Lara: Aegyo

6 5 2
                                    

*** Happiness is easy when you're around ***

"Pero Sir, mahirap sa Wattpad lalo na kapag start-up writer ka."

Pinag- uusapan kasi namin kung papaano namin magagamit ang Wattpad as a medium to let the people know the story of our characters. Isa din ito sa mga career paths na pwede naming itake kung gusto namin maging freelance writers.

"Nakakaproud nga ang mga Filipino doon dahil gamit nila ang sarili nating lengguahe para makapagsulat. Dala nila ang kultura, tradisyon at paniniwala nating mga Pilipino sa mga sinusulat nila," sabi pa ng isa kong kaklase.

"Madami ding underrated writers doon at mga stories na hindi napapansin dahil walang matured contents."

"Natatakot ako actually na ipublish ang story ko doon. Baka kasi gayahin ng iba, tapos nagkataon na mas sikat 'yong gumaya, eh di, siya ang nakilala, hindi ako. Kaya huwag na lang."

"Nagbabasa ka ba ng Wattpad, Lara?" pabulong na tanong ng katabi ko.

"Oo, madami din kasing stories doon. Yung may story talaga at hindi mababaw," pabulong din na sagot ko.

"Nakakayanan mo grammar nila? Lalo na kapag Tagalog," nandidiring sabi niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Alam ko naman na importante ang grammar sa story telling but I'm not into grammar. I'm into the story. As long as bearable naman ang grammar at naiintindihan ko, binabasa ko."

Pagkatapos ng lecture ay pumunta na ako sa office ni Sir para ipasa ang final draft ko at tuwang- tuwa naman siya kaya mabilis niya akong pinaalis para daw mabasa niya agad.

Babalik na din si Minho sa Sunday. Niyaya ako ni Sofia na doon daw kami matulog ngayong Friday kayla Minho para samahan si Mam Minzy. Pumayag naman ako, maaga na lang ako aalis bukas para makapag- sulat pa ng content.

Panay pa ang tawag sa akin ni Minho. Umaga, tanghali, gabi sinasagot ko naman para hindi siya magalit. Baka kasi bigla na lang siyang umuwi at sugurin ako.

Birthday ko na sa next Saturday at hindi ko pa alam kung magde- day off ako o yayayain ko na lang si Minho na kumain sa labas. Okay na 'yon, wala din akong pang- blow out. Ngayon nga lang din ako magcecelebrate ng birthday.

"Pasok ka, Lara," yaya sa akin ni Mam Minzy ng makarating kami sa bahay nila. Pinagamit muna niya sa akin ang slippers ni Minho. Dito na kami dumiretso pagkatapos naming isara ang restau. Susunod na lang daw si Sofia dahil may kukuhanin pa daw siya sa bahay nila sa Engineer's Hill. Manonood daw kami mamaya at maglalaro.

"Mam Minzy, tulungan ko na po kayo," sabi ko sabay lapit sa kanya. Nasa kitchen na siya at nagluluto na ng dinner.

"Tita na lang, nasa bahay naman tayo," sabi niya sabay kindat pa sa akin.

Napakagat ako sa labi ko sa hiya. Nag- init tuloy bigla ang pisngi ko. Hindi ako sanay na tawagin siyang Tita.

"Ito na lang, pakicut," sabi niya sabay abot ng chopping board na may cucumbers at carrots.

Inilibot ko ang paningin sa kitchen para maghanap ng kutsilyo.

"Sorry, iyong knife nga pala. Nandoon, pakikuha na lang. Iyong black, pangalawa sa row," sabay turo sa akin ni Mam Minzy kung nasaan ang mga knives.

Lumapit ako doon at kinuha ang itinuro niyang kutsilyo. Black ang handle noon at napako ang paningin ko sa blade nito. Malapit kasi sa handle, sa blade nakaengrave ang letters na P.M.H.

"Kay Minho 'yan," sabi ni Mam Minzy.

"Ang cool naman po nito," sabi ko sabay patong ng daliri ko doon sa mga letters.

Dumating na din si Sofia pagkatapos mag- luto ni Mam Minzy. Kumain na din kami ng dinner.

"Alam mo bang super iyakin niyan ni Minho noong bata pa kami?" pagkukuwento ni Sofia habang kumakain siya.

Ang dami niyang kwento at tahimik lang akong nakikinig. Sumasagot 'pag tinatanong nila.

"Lagi siyang nagsusumbong kay Tita dahil inaaway daw namin siya ni Lu-Lucy."

Napapansin kong humihina ang boses niya kapag binabanggit ang pangalan ni Lucy. Anong mero'n?

"Mama' s boy kaya ulit namin doon."

"Ang cute niya nga noong bata pa siya, spoiled siya and inaamin ko 'yon. Only one ko siya, eh," tuwang- tuwang sabi ni Mam Minzy.

"Anong nagustuhan mo kay Minho, Lara?" tanong bigla ni Sofia kaya muntik na akong mabilaukan.

Agad namang iniabot sa akin ni Mam Minzy ang tubig saka tinawanan ako.

"Okay ka lang ba? Bakit? Ginayuma ka ba ni Minho? Sabi ko na eh, ang layo mo kasi doon sa mga dati niyang girlfriends," sabi pa ni Sofia.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong klaseng mga girlfriends ba sila?" tanong ko.

"Hindi naman kasi sila gusto ni Minho. Binigyan niya lang ng chance kasi nga mababait sila at mahal nga daw nila si Minho," pagtatanggol ni Mam Minzy sabay tingin sa akin.

"Ikaw lang nagustuhan noon, itong si Sofia crush lang niya," sabay tawa pa, sinabayan naman siya ni Sofia.

Tumaas ang kilay ko. Sobrang bait naman ni Minho. Ano 'yon basta magkagusto sa kaniya papatulan niya, gano'n.

"So ano nga? Isip bata kasi 'yon, enjoy lang sa buhay, hindi ka ba nakukulitan sa kanya?" pagpapatuloy pa ni Sofia.

Hindi ako makatingin sa kanila kaya tumingin na lang ako sa table. "Hindi ko din alam. Lagi niyang pinapagaan ang loob ko kahit ilang beses ko pa siyang ipagtabuyan. Payapa ako kapag nandiyan siya," sabay kagat sa labi at pinagpatuloy ng lang ang pagkain ko.

"Wew," mahinang sabi ni Sofia.

"Awww. Nakakakilig naman," si Mam Minzy.

Sa sala kami matutulog na tatlo, sa gitna si Mam Minzy. Ini- usog lang namin ang mga sofa patabi at tinanggal ang table na nandoon. Naglatag kami sa harap ng TV nila ng comforters. Hindi pa daw inaantok si Sofia kahit 12 na kaya nag- aya muna siya na maglaro daw kami ng Jengga at ang makapagpatumba ng blocks ay may dare na dapat gawin.

"Talo ka, Lara, humanda ka ngayon," sigaw pa ni Sofia saka tumawa ng malakas.

Siya kasi ang panay na nakakatumba ng blocks at gagantihan daw niya ako kasi ang harsh daw ng mga dares ko.

Ang dali lang naman, pipili lang siya ng libro tapos sasabihin ko kung anong page. Kung ano ang nakasulat sa first line doon ay sasabihin niya sa boyfriend niya thru phone call. Nagkataon lang na ang laswa ng lines doon. Tinatawanan lang naman kami ni Mam Minzy.

"Ang dali kaya ng sa akin," nag- aalalang sabi ko sa kanya. Baka kasi ang hirap ng ipagawa niya.

May pinakita siya sa akin na video ng Aegyo, pagpapacute sa Korea. Alam ko naman 'yon dahil nanonood ako ng KDramas. Gagayahin ko daw iyon at ipapakita kay Minho thru video call. Gusto niya nga iyong may kanta pa. Muntik na akong tumakbo pauwi.

"Ready ka na, Lara?" sabi sa akin ni Sofia habang hawak ang phone niya at tinatawagan si Minho.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Napasapo ako sa noo ko dahil sa gagawin ko. Tinawanan lang ako ni Mam Minzy.

Nakaupo kaming tatlo sa sofa at nasa unahan si Sofia, kasunod ako. Itinaas na niya ang phone nang sagutin ni Minho ang video call para makita niya kaming tatlo.

[Anong meron?] sagot ni Minho.

Napapikit ako sa inis.

[May ipapakita daw sayo si Lara] natatawang sabi ni Sofia.

Saka niya ako kinudlit para simulan ko na. Huminga muna ako ng malalim. Pinalobo ko ang bibig ko at saka itinuro ang magkabilang pisngi ko gamit ang hintuturo. Tinawanan lang naman ako ni Minho. Naitabon ko agad sa mukha ko ang pillow na nasa lap ko pagkatapos.

Nakakahiya ka, Lara. Bakit ko ba ginagawa 'to?

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon