"Pinatawag ko kayo ngayon sapagkat napaka importante nang ating pag uusapan. Ngayon ay kompleto na tayo, nais kung ipakilala sa inyo ang isa sa mga namumuna sa district zero si Prinsesa Sarah."
Napataas ang kanang kilay ko at napanganga ng marinig ko at makitang tumayo si Sarah, i mean prinsesa Sarah. Sa sobrang tagal naming hindi nagkita. Prinsesa pala ang baliw nato. Bigla siyang tumingin sa akin at humagikhik. Napatikom naman ako ng bibig at napalunok ng laway. Alam kung nabasa niya ang nasa isip ko.
"Ahamm. Isang maligayang pagbati sa inyong lahat. Alam kong alam na ng mga narito ang totoo kung pagkatao. Subalit ang isa na kasama natin ngayon..." bigla nalang itong tumingin ulit sa akin at humagkhik na naman. At dahil doon napayuko nalang ako ulit at biglang umiinit yung dalawang tenga ko sa kahihiyan. Lahat ng mata sa akin nakatingin...
"Ako si Sarah Talliyah MoonDaver. Kilala sa tawag na Sarah dito sa distritong ito. Sa amin naman kilala ako sa district zero bilang White Spy."
"Salamat Prinsesa Sarah." Pagtapos ni Dakilang Commander.
"Ngayong kilala nyo na ang isa sa mga nagbigay sa akin ng isang malaking balita tungkol sa ginagawang kilos ng Scorpion Vamp, nais ko rin ipakilala sa inyo ang isa pa nating panauhin." agad nitong inilahad ang kanyang kamay sa kinaroroonan ng damuhong na lalaking iyon. Umuosok na naman ang ilong ko sa damohong na yun. Agad naman itong tumayo at bumontong hininga.
" Di na ako babati pa. Ako si Isaac galing ako sa Ikatatlong distrito. Subalit ang totoo kung tahanan ay ang district zero."
Napakunot ako ng noo. At nahagip ng mata ko si sarah na nakangiti sa akin at kinindatan ako sabay nguso sa damuhong na yun. Mas lalo pa kung na inis at naghalukipkip.
"Ako ang nakababatang kapatid ni Ate Sarah. Ako ang prinsepe ng District Zero"
Nagulat kaming lahat maliban kay dakilang commander, Dr. Leon at Jade.
"Ako rin ang isa sa nakatala sa propesiya ang Modern Legendary Vampire, Prinsipe Isaac Moondaver o kilala sa alyas na The Ear. Naglalakbay ako kung saan saang distrito upang makpagkalap ng mga impormasyo na ipinadadala sa bawat kasaping distrito ng district zero."
Umupo na ito at napataas ako ng kamay.
"Teka lang naguguluhan ako. Si Sar...ay prinsesa sarah ay tunay na dugong vampira. at ikaw damuh... este prinsepi Isaac ay kalahating tao, kalahating vampira. Paano kayo naging magkapatid?" Bigla naman itong napangiti at sinagot ang aking katanungan.
" Sapagkat anak ako ng aming ama sa isang tao, na siyang reyna ng district zero."
"Namatay ang aking ina nong araw na nilusob ang ating distrito ng mga masasamang bampira. at pagkatapos noon, umibig si ama sa isang tao kaya nabuo si Isaac. At dahil doon mas lalong umigting ang samahan ng mga tao at ng puting bampira."
Napa tango lamang ako at napataas ng kilay. Isinandal ko ang aking likod sa upuan.
"Ngayon nais kung ibahagi sa inyo ang mga impormasyong nakalap ng dalawa nating magiting na ka alyansa. Prinsesa Sarah maaari bang ibahagi mo ang iyong nakalap na impormasyon"
"Isang malaking karangalan dakilang commander."
"noong araw na nahuli ako nila Fiona at inakalang isa sa mga myembro ng Scorpion Vamp at pinaghahalaan niyang kakainin ko si Jake, yun ang araw na umalis ako sa pagpapanggap sa grupong iyon. Peke yung markang nakaukit sa batok ko. Binihag ko ang isa sa mga kasamahan ng scorpion vamp at dinala saunang distrito upang doon litisin subalit nagpakamatay ito kaya't walang nakuhang impormasyon. doon ko nabuo ang plano na mag ispiya sa scorpion vamp. Dahil sa mayroon akong kakayahan na manipulahin ang utak na ano mang uri ng nilalang. Subalit kaya lang nitong umabot ng 4 na oras. Kaya sa tuwing umaabot na ito sa takdang oras agad akung umaalis at bumabalik sa district zero upang mag bigay ng impormasyon. Nagpanggap ako bilang bagong myembro at sinabi kung ipinadala ako ng isa nilang myembro. At yun ay ang kanang kamay pala ng lider nila. Para hindi sila maghinala sa akin, ipinakita ko ang suot nitong damit na maybahid ng dugo at papel na may lagda ng kanyang sariling dugo. Sa pamamagitan noon nakapasok ako at malayang nakakagalaw. para makiwas sa gulo pinasok ko ang loob bulwagan at kinuha ang papel na may marka ng dugo at sinunog. Dahilan kung bakit hindi ako nahuli dahil may katas ito ng puno ng oro oro. Dahil kung kaya't hindi ito naamoy ang totoong may ari ng dugo. Pero hindi nagtagal na sundan ako ni Dermenia at yung pagdukot kay Jade sa loob mismo ng pasilidad nato naganap. May kakayahan si Dermenia na itago ang kanyang presensya at makihalobilo sa iba kaya yun ang naging dahilan kung bakit hindi nagawang maramdaman ng mga bampira na merong nakapasok na hindi kasapi dito sa council. Hindi ko masasabi kung mabuti o hindi na namatay na si Dermenia. Dahil si Dermenia ay may hawak ng lahat ng susi na maaari nating gamitin upang matalo si Victor.
Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang pangalang Dermenia. Bigla nalang bumalik sa ala-ala ko ang mga ibinulong niya sa akin " ki.la...la..nin mo ang sarili mo..ikaw lang makakaligtas sa mundo.. mahal na prinsesa" napa iling iling ako habang hinihimas ko ang ibabang labi ko. Mas lalo pang lumalim ang pagbuntong hininga ko.
"Ano kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi niya?"
"Fiona?"
Napatingin ako sa nagsalita si Dakilang Commander.
"Ah, wala po. wala po. Ipagpatuloy niyo na po. Pasensya na."
Doon ko napagtanto na nasabi ko pala ng malakas ang nasa utak ko.
"Kung ganoon, hindi pa natin alam kung kalaban ngaa ba o kakampi si Dermenia?" tanong ni Leon.
"TokTok.... Pasensya na po sa abala. Nandito po si Ma'am Ecliyah. Nasi niya po kayung maka usap at ang buong konseho." pagpapaalam ng isang myembro ng Vampire hunter.
bigla nalang nag bulong bulongan sa loob.
"Anong ginagawa niya rito?"
"Bakit siya na ang pumunta?"
Napakunot ako ng noo at napatingin kina Sarah at Isaac. Nagkatinginan ang dalawa. Parang kilala nila ang dumating.
"Magandang Araw Haring Liam."
-----------------------------
Next chapter di ko pa alam..gumagawa pako ng proposal namin sa thesis... haysss huhuhuh
BINABASA MO ANG
The Last Vampire Standing
VampireAaaahhhhh!halimaw!!aahh.tulungan nyo kami....ahhhhhh...atras na!!di natin cla kaya. Maya maya ang mga ingay nayon ay biglang nawala. At ang mga taong naninirahan sa distritong ito ay naglahong parang bula. Ngunit may dalawang nilalang na makakapagba...