ISAAC MOONDAVER

12 0 0
                                    

"WALAnG MODO KANG LALAKI KA, BWESIT KA, MADAPA KA SAAAANNNNAAAAA"

Hahahha, sarap nya talagang asarin, so siya pala si Fiona, ang isa sa malakas na makakasama ko pero I feel sorry for her kasi hindi nya pa alam ang totoong pagkatao nya. Bago palang ako dito sa Council pero alam kong nagtataglay siya ng matinding kapangyarihan katulad ko. Pero bakit hindi nya pa rin alam kong sino sya? Bakit hindi pa rin pinapa alam ng council ang totoong pagkatao niya? O baka naman hindi pa alam ni  tito commander na si fiona ang--- hmmm, tsaka nalang ako magsasalita pag kinakailangan na. Sorry kung hindi ako nakapagpakilala ako nga pala si ISAAC MOONDAVER, galing ako sa  ikalawang distrito katulad lang din naman ang sinapit ng buhay namin ni fiona at ng kasamahan nya pero ako ay 19 taong gulang. Tito ko ang namamahala sa kabilang distrito ang matalik na kaibigan ni DC kaya kilala ko siya,at tito commander ang tawag ko sa kanya at mahilig ako mang imbestiga sa murang edad marami na akong nakaharap na iba't ibang uri ng bampira at lahat yun nalabanan ko na pero sa isang tao lang ako natalo at yun ang kapatid ni DC na si Victor ang mortal na kaaway naming lahat., Isa rin ako sa naatasang hanapin ang nawawalang anak ni DC. Sa murang edad ko rin naipalabas ang kapangyarihan ko sapagkat bata palang ako alam ko na ang totoong pagkatao ko, isa akong kalahating bampira at kalahating tao. Isinilang din ng full moon, subalit isa sa napili na biyayaan ng kakaibang kapangyarihan na hindi pa naitatala sa makalumang propisiya, at hindi alam ng ibang bampira, tanging pili lang ang nakakaalam. At basi sa pananaliksik ko kami palang ang unang binigyan nito, paglalaki ka sa edad na 17 unti unti itong lalabas hanggang sa kaya na ng murang katawan, pinapalakas ito ng matinding pagsasanay. At sa kaso ni Fiona, nasa edad 16 palamang siya.. Ibig sabihin inaaral pa ng kapangyarihan niya ang katawan niya, nabalitaan kong lumabas na ito ng isang beses ng sinugod siya ni dermenia, ngunit di niya nakontrol at pagkatapos ng laban halos isang linggo siya bago na gising, kung hindi malakas ang pangangatawan mo siguradong mamamatay siya at mag mimistulang abo na magpapatianod sa hangin. Sa nabalitaan ko nag tamo lang siya ng kaunting mga pinsala sa katawan. Pinalakas ang katawan nya dahil sa matunding pagsasanay simula ng bata pa siya. At ang kulang nalang sa kanya ay kilalanin kung sino siya. Hindi ito lalabas kung hindi mo kilala ang pinagmulan mo, kung saan ka nang galing at sino't ano ka. Kaya ko napalabas ang ganong kapanyarihan sapagkat alam ko kung sino ako. At ako ang isa sa mga hinirang ang bagong isinaad sa makabagong propesiya ang the modern legendary vampire.
------
End of chapter

The Last Vampire StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon