CHAPTER TWENTY TWO - REMAINED

116 4 0
                                    

SKY'S POV

Fiance?

Hindi ako nakakibo sa mga nalaman ko. Nakatayo lang ako sa harapan nina Anna at Sid. Tulala. Ang puso ko ay nagwawala sa loob ng dibdib ko.

Masyadong weird na naman ang pakiramdam ko. Ngayon ko nalang ulit naranasan to, yung para bang ang bigat-bigat ng katawan ko. As if I'll fall.

What is happening to me?

"Tito Sid, put me down." Nabasag ang katahimikan na namagitan sa aming tatlo nina Sid at Anna nang magsalita ang pamangkin ko.

Sa sandali ding ito ay bumalik ako sa katinuan ko. Iniwas ko ang tingin kay Sid at Anna. Ang sakit nila sa mata eh. I can't stand the sight of them.

"Ok, little boy." Narinig kong humagikhik si Sid. Sinulyapan ko sya. Ibinaba nya si Rhaego sa sahig. Nang sandaling makababa na ang pamangkin ko ay tumakbo ito palapit sa akin.

Yumuko ako at sinalubong si Rhaego.

"Tita Sky, carry me!"

"There you go, baby." Hagikhik ko at binuhat si Rhaego. Sa pagbuhat ko dito ay yumakap si Rhaego sa leeg ko.

I looked back at Sid and Anna.

Alam kong wala sa lugar na pairalin ko na naman ang panget kong ugali pero hindi ako makatiis. Mukhang nature ko na to. Mainit talaga ang dugo ko sa dalawang taong to since na nakilala ko sila.

I showed a smirk, "So kayo din palang dalawa ang nagkatuluyan." Hagikhik ko. Nanatiling nakangiti sa akin si Sid at naasar lang ako sa ekspresyon nyang yon.

"Hindi naman masyadong nakakagulat. Aware naman ako sa tipong babae ni Sid. Market girl." Hagikhik ko habang tinititigan si Anna from head to toe. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Anna, marahil ay nainsulto sya sa akin.

"Masipag si Anna, mabait at...she's pretty." Sid said those things.

Ang ngiti sa labi ko ay napawi nang marinig ko yon. I looked at Sid. Nakatitig lang sya sa akin at nakangiti pa din. Ewan kung nang-aasar ba o hindi, pero masakit sa tenga ang sinabi nya.

Pretty?

Hindi hamak na mas maganda ako sa Anna na yon at mas maganda ang katawan. Pero sa bagay, hindi ko kailangang ipilit ang sarili ko kay Sid. Una sa lahat alam ko ang tipo nyang babae.

Basura.

Ibinalik ko ang mga ngiti sa labi ko, "You know what? Bagay kayo. A boring couple." I chuckled.

"What is wrong with you Sky?" Sabi ni Anna at nag cross arms. Kaya naman lumawak ang ngiti sa labi ko kasi alam kong naaasar sya sa akin.

"Ops. Sorry, sinasabi ko lang ang totoo." I said and looked at Sid. Ngayon ay blanko na ang tingin sa akin ni Sid. Hindi ko mahulaan kung galit sya o hindi, but who cares.

I smirk at him, "Nice meeting you again Sid and Anna. I have to go. May mga mas mahahalaga pa akong dapat gawin." Sabi ko sa kanila.

Hindi naman nagsalita ang dalawa kaya tinalikuran ko na sila sa mataray na paraan. Kung saan nag sway pa ang dress ko.

Elegante akong naglakad palayo buhat-buhat si Rhaego sa braso ko.

Pero sa paghakbang ko palayo ay nawala ang ngiti sa labi ko. Isang matinding sakit ang namuo sa dibdib ko at kumakalat ito sa buong katawan ko. Parang isang lason. Nakakapang-lambot.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon