Wag mong sabihin na... Katulad ko rin ang babaeng yun?
"Sling.... " tunog nang hangin, tumama ito sa king balikat dahilan para ako ay mapahawak dito. Habang nakikipag laban ako sa mga CENTRE mayroon nalang nakisali sa laban namin.. tumingin ako sa kanang direksyon, kung saan ako nasugatan. Nandoon pala yung kinaiinisan kung kalaban! Si Dermenia, siya ang kaliwang kamay ni victor, siya ang tumutulong kay victor para maisakatuparan ni victor ang mga plano niya... tiningnan ko siya ng masama sabay saksak sa isang bampira.. ningitian niya lang ako at dinilaan niya ang kanyang mga labi, na animo'y takam maka inom ng dugo.
"Maligayang pagdating sa aming kaharian, fiona, oh tawagin nating dark princess.. bwahahahahha"
"Mukha ka ngang maligaya, lakas mung tumawa, sana mabulunan kana at mamatay" pang iinsulto ko sa kanya.
"Hmmm... di ka pa rin nagbabago.." napatingin siya sa hawak kung punyal, at biglang ngumiti.." masakit ba? Dapat sa sinyales na yan, alam muna kung sino ka!." Seryusong pagkasabi niya..
Napakunot noo ako sa mga tinuran niya.. at bigla nalang nag si alisan yung mga bampirang centre.. at ang tanging naiwan ay ako at si Dermenia. Hindi nako magtataka kung bakit nag si alisan yung mga bampira, ayaw kasi ng babaeng to ang may nangingi alam sa kanya, gusto niyang makipag laban na tanging siya lang at kalaban niya.. kilala siya sa tawag na the "ONE SILENT KILLER VAMPIRE" tahimik siya kung pumatay, mag isa siya kung umataki.. lahat ng inuuutos sa kanya ni victor nagagawa niyang mag isa.. hindi ko alam kung saan ipinag lihi ang bruhang to, daig pa ang mga daga at palaka sa gabi... minsan ko na siyang nakalaban, ng minsan niyang nilusob ang mansyon na tinitirhan ko, ako ang target nya noon, pero sa kasamaang palad, di niya ako nagawang paslangin, nag tuos kaming dalawa, sa sobrang galit ko noon, di ko na matandaan ang lahat na nangyari, ang alam ku lang hawak niya ko sa leeg at tinapon ng malakas, at pag katapos, biglang naging pula ang ang nakikita ko, hindi ko alam kung bakit, pilit kung nilabanan yun pero bigla nalang gumalaw ang katawan ko ng di naaayun sa gusto ko, ikinuwento saakin ng kasama ko sa bahay na , nasugatan ko si Dermenia sa likuran gamit ang mga mahahaba kung mga kuku, kaya napatingin ako sa mga kamay ko, normal naman ang mga ito, at sabi pa niya sa akin, yung sugat na dinulot ko sa kanya, ay hindi ordinaryo, maaaring maghilom ito, pero aabutin ng buwan o taon dependi sa lakas ng katawan mo, pero pag gumaling ito, magiging buhay na sugat ito kahit na maghilom, maiiwan itong buhay na piklat. Kaya agad kung itinuon ang pansin ko sa katawan niya.. at agad niya namamg napansin..
"Ito ba, ang hinahanap mo?" Ipinakita niya sa akin.. "hahahhaha, akala mo matitinag mo ko sa ganito lang na pamamaraan mo nang pag gamit nang kapangyarihang meron ka, nakaka awa kanaman, hindi mo kilala ang totoong sarili mo, oh well di ko nalang sasabihin hihintayin ku nalang na ikaw mismo ang dumiskubre sa totoong ikaw, nakakapanabik na talaga ang bawat nangyayari.."
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya, ang totoong ako? Tanong ko sasarili ko, bakit sino ba talaga ako? Tanong ng isip ko.. nang bigla kung naalala, yung mga alaala namin ni jade.. ng... "tama, si jade yung pinunta ko dito". Umalis ka sa daanan ko wala akung panahon, sa abnormal na kagaya mo" sabay hampas ko ng latigo sa kanya.. pero naiwasan niya ito, lumundag siya ng mataas, at pumunta sa kanan, kaya ginawa ko iyung pagkakataon para makalapit sa pinto, ng bigla nalang niya akong sinabunutan..
"Akala mo ganon lang to kadali? Huh...pagbabayarin pa kita sa ginawa mo sakin" habang nang gigigil..
"Aray, bitawan mo ko..." pampupumiglas ko, bigla niya akong ihinagis dahilan para matumba ako, bigla siyang gumalaw ng mabilis at sinikmuraan niya ako, sabay sipa, hanggang sa sunod sunod na suntok at sipa ang pinakawalan niya, dahilan para humandusay ako sa lupa, dumadaloy na ang mga dugo sa mga sugat ko, at lumalabas nadin ang mga dugo sa baba ko... hanggang sa, mawalan na ako ng ulirat, dahil sa pandidilim ng paningin ko, at may narinig akong boses...
"Oh..hohoho... Meron pala tayung panauhin! Bakit di mo siya trinato ng maayos, tingnan mo siya ngayon mukhang basahan..hahahaha"
"Bakit, di ka ba natutuwa? Nakahuli ako ng malaking isda oh.. akin nalang kaya siya, ng may maipakain ako sa mga alaga ko?."
"Tumigil ka, sige dalhin niyo na siya"
Hindi ako makagalaw, hindi ko maimulat ng maayos ang mga mata ko, naghahabol nadin ako ng aking hininga, ng bigla niyang pinisil bibig ko.
"Masusurprisa ka , sa makikita mo, dark princess, at isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pagmumukha ko , hanggang sa wala nakong makita....unti unti nang dumilim paningin ko.. at sa natuluyan nakong napapikit...
----------
End of chapter

BINABASA MO ANG
The Last Vampire Standing
VampirAaaahhhhh!halimaw!!aahh.tulungan nyo kami....ahhhhhh...atras na!!di natin cla kaya. Maya maya ang mga ingay nayon ay biglang nawala. At ang mga taong naninirahan sa distritong ito ay naglahong parang bula. Ngunit may dalawang nilalang na makakapagba...