"Magandang araw, Reyna Ecliyah. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" pagtatanong ni DC na may pag galang.
"Magandang Araw Haring Liam." maikling tugon nito.
Lahat ng tao sa konseho ay nag sipagtayo at yumuko nag bigay galang sa reyna daw. Kaya ako ay tumayo din at yumuko. Pagkatapos ay tumingin ito sa akin.
"Kumusta ka?" sabay ngiti nito sa akin.
Napaturo ako sa sarili ko at napa iling ng kaunti at napipilit ngumiti.
"A..Ayos lang po. Ma..Mahal na Reyna" sabay yuko. Bat ako na uutal.
"Haring Liam, nandito ako para sumama at makinig sa inyong pagpupulong."
"Kung gayon maupo ka."
Tumingin na naman siya ulit sa akin. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at di ako kumportable.
"Ina, di ko akalain na mapaparito ka?"
Nanlaki ang mata ko ng tawagin ni mahangin ang reyna na Ina. Kaya napatingin na naman ako ulit sa kanila.
"Mahalagang pagpupulong ito, at ako na mismo ang sumadya na pumunta rito." malumanay na sagot nito.
"Ikinagagalak ko kayong makita ulit ina."
Mas lalo na naman akong nagulat ng tawagin ni Sarah ang reyna na ina. Ah oo nga pala half brother and half sister sila kahit bali baliktarin magkapatid pa rin sila. Tama lang naman na tawagin siyang ina ni Sarah. Ang gulo naman ng family tree nila.
"Ngayon nais kung marinig ninyo ang ulat mula sa aking taga mata"
Bigla nalang may lumabas na mga imahe sa hangin. Doon naka tu-on ang pansin ng lahat. Makikita doon na halos san ka totak na ang sundalo ng kalaban. Halos lahat kinikilabutan dahil sa aming nakikita. Nang ibaling ko sa kanan ang aking paningin nakita ko na kakaiba ang ikinikilos ng isa naming kasamahan sa konseho. Napa kunot ako ng noo at bigla akong nakaramdam ng hindi maganda. Hindi niya ako napansin na nakatingin sa kanya marahan itong umalis sa kanyang kinatatayu-an at hindi ito napansin ng mga tao sa loob. Inurong ko ang upuan ko sakto lang para maka alis ako sa kinatatayu an ko. Hinawakan ako bigla ni Dr. Leon
"Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Ba-banyo lang ako." sagot ko naman sa kanya.
Ng makalabas na ako sa konseho kung saan ginaganap ang pagpupulong nakita kung may tinatawagan sa kanyang selpon, marahan akong dumantay sa pader at mariing pinapakinggan ang kanilang usapan.
"Dark Abyss!"
Napakunot naman ang aking noo at sinambit ng marahan ang salitang Dark Abyss. Code name! tama code name nila siguro yun.
"Dark Abyss, kanina ko pa kayo tinatawagan. Alam na nila ang plano. May nakalusot diyan na nagmamatyag sa inyo. Ngayon nasa konseho silang lahat nag pupulong habang pinapanood lahat ng bawat kilos ninyong lahat. Sabihan mo agad ang pinuno bago pa mahuli ang lahat, kinakailangan ko ng bumalik baka maghinala sila mahirap na."
Ibinababa nito ang kanyang selpon at ako naman ay nagtago sa isang silid kalapit lamang kung saan ako nakasandal. Napa buntong hininga nalamang ako. Di ko akalain na may isa palang traydor sa amin o baka marami pa kailangan kung mag doble ingat. Lumabas ako ng silid at tumungo sa banyo. Binasa ko ang mga palad ko ng tubig at nag hilamos, tumingin ako sa salamin at napatitig sa aking replika ng di kala unay nakita ko ang sarili kung ngumingiti at sabay pag iba ng kulay ng aking mga mata. Biglang may kumatok kaya napa tingin ako sa pinto at bumukas ito.
"Kanina kapa hinahanap ni DC."
Napatingin ako sa kanya, sa babaeng tumatraidor sa amin.
" Ma-may problema po ba?" pag tatanong nito. " Ayos lang po kayo ?"
Napabuntong hininga nalang ako at inayos sarili ko.
"Mauna kana susunod na ako."
Sumunod na din ako at nauna siyang pumasok sa konseho.
"Narito na po siya.!"
"Nagbanyo lang ako. Ituloy na ang dapat ituloy, pero sa isang kondisyon."
Nagkatinginan sila at sabay tingin sa akin.
"Tanging tayo lamang ang maiiwan sa loob at ang walang kinalaman, babalik na sa kanya kanyang trabaho."
BINABASA MO ANG
The Last Vampire Standing
VampirgeschichtenAaaahhhhh!halimaw!!aahh.tulungan nyo kami....ahhhhhh...atras na!!di natin cla kaya. Maya maya ang mga ingay nayon ay biglang nawala. At ang mga taong naninirahan sa distritong ito ay naglahong parang bula. Ngunit may dalawang nilalang na makakapagba...