CHAPTER TWENTY THREE - CAN'T HIDE THE FEELING

116 4 0
                                    

SKY'S POV

Anong ginagawa dito ni Sid?

Nabigo akong makakibo dito sa kinatatayuan ko. Ang mga mata ko ay nanlalake, nagugulat. Hindi kahit kailan sumagi sa isipan ko na makikita ko dito si Sid.

Ngayon ay nakatitig lamang ako sa kanya habang sya ay patuloy sa pakikipagpalitan ng atake sa kalaban nya dito sa parking lot. Babagsak si Sid at ang kalaban pagkatapos ay sabay silang babangon muli at magpapalitan ng atake.

Mabilis ang kilos nila at masasabi kong bihasa ang kalaban ni Sid. Mahusay din naman si Sid. Mahusay nyang naiiwasan ang atake ng kalaban pero lugi si Sid sa pagkakataon na to. May armas ang kalaban nya pero sya ay wala.

Ilan sandali pa ay...

"Argh!" Narinig ko ang malakas na ungot ni Sid. Ang atake ng kalaban ay tumama kay Sid. Nagawa nya itong saksakin sa braso nito kaya ganun na lang din ang kabang bumalot sa akin sa mga oras na to.

Pinangatalan ako ng katawan at napaluha. Sobrang takot na takot ako na baka may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko kaya.

"Sid!"

Kaya kahit delikado ay naglakas loob akong tumakbo palapit sa kanila.

"No! Stay away from here Sky!" Sigaw pa sa akin ni Sid pero hindi ko sya magawang pansinin. Lumapit ako sa lalakeng kalaban nito, inangat ang hawak kong Prada bag at pinaghampas sa kanya.

Paulit-ulit ko syang hinampas.

Pero pinagsisihan ko din ang nagawa ko, dahil inatake ako ng lalake. Tinulak nya ako kaya naman nabagsak ako sa sahig.

Nakita ko din na akmang sasaksakin ako nito. Ang kutsilyo nya ay nasa ere at papalapit na sa akin. Sa sandaling ito ay binalot ako ng takot ko, nablanko akl at napasigaw nalang.

"Don't touch that girl!"

Pero hindi hinayaan ni Sid na masaktan ako ng lalake. Naging maagap ito, nakalapit sya sa kinape-pwestuhan namin at walang pag-aalinlangan na sinuntok ang lalake sa likod ng ulo nito.

Pinatamaan ni Sid ang weakest spot ng kalaban. Na sa isang suntok na ginawa nya ay bumagsak ang lalake sa sahig at na-knock out.

"Sky! Are you hurt?"

Nagmadaling lumapit sa akin si Sid. Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ako sa braso ko. Hindi ako nakapag response noong una, nasa state of shock pa din kasi ako.

Masyadong madaming katanungan sa isipan ko. Kagaya ng paano nalang kung nasaksak ako ng lalakeng to? Katapusan kkona ba? Nakakatakot!

Tsaka, palaisipan din sa akin kung paanong nandito si Sid? Is he stalking me or coincidence lang? Hindi ko alam. Wala din akong balak itanong pa sa kanya yon kasi baka mamaya lumablumabalana nag aasume ako.

"Sky." Paulit-ulit akong kinakausap ni Sid. Tumingin ako sa mata nya. Tahimik na pinagmasdan ang magkasalubong nyang kilay at nag-aalalang ekspresyon sa akin.

Hanggang sa bumalik ako sa dati kong wisyo.

"S-Sid! Ang braso mo!" Tarantang sabi ko at hinawakan ang braso nya dahil nagdudugo ito. Ang puso ko ay nagsimula na muling kumabog sa malakas na paraan. Nataranta ako at nag-alala para sa kalagayan ni Sid.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon