CHAPTER EIGHTEEN - REALIZED

106 4 0
                                    

CALLISTO'S POV

"Sera, are you ready?" I asked her.

Nakaupo sya sa kama dito sa kwarto ko. Ako naman ay nasa pintuan at nakatitig lang sa kanya. Bakas sa mukha ni Sera ang kaba at pagkataranta. Pinangangatalan din sya ng kamay.

"Callisto, kinakabahan ako. Pano kung---" sabi nito sa akin pero nginitian ko sya. Paraan ko yon para palakasin ang loob nya.

"I'm here Sera. I got you." I told her.

Nagtitigan kaming dalawa. Hindi mawala ang bakas ng kaba sa mukha ni Sera pero sa paglipas ng oras ay marahan syang ngumiti. Kahit alam kong kinakabahan sya ay pinilit pa din nyang magtiwala sa akin.

"Let's go?" I asked her.

Ngumiti si Sera sa akin at tumango. Ilan sandali pa ay tumayo na sya sa kama. Ang mga binti nya ay marahan nyang inihakbang palapit sa akin.

The moment she reached me, tumayo sya sa harapan ko. Binuka ko naman ang mga braso ko dahil hindi ko napigilang yakapin sya.

Sera is so cute. Nakakapanggil ang taglay nyang pisikal na anyo.

Sa mga araw na nagkasama kami, naging sigurado na ako sa kanya. I know it's too early for this, pero nandito na to.

I need to take responsibility for my action.


SKY'S POV

Naglakad ako pababa ng hagdan ng mansyon namin. Sumapit na kasi ang gabi at oras na for dinner. Sinabi din sa akin ni Mommy at Daddy na makakasama namin si Sera ngayon.

Ang totoo masakit pa din sa akin na may relasyon sila ni Callisto pero wala na akong magawa. Hindi ko na kayang magreklamo at hindi ko na din kayang tumutol.

Kasi kapag pinilit ko pa ang nararamdaman ko kay Callisto, masasaktan ko lang ang damdamin ng kapatid ko at ganun din kay na Mommy at Daddy. Naging sobrang tindi ko ng pain sa kanila, ayoko ng maulit na makitang umiiyak ang mga taong mahal ko dahil lang sa akin.

Sumobra na ako at gusto ko ng ayusin ang sarili ko.

"Oh, nandyan ka na pala Sky. Kanina ka pa namin hinihintay."

I reached the dinning room.

Iginala ko ang tingin sa paligid at nakita ko dito sina Mommy Violet, Daddy Brix, Callisto at ang girlfriend nyang si Sera. Nakaupo na sila sa harap ng table. Nakahain na din ang mga pagkain, at mukhang tama nga si Daddy.

Ako nalang ang hinihintay.

"Halika na Sky." Narinig kong sabi sa akin ni Mommy. Lumingon muna ako kay Callisto at Sera. Pinagmasdan ko sila na magkatabi. Ang mga kamay nila ay nasa itaas ng table at magkahawak.

There's a sudden sharp pain in my chest. Ang sakit na makita ng senaryong to. Nararamdaman ko ang sarili kong luha na gustong magpatakan, pero hindi pwede Sky.

You need to be strong. Tama na ha. Hayaan mo na si Callisto na maging masaya.

Huminga muna ako ng malalim. Nanghihina man ang mga tuhod ay nagawa ko pa ding humakbang papunta sa may dinning table. Kinaya ko pa din na harapin sila kahit ang sakit sakit na.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon