CHAPTER TWENTY SEVEN - MONSTER

110 4 0
                                    

SKY'S POV

Pauli-uli lang ako sa harap ng kama ko. Ang puso ko ay punong-puno ng takot sa mga oras na to.

Mag be-bente kwatro na ang nakalipas pagkatapos akong yayain ni Sid na makipagtanan sa kanya. Ngayon ay kakaunti nalang ang oras na nalalabi sa akin para pagdesisyunan ang bagay na yon. Kaya naman ganun nalang din ako kaproblemado ngayon.

Ang tensyon ay napakatindi, nakakapilas ng isipan at nakakapanakit ng dibdib. Gusto ni Sid na magpakalayo kami, pero yun ang bagay na hindi ko kaya.

I love my mommy and daddy so much. Hindi ko kayang iwan nalang sila at pag-alalahanin sa bigla kong pagkawala.

Pero mahal ko din si Sid at litong-lito na ako!

Fuck.

What should I do?

(Phone Ringing)

O//////O

Halos mapairit ako nang marinig ko ang tunog ng phone na hawak ko. Ang puso ko ay nagluluksuhan sa gulat.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero nabigo ako, dahil nang sandaling tingnan ko ang screen ng phone ko ay nakita ko na si Sid ang natawag. Ang bagay na syang mas nakapagpakaba pa lalo sa akin.

Nahilo ako at napaupo sa kama.

Ang mga kamay ko ay nangangatal na nakahawak sa phone ko. Nag-iisip sandali kung sasagutin ko na ba ang tawag ni Sid.

Sasagutin ko na ba to kung hindi pa ako nakakapagdesisyon sa alok nya sa akin?

Damn.

Pero hindi ko din naman kayang balewalain ang tawag. Masyado ko syang mahal.

I swiped my thumb on the phone and answered his call. Dinala ko ang phone ko sa gilid ng tenga ko.

Ang mga mata ko ay nakatitig sa bintana ng kwarto ko. Mula dito sa kama ay natatanaw ko ang bilog na buwan at madaming bituin. Nagmamasid sila sa akin, inaabangan kung ano ang susunod na mangayayari.

Kung ano ang magiging desisyon ko...

"S-Sid." My voice shivered.

"Baby, 5 minutes left..." at pinaalala sa akin ni Sid ang oras na nalalabi. Ang mga kamay ko ay inikom ko sa isang kamao at naramdaman ko din ang pamumuo ng sarili kong luha.

"Sid, hindi naman natin kailangan magtanan. Hindi natin kailangan magtago. Pwede ulit tayong ikasal---"

"Sky tumatakbo ang oras mo. Pinagdedesisyon kita at kung yan ang sagot mo ay alam mo na ang mangyayari sa ating dalawa."

At hindi ko sya makitaan ng awa nang sabihin nya ang mga bagay na yan. Napakalaki ng pinagbago ni Sid. Para bang ang lupit-lupit nya sa akin.

"Sid dahil ba kay Anna kaya gusto mong lumayo? Ayaw mong makita nyang masaya tayong dalawa?" Yun ang tinanong ko kay Sid.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon