Lara: Rejected Again

11 8 1
                                    

*** Just as I was about to give up my light ***

Trigger warning: (abuse, domestic abuse)

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Minho. Tahimik lang kami at hindi niya ako tinatanong. Hinayaan niya lang akong makapag- isip. Pero hindi, nakatulala lang ako doon. Blangko ang utak ko.

Tumawag sa akin si Ate kanina, sinugod daw sa ospital si Mama dahil nasaksak siya ni Papa.

Hindi ko alam. Walang pumapasok sa isip ko. Blangko lang. Hanggang iyak na lang ako lagi.

"Gusto mo bang magstop over muna? Bili lang ako ng tubig at pagkain," sabi ni Minho.

Nakababa na kami ng Baguio pero medyo malayo pa.

"Sige," mahinang sabi ko.

Hindi na niya ako pinababa at siya na lang ang bumili. Mabilis lang naman siya at bumalik din kaagad. Binuksan niya ang bottled water at iniabot iyon sa akin. Uminom muna ako ng tubig. Nakakauhaw umiyak.

"Gusto mo ba ng sandwich?" Umiling lang ako.

Nagpatuloy siya sa pagdadrive. Nang makarating kami ay itinuro ko naman sa kanya ang daan papunta sa ospital. Bumaba na agad ako ng sasakyan.

"Nandito lang ako, Lara. Pwede mo akong sandalan." Napatingin ako kay Minho. Akala ko sa dilim na lang ako mabubuhay.

After what seems like forever darkness, the crescent moon finally appeared. Now the stars shine even brighter in the night sky.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng ospital. Nakita ko naman agad si Ate sa nurse station kausap niya ang isang nurse. Napatingin siya sa akin kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at yumakap. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad niya namang hinaplos ang likuran ko.

May maiiyak pa pala ako akala ko naubos na kanina.

Sandali kaming ganoon ng maalala ko si Minho kaya binitiwan ko na si Ate at lumingon sa likod ko.

"Nandito ako." Nasa tabi ko lang pala siya. Ngumiti siya sa akin.

"Ate, si Minho. Minho, Ate Lauren ko," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hello po," sabay abot ni Minho ng kamay kay Ate at kinuha naman iyon ng kapatid ko.

"Helow" sabi ni Ate kay Minho saka binitawan ang kamay niya at tumingin sa akin. Siningkitan pa ako ng mata.

"Nasaan si Mama?" mabilis na tanong ko sa kanya.

"Nasa kwarto na niya. Okay na lagay niya, pero may problema," sabi niya saka hinila ako saglit palayo kay Minho at bumulong.

"Inoperahan kasi si Mama. Kalahati pa lang nababayaran ko. Sorry, Lara. Baka pwede ikaw na sa kalahati," nahihiyang sabi niya.

"Okay lang. Bakit ka nagsosorry? At saka saan ka kumuha ng pinangbayad mo?"

"Kumuha muna ako sa savings namin."

"Pero para kay Riley 'yon," taas ang boses na sabi ko.

Nakonsensya tuloy ako, pati kinabukasan ng pamangkin ko nadadamay na ng dahil sa Papa ko. Naiisip niya kaya ito? Hanggang kailan niya ba kami papahirapan?

"Ano ba? Okay lang 'yon. Pumayag naman si Kuya Robert mo. Five years old pa lang naman si Riley," sabi niya sa akin.

Nasa Manila ang asawa ni Ate, nagtatrabaho. Kayla mama sila nakatira pero lagi sila kayla lola dahil nga kay Papa.

"Sinong nagbabantay kay Mama?" tanong ko.

"Sinamahan ako ni Patrick papunta dito. Iniwan ko muna sila doon. Tara na. Nag- aantay na kasama mo," saka siya ngumiti sa akin.

Hindi ko na siya pinansin pa. Lumapit ako sa staff ng ospital para magbayad. Umupo naman muna si Minho sa waiting area.

Nang matapos ay dumiretso na kami sa kwarto ni Mama. Nakahiga lang siya doon at mahimbing ang tulog. Napaiyak na lang ako nang makita ang lagay niya. Naramdaman kong may pumatong na kamay sa balikat ko kaya napalingon ako doon. Si Minho.

"Ganito na lang. Baka kasi pagalitan ako ng ate mo 'pag niyakap kita dito," bulong niya sa akin.

Napangiti ako saka kinuha ko ang kamay niya para alisin 'yon.

"Okay na. Hindi na ako iiyak," sabi ko sa kanya.

"Hindi pa siya gumigising pero sabi ng doktor stable na daw siya, hindi na natin kailangan mag- alala," sabat naman ni Ate na nasa paanan ni Mama. Nasa tagiliran naman kami ni Minho.

"Si Papa?" kabadong tanong ko sa kanya.

"Nasa prisinto na. Hindi ko alam kung mahaharap ko pa siya. Huwag mo na muna siyang puntahan. May naglilinis na din sa bahay."

Biglang bumukas ang pintuan ng CR at lumabas doon si Patrick. Nag- iisang anak siya ng Uncle ko na nasa New York.

"Lara!" sigaw niya at saka lumapit sa akin.

"Patrick," nakangiting bati ko naman sa kanya.

Lumapit siya sa akin at tumabi sa kaliwa ko. Nasa kanan ko si Minho.

"Salamat nga pala," sabi ko sa kanya.

"Basta ikaw. Namiss kita. Lalo kang gumanda, ah," sabi niya, pinisil pa ang pisngi ko. Sanay na ako sa ugali niyang 'yan. Magkasing edad kami at siya ang kasama ko simula bata.

"Ehem."

Napalingon ako kay Minho.

"Ah, si Minho nga pala, Minho si Patrick," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Patrick, pare, manliligaw ni Lara," sabay abot ng kamay niya kay Minho.

Sinamaan ko ng tingin si Patrick saka mahinang sinuntok siya sa braso.

"Pagpasensyahan mo na Minho, may saltik yang pinsan naming 'yan," sabi ni Ate sa kanya.

Kinuha naman ni Minho ang kamay niya.

"Minho, manliligaw ni Lara," may diing sabi niya saka binitawan ang kamay ni Patrick.

Tinaasan ko ng kilay si Minho pero inambaan lang niya ako ng tingin.

Lumabas muna saglit si Ate para bumili ng pagkain. Kasama niya si Patrick dahil ayaw ni Minho.

Umupo muna kami sa sofang nandoon, malapit sa pintuan, kaharap ng higaan ni Mama. Tahimik lang kami na nakaupo. Dapat niya na sigurong malaman kaya kahit sa ganitong sitwasyon namin ay sasabihin ko na sa kanya.

"Bata pa lang kami, sinasaktan na ng Papa ko ang Mama ko," pagsisimula ko ng kwento. "Hanggang umuwi na lang na buntis ang Ate ko nang hindi pa siya nakaka- graduate. Sa Manila kasi siya nag- aaral. Sobrang naghinanakit ang Papa ko dahil doon. Lagi na siyang naglalasing at lagi niyang inaaway si Mama dahil pinabayaan daw niya ang kapatid ko kaya napariwara."

Saglit akong tumigil para tingnan si Minho. Nakatingin lang siya kay Mama.

"Nabuhay ako noon sa takot. Hindi ko kinakaya tuwing nalalasing siya. Hindi naman niya kami sinasaktan, si Mama lahat ang sumasambot."

"Sa construction si Papa nagtatrabaho dati pero dahil sa kakainom niya nasesante siya. Hindi lang buhay niya ang sinira niya pati na din 'yong sa amin. Pagka- graduate ko ng high school gusto nilang tumigil na ako at magtrabaho dahil hindi na daw nila ako kaya pang pag- aralin. Pero may pangarap ako kaya nag- exam ako for a scholarship at natanggap naman ako dito sa Baguio kaya kinuha ko na."

"Pumunta ako sa Baguio para pag- aralin ang sarili ko. Lahat na yata ng part time job, napasukan ko na. May online jobs pa ako."

"Pangarap kong maging isang sikat na writer. May Tito ako sa New York, Papa ni Patrick. Kinukuha niya ako para doon ko daw simulan ang career ko."

Tumingin ako kay Minho at nakatingin na siya sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" mahinang tanong niya sa akin.

"Pupunta akong New York pagkagraduate ko at doon ako titira. Mas magaganda ang opportunities doon sa mga writers at pangarap ko ang New York."

Nakatingin lang siya sa akin. Mukhang hindi pa din niya nakuha.

"Malapit na akong umalis, Minho. Kung pagbibigyan kita, masasaktan ka lang. Huwag mo nang sayangin ang oras mo sa akin. Hindi din naman ako magtatagal."

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon