CHAPTER TWENTY - IT IS TOO PAINFUL

107 4 0
                                    

AUDRIANNA'S POV

"Tita Dhalia, ako na muna po ang bahala kay Sid. Kailangan nyo pong magpahinga ni Tito Tobi." Sabi ko sa ina ni Sid.

Nakatayo ako sa harap ng hospital bed ni Sid, tinitingnan ko silang mag-ina. Nakaratay pa din dito sa hospital si Sid at nakaupo sa tabi nya ang ina nya. Si Tito Tobi naman ay nasa lounge sofa at tahimik din na binabantayan ang anak nya.

Tita Dhalia shook her head, "No Anna. Hindi ko kayang magpahinga lang sa bahay at iwan ang anak ko dito. Sid needs me. Iniwan na sya ni Sky. Kaya hindi na ako pwedeng umalis sa tabi nya." Tita Dhalia said those things as her tears runs down her cheeks.

Natahimik ako sa sinabi ni Tita Dhalia. Alam kong nasasaktan sya ng sobra para kay Sid. Walang ina ang gustong makita na nagkakaganito ang anak nya.

Hmmm...

Ilang buwan na din ang lumipas simula ng mag divorce si Sky at Sid. Walang paramdaman ni anino si Sky kay Sid. Ngayon mo lang talaga mapapatunayan na walang kwentang karelasyon si Sky.

Nag-aagaw buhay dito si Sid pero anong ginawa nya? Iniwan nya to sa ere. Ang babaeng yon, hindi nya deserve ang pagmamahal na natatamasa nya mula kay Sid.

Curse her!

"Hmm..."

O. O

My heart missed a beat.

Mabilis akong lumingon sa mukha ni Sid nang marinig ko syang umungot. Napatayo si Tita Dhalia sa gulat. Ganun din si Tito Tobi at nagmadali syang lumapit dito sa hospital bed.

"S-Sid." Pautal-utal na bigkas ni Tita Dhalia. Nakikiramdam sa kondisyon ni Sid. Sa sandali ding ito ay nagsimulang kumabog ng malakas ang puso ko. Ang kaunting pag-asa na meron ako ay nadagdagan.

Lalo pa at nakikita kong gumagalaw ang talukap ng mata ni Sid. He is conscious!

"Sid!" Malakas na sigaw ko at nagpatakan na ang luha ko. Pinangatalan ako ng katawan, nablanko sandali pero ang puso ko ay patuloy sa pagtibok ng malakas. Nagluluksuhan sila sa tuwa.

"Sid baby!" Tita Dhalia cried like a child. Yumuko ito at yumakap sa anak nya dahil...

Dahil bumukas na ang mga mata ni Sid.

Yumuko din si Tito Tobi at niyakap ang anak sa braso nya. Parehas na umiyak ang mag-asa. Nasasaktan, nagugulat and at the same time natutuwa. Sobrang saya naming tatlo na binigyan ng ikalawang buhay si Sid.

Hindi ko napigilan ang emosyon na nangibabaw sa akin. Yumuko din ako at yumakap kay Sid. Ang pamilyar nyang amoy ay bumalot sa buong katawan ko.

Sobrang na miss kita Sid.

"Where is Sky?"

Ang bagay na syang unang binigkas ni Sid. Natigilan kaming tatlo. Ang saya ko ay biglang napawi at napalitan ng matinding sakit. Hindi ako makapaniwala na sa pagmulat ng mata nya ay ang babaeng yon pa din ang hanap nya.

Tang ina kasi, ako na yung nasa harapan nya. Nandito na kaming mga taong nagmamahal sa kanya pero bakit si Sky pa din? Bakit Sid?

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon