya? Love is liberty? That you will never be mine, and that is why I will never lose you, never forget me.

Halos maiyak pa siya nang sabihin niya iyong mga lines kaya mas lalo akong napatawa. "Alam mo ba na kapag nagbabasa ka, iyong mga lines na appealing sa iyo, they say something about you," sabi ko sabay tingin sa kanya.

Nilingon niya ako. "Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong niya.

"Wala. Hindi iyon ang gusto kong matutunan mo," sabi ko.

"Eh, ano?" inis na tanong niya.

"True love allowed each person to follow their own path, knowing that they would never lose touch with their Soul Mate."

Napangiti naman siya sa sinabi ko at saka tumingin ulit sa langit.

"Gets mo na?" tanong ko.

Tumango siya. "Naniniwala ka ba sa reincarnation, Lara?" biglang tanong niya.

"Hmm." Tumingin ako sa madilim na langit. "Naniniwala kasi ako na maraming possibilities. Sayang naman kung closed ang imagination mo," sabi ko.

Tumawa siya. "Babawan mo naman, nakakalunod," reklamo niya kaya napatawa din ako.

Saglit kaming tumahimik para tingnan ang mga bituin at ang crescent moon.

"Sabi kasi doon na death is not the end, kung hindi daw natin marealize ang gift natin ngayon, sa next life daw iyon magpapatuloy. Ano kaya ako sa past life ko?" biglang tanong niya.

Napalingon ako sa kanya dahil bigla siyang sumeryoso. "Hmmm." Siningkitan ko siya ng mata. "Bato. Siguro bato ka," pagbibiro ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "Joke na 'yon sayo?" pang- aasar niya.

Inismiran ko lang siya. "Pwede kaya 'yon," pagtatanggol ko sa sinabi ko. "Balang araw mapapatawa din kita sa mga jokes ko," pangako ko sa kanya, itinuro pa siya.

"Kapag nangyari iyon..." Umalis siya sa pagkakasandal at tumayo. Niyuko niya ako at itinukod ang mga braso niya sa mga gilid ng reclining chair ko. "May reward ka," saka akmang hahalikan ako pero biglang naagaw ang atensiyon ko ng dumaang shooting star.

Pinalo ko ang braso ni Minho. "Start na Minho!" sigaw ko sa kaniya na ikinagulat niya kaya napaayos siya ng tayo.

Tumayo na din ako agad at pumuwesto malapit sa telescope. Sumunod naman si Minho at tumabi sa akin.

"Tingnan mo 'yon!" sabay tuwang- tuwang turo ko sa sunod- sunod na shooting star na dumadaan sa madilim na kalangitan. Mas namamangha ako sa meteor shower kaysa sa fireworks kahit na mas makukulay pa sila.

Pumunta si Minho sa likuran ko at niyakap ako. Sumandal naman ako sa kanya.

"Kapag humiling ba ako sa lahat ng 'yan matutupad ang hiling ko?" tanong niya saka idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko.

"Baka. Try mo. Anong hihilingin mo?" interesadong tanong ko. Hindi maalis sa langit ang paningin ko.

"Na bumilis ang oras pag- alis mo para makasama na agad kita. Pagbalik mo, let's get married."

Hindi ko alam kung bakit lungkot ang naramdaman ko imbis na tuwa. Humarap ako sa kanya. Kinuha ko ang mga kamay niya at hinawakan iyon. "Huwag kang iiyak," banta ko sa kaniya dahil nakita kong namamasa na ang mga mata niya.

Nag- iwas siya ng tingin at huminga ng malalim saka mahigpit akong niyakap. "Kaya ko ba, Lara?" malungkot na tanong niya.

"Mabilis lang ako. Babalik din ako agad sa 'yo. Tatawagan kita kahit araw- araw pa. Masakit din para sa akin 'to," malungkot na sabi ko malapit na ding umiyak.

Ramdam kong sumisikip ang dibdib ko kaya pumikit na lang ako habang yakap siya. Mas hinigpitan ko pa ang yakap parang ayaw na bumitaw.

Ayaw kitang iwan, Minho. Huwag na lang kaya akong pumunta ng New York?

Bigla akong napamulat at napabitaw sa yakap niya nang pumasok iyon sa utak ko. 

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon