Who I am

1K 35 1
                                    

Hay naku napagalitan nanaman ako ni sir!tsk tsk. Pero okey na rin yun at least di ako inantok dahil naubos ang oras namin sa kakasermon nya sa akin hehe, si sir talaga.
Ah s'yanga pala bago ko makalimutan ako nga pala si Fiona Xyrel Sanchez 16 years old na ako ngayon, 11 years old ng mamatay ang aking magulang matapos nilang makipag laban sa mga bampira. Halos 5 years na rin ang nakakalipas ng pumanaw sila kasama ng magigiting naming mga taohan pero matapos din noon eh pansamantalang natahimik ang aming distrito wala na kaming nababalitaang may bampirang umaatake pero sabi naman ng council wag daw mag pakampanti ang mga naninirahan doon dahil baka anong oras ay lumusob daw sila mabuti daw yung palaging handa para di maisahan ng kalaban.

Kung nag tataka kayo sa pag katao ko ito ang ilang pagpapakilala ko sa totoong ako. Matapos mamatay ng magulang ko, sa council ako na punta doon nako nag diwang ng aking mga kaarawan at nag karoon ng isip. Nang mag diwang na ako ng aking kaarawan sa edad na disi-sais t'yaka nila ibinigay sa akin ang iniwang ari arian nila papa kaya doon na ako naninirahan sa mansyon na mala palasyo ang laki at doon ko nakilala sila manang lina at manong lito. Ang care taker ng bahay na ipinamana nila papa sa akin.Ang hindi ko lang alam ay kung bakit grabe ang pag aalaga at proteksyon na ibinibigay ng council sa akin? 

"Hoy!"

"Ay kabayo!"

"Grabe ka naman makakabayo sa gandang to napagkamalan mung kabayo grabe ka huh!"

"Eh!kasalanan mo naman eh palagi mo kung ginugulat." at napakamot ako sa ulo ko

"Eh ang lalim kasi ng iiniisip mo kaya ginawa ko yun." pagpapaliwanag ng bakla..

"Sino ako?" pilosolong tanong ko

"Ay hindi gurl. Ako gurl ginulat ko ang sarili ko. Nakakaloka ka gurl. Pero maiba ako,kamusta ang bagong life mo ngayon?"

"Ito sobrang nag injoy ako dahil pakiramdam ko malaya akong gawin ang lahat ng gusto kung gawin."

"Pero inferness ang galing ng ginawa mo kanina akalain mong halos kalahati nang klase natin ang na ubos niyo ni sir kanina haha, alam mo maswerte kaming naging kaklase ka namin ang galing mo kasi ikaw lang yung nakakagalit kay sir ng ganon, hahaha" 

"Ginawa mo pa akong kakatawa tawa. Alam mo kung hindi lang kita kaibigan bakla ka kanina pa kita pinatapon sa kawalan o di kaya ipinain kita sa isang libong buwaya. Grrrr nakakapang init ka ng dugo.Sabi ko sa sarili ko pero hindi nya alam yun"

"Alam mo jade kung wala ka man lang sasabihing tama pwede bang itikom mo ang bibig mo kasi pag napuno ako sayo baka masabunutan kita ng wala sa oras. " sa sobrang inis ko inirapan ko siya ng mata.

"Ito namang si xyxy di mabiro. Alam mo namang ikaw lang ang mabait kung kaibigan." pang aalo ng mokong

"Tse tigilan mo nga ako nambobola ka nanaman eh ikaw talagang bakla ka pasalamat ka eh kaibigan kita."

"I love you friend." sabay yakap nito sa akin 

"Tigilan mo nga ako."

"hindi kita bibitiwan. Ayuko!"

"Na nananching ka yata e" sambit ko sa kanya

"Wow huh, ang harsh mo prend" habang nakayakap pa rin sa akin.

"Ohhh!i love you too. O s'ya tara na baka mag ka dramahan na naman tayo dito."

"Grabe na man nito nag hug lang eh ka dramahan agad." at bumitaw na nga sa pagkakayakap ang bakla

"Wag mo na akong lukuhin kabisado na kita mula ulo hangang paa kahit kulay ng panty mo alam ko. Kaya tigilan mo ko. Halika na." sabay hila ko sa kanya.

"Grabe ka kahit yun pa sinabi mo pa sa audince." pagmamaktol nito 

"Anong audience? Audience audience kapang nalalaman. Halika na baka malate pa tayo ngayong hapon na nga lang ako nakakabawi eh." hinila ko na sya bago pa makapagsalita, yan palagi ang ginagawa ko sa kanya para pigilan s'ya sa pagsasalita wala kasing preno bunganga nito eh.....


The Last Vampire StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon