CHAPTER FIFTEEN - CONFUSED

118 4 0
                                    

SKY'S POV


*Regain consciousness*

Marahan kong binuksan ang mga mata ko. Sa pagbubukas nila ay bumungad agad sa akin ang ceiling. Pamilyar ang ceiling, kung hindi ako nagkakamali ay nasa bahay ako ni Sid.

And ah...

I remembered everything.

Lumingon ako sa gilid ko. Kagaya ng inaasahan ko ay nadatnan ko dito si Sid. Nakahiga sya sa kama katabi ko. Bukas ang mga mata nito at nakatitig sya sa akin.

Muntik ng mawala sa ala-ala ko na umuwi nga pala ako dito kagabi. Kasama si Seraphina at si...Callisto.

O. O

Oo nga pala! Si Callisto!

"Where are you going? Napaka-aga pa." Narinig kong sabi sa akin ni Sid nang bumangon ako paalis sa kama.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti, "I'm gonna look for Callisto." I told him.

Nakita kong tumaas ang kilay ni Sid sa akin. Nanatili lang syang nakahiga sa kama at nakabalot ng kumot ang half body nya.

"Callisto ha." He said.

I smirked, "Yeah. May problema ba don?"

"What if I say yes?"

"What is the problem, then?" Muling tanong ko dito. Nakatayo lang ako sa gilid ng kama at nanatili kaming nagtitigan sa isa't isa.

"Sky gusto ko lang linawin sayo na mag-asawa na tayo. Huwag ka ng umasa na pwedeng maging kayo pa ng kapatid mo. Naiintindihan mo ba?" At yun ang sinabi sa akin ni Sid.

Hindi ako nakapag response. Tinitigan ko lang sya pero ang bawat letra na sinabi nya ay nagsimulang bumagabag sa isipan ko.

Ang katahimikan ay mamagitan sa akin. Bumalot sa buong pagkatao ko.

Huwag umasa na pwedeng maging kami ni Callisto?

Ilan sandali pa ay muling gumana ang mga nerve cells ko. Kumulo agad ang ulo ko at nasira ang umaga. Ni hindi ko din napigilan ibola ang kamay ko sa isang kamao.

Sa isang idlap at nabwiset ako ng todo kay Sid.

"Alam mo din Sid, gusto kong ipaalala sayo na force marriage lang ang nangyari sa ating dalawa. Huwag kang umakto na totoong may relasyon tayo dahil kahit kailan, malabong magkagusto ako sayo." Inis na sabi ko rito.

Ewan.

Alam kong pagsisisihan ko na nasabi ko ang bagay na yon pero dahil sa galit na nangibabaw sa akin ay yun ang nasabi ko. Ni hindi ko na din alam sa sarili ko kung ano na nga bang nangyayari sakin.

Hindi na naman nagsalita si Sid pagkatapos noon. Wala na din naman akong maibabato pang salita sa kanya kaya ang nagawa ko ay talikuran na sya.

Ang mga binti ko ay pandalas kong inihakbang sa pintuan.

(Creaking door sound)

Lumabas ako ng kwarto at iniwan si Sid.



SID'S POV

The fuck.

Humiga muli ako ng ayos sa kama at tumitig sa ceiling. Umalis na si Sky dito sa kwarto pero ang salitang binitawan nya kanina ay naiwan dito.

Ginagambala ang isipan ko.

Sinabi nya na force marriage lang ang sa aming dalawa at malabong magkagusto sya sa akin? Kung gaano ay paano nya ipapaliwanag ang mga halik na ginawa nya sa akin kagabi? Anong ibig sabihin ng mga yakap nya at haplos nya?

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon