Liana&Jade

20 0 0
                                    

"nawa'y matupad ang iyong kahilingan DC"

Tanging sambit ko kay DC, pagkat yun lang ang pumasok sa isipan ko. Di ako makapaniwala sa nangyari noong nakaraang araw, halos tatlong araw na din ang nakakalipas pero patuloy paring tumatakbo sa isipan ko ang nangyari. At di mawala sa isipan ko ang pangalang Flora at ang anak ni DC. Nagsimulang mamumuo ang mga huna huna saking isipan. Mas lalo akong nag kaka interes na alamin ang lahat. Hay nako naman. Mabisita na nga lang si Jade At Liana.
-----

"hmmm" sabay mulat ng aking mga mata.

Narining ko ang boses ni Jade kaya agad ko siyang binati."sa wakas gising kana Jade."pamungad na pagbati ko kay Jade Na sinabayan ko ng matamis na ngiti.

"Li--liana" pautal utal na sambit ko, sapagkat subrang lapit ng mukha ni Liana  at biglang namula ang pisngi ko

"hahaha, alalayan na kitang bumangon. Maya maya andit---" nagulat ako sa ginawa ni Jade.

"dito ka muna, gusto pa kitang makayakap at makasama" idinantay ko ang ulo ko sa balikat ni liana habang nakayakap sa kanya.

Napangiti ako ng palihim sa ginawa nya, syempre kinilig din ako, matagal ko ng pinangarap to, akalain mong nangyari na ngayon. Ang lalaking matagal ko ng iniibig ngayon ay kasama at kayakap ko. Wala na akong ibang hinihiling pa, ngunit na aalala ko ang mga nangyari sa gubat, kamuntikan ko na siyang mapaslang sapagkat nagpa ilalim ako sa kapangyarihan ni Victor. "Pa---patawad, kung nagawan kitang pagtang-" mas lalo akong nagulat sa sunod na ginawa ni jade, kumawala siya sa pagkakayakap at biglang hinawakan ang aking magkabilang pisngi at ako'y kanyang hinalikan, na nagpatulo ng aking mga luha.

"tapos na iyon Liana, at wala kang kasalanan. Si Victor ang may kasalanan ng lahat. Kaya alisin mo na ang pag iisip ng hindi maganda tungkol sa sarili mo sapagkat nasasaktan ako. Ang importante sa akin ngayon ay ligtas ka at nandito ka saking harapan. Tandaan mo ito Liana, hindi ako takot na isugal ang aking buhay ma protektahan ka lamang" pinunasan ko ang kanyang luha at hinimas ang kanyang malambot na buhok at hinalikan sa noo. "Simula sa araw na to, hindi nakita iiwan, palagi mo na akong makakasama 24/7. Pero bago yun, may itatanong ako sayo" ano bayan ba't bigla akong kinabahan, hinalikan ko na nga siya, tas ngayon aatras na naman ang dila ko.. Ano ba sabihin mo na Jade. Wag kang hangal. "Amm..Pwe,Pwe"

"Pwe, pwetis?" patanong ko sa salitang di niya ma ituloy.

"hindi, ano kasi pwede ba kitang ligawan" napapikit ako dahil natatakot ako sa expression ni Liana. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagulat ako sa nakita ko, bigla siyang lumuha at labis ko iyong ikinabahala. "li----" bigla nya nalang akong hinalikan sa labi.

"ngayon palang sinasagot na kita, di ko na kailangang patagalin pa ang panliligaw, pwede mo naman aking ligawan kahit tayo na." sagot ko kay Jade. Sapagkat ayuko ng mawalay pa sa akin si Jade.

"hahhaha, palaban ka talaga. I love you MOG" sambit ko sa kanya. Syempre nahihiya pa ako  kaya nang iinit ang pisngi ko.

"hahaahha. May pa mog mog kapang nalalaman, I love you too MOG" at agad ko siyang niyakap.

"so ngayon mo ko sinagot, around 2:10 pm of the afternoon, April 7.  Sa bawat pag sapit ng petsang syete, ipagdidiwang natin ang araw kung saan naging tayo ng dalawa, Mog" ngiti ko sa kanya, at halatang pinipigilan nyang kiligin. Kaya kinindatan ko siya at ayon hahahah, napatabon siya sa kanyang mukha na ngayon pulang pula na.

Para talaga akong nasa panaginip sa isang napa ka gandang panaginip. Hahaha, di ko mapigilang mapatawa sapagkat namumula na naman ang kanyang pisngi at di nya maituloy tuloy ang itatanong nya kanina. Manliligaw daw siya, sus paligaw ligaw pa, relasyon ang pinapatagal hindi ang ligawan. Di ko na alam, para na akong sasabog sa tuwa at kilig, dapat ako ang magsasabi ng araw ng monthsarry namin, pero siya na ang nagsabi may oras pa, hahaha. Hinding hindi ko na talaga papakawalan ang lalaking to. Siya ang gusto kung makasama hanggang sa pagtanda. Ang lalaking mamahalin ko hanggang saking huling hininga.
----
Kamusta na kaya ang mokong yun? Si liana daw ang nagbabantay sa kanya ngayon. Mabuti na yun kesa sa wala. "hahhaha, palaban ka talaga. I love you MOG", luh, sinong kausap ni Jade? Nakabukas kasi ng kaunti ang pinto kaya narinig ko ang sinabi ni Jade, binuksan ko pa ulit ng kaunti ang pinto at "hahaahha. May pa mog mog kapang nalalaman, I love you too MOG" aba, loko to auh, sila na? Ang bilis naman yata. Kaya dahil sa abnormal ako ngayon, pinutol ko muna ang malalagkit na pagtititigan ni lang dalawa.

"Aham" pambungad ko sa kanilang dalawa

"xyxy?" sambit nilang pareho.nagkatitigan silang dalawa. Kaya napatawa ako ng patago.

"may pa mog mog pa kayong nalalaman, tss, ang ko corny nyo" sabay pa irap ko sa kanilang dalawa habang nakasandal sa may pintuan.

"hahaha, inggit kalang, kasi ako may jowa na, ikaw wala" pang aasar ko kay xyxy. Sabay tawa sa kanya.

"e, ano ngayon?, masaya naman ako sa buhay ko. Hmm" mataray kong sagot sa kanya. Nakaka asar.

"xyxy" tawag ko sa kanya at sabay halik kay liana. 

"tsss, e di wow" tapos inirapan Ko nalang siya.

"whahahah,hay nako xyxy,maghanap kana kasi. Para di kana magkaganyan ang sungit mo.Di kaba masaya para sa akin, para sa amin ni liana?" tanong ko sa kanya. Habang tumatawa.

"kani kanina lang inaasar mo ko tas tatanungin moko?, hangal kaba? Syempre masaya ako para sayo. Kaibigan moko ay hindi kapatid mo na pala ako.Hahaahha. Maging masaya kayo sa isa't isa at mahalin nyo ang isa't isa, alagaan nyo ang isa't isa, at dapat sa kasalan na ang hantong nyan hah, at tapos ako ang kunin nyong brides maid. My g. I'm so excited." advance kong sabi.

"oo naman" sagot nilang dalawa

Labis ko namang ikinagulat, mukang seryuso talaga silang dalawa. Mabuti kung ganon, ibig sabihin nahanap na nila ang kulang na piraso sa kanilang buhay at binuo nila itong pareho. "ibinibigay ko na ang basbas ko sa inyong dalawa, liana, jade, masaya ako para sa inyong dalawa."
------
Nilisan ko na ang kwarto ni Jade panatag na ang loob ko pagkat okay na siya, at di ko na kailangang mag alala pa pagkat may MOG MOG na siya. Nakaka umay. Hay nako saan na naman kaya ako pupunta nito. Hmmm, "whahahah,hay nako xyxy,maghanap kana kasi." narinig ko na naman sa utak ko ang tinuran ni Jade. Aaaaah, lumayas ka, sabay alog ko sa ulo ko. Anong maghanap? Ang pag ibig di yan hinahanap, hinihintay yan. Kung dadating siya e di dadating kung hindi e di hindi. Tss problema ba yun. Punta na nga lang ako kay Sar----.

"ano ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo?" painis na sabi ko sa lalaking nabangga ko, parang pader ang nabangga ko, ang sakit ng noo ko.

"ikaw ang di tumitingin sa dinadaanan mo miss, wag kang tanga" sabay kabig sakin patabi at naiwang naka awang ang aking bibig sa kanyang inasal.

wo.. WOW, AS IN BIG BIG WOW tanging nasabi ko,"ikaw ang di tumitingin sa dinadaanan mo miss, wag kang tanga"
Tumakbo sa isip ko ang sinabi nya ngayon ngayon lang, kaya umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko at napa sigaw ako ng malakas
"WALAnG MODO KANG LALAKI KA, BWESIT KA, MADAPA KA SAAAANNNNAAAAA"

"hahahahha, sarap mo talaga asarin Fiona"
----------
Sana po patuloy nyo parin po itong suportahan. At sana lo sulortahan nyo di po ang bago kong isinulat ang "A VAMPIRE'S WISH"  subukan nyo lang pong basahin.Salamat po😊


The Last Vampire StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon