CHAPTER TWENTY ONE - LOT HAS CHANGED

120 4 0
                                    

4 years later...

SERAPHINA'S POV

"Rhaego, anong gusto mo baby?" Paulit-ulit na hinehele ni Callisto ang tatlong taong gulang naming anak na lalake. Kanina pa kasi itong umiiyak pero hindi namam namin alam kung anong gusto ng anak naming to.

Nandito kami sa kwarto namin ni Callisto. Nakaupo ako sa kama at pinagmamasdan syang nakatayo sa harapan ko karga-karga si Rhaego.

"Callisto, uuwi na ba si Sky dito sa Pilipinas?" Tanong ko kay Callisto.

Natigilan ang asawa ko sa paghehele kay Rhaego at tumingin sya sa akin. Apat na taon na kasi ang nakalipas simula nang pumunta si Sky states. Graduate na kami ni Callisto at ganun din si Sky.

Tapos na sya sa pag-aaral nya kaya iniisip ko na baka uuwi na sya sa Pilipinas.

"Bakit? Hanggang ngayon ba ay kinukulit ka pa din ng pinuno mo tungkol sa kapatid ko?" Callisto asked me.

Nanlake ang mata ko sa sinabi ng asawa ko. Medyo nagulat ako, kaya naman agad kong iniling ang ulo ko. "Hindi ganun Callisto. Hindi ako kinukulit ni Sid. Matagal ng sumuko si Sid kay Sky. Alam mo naman yan hindi ba?" I told him.

Tumitig sa akin si Callisto. Tila ba hindi sya naniniwala sa sinasabi ko pero sa huli ay ngumiti sya sa akin.

"Alam ko Sera. Alam kong matagal ng sumuko si Sid kay Sky." Callisto spoke. Totoong nakangiti ang labi nya pero...ang mga mata nya ay nagpapakita ng kalungkutan.

Sandali akong natigilan. Pinapakiramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kapag sumasagi sa isip ko ang nalimot ng pag-ibig ni Sky at Sid ay naapektuhan pa din ako.

Nakakalungkot na natapos ang sa kanilang dalawa ng ganun ganun lang. Hindi man lang sila nakapag-usap dalawa.

Ang totoo nyang nag attempt si Sid ng madaming beses na makausap si Sky, pero naging matigas ang loob nina Callisto at ninong Brix sa pinuno ko. Hindi nila hinayaan na magkaroon pa ng koneksyon ang dalawa. Miski ako, hindi ko alam kung nasaan si Sky. Wala silang balak sabihin sa akin dahil iniisip nila na baka mabanggit ko kay Sid.

Sinubukan ko din na tulungan si Sid alamin kung nasaan si Sky pero nabigo ako. Napakagaling magtago ng pamilyang Cameron. Talagang protektadong-protektado nila si Sky.

Napakadaming taon ang lumipas....

Natutunan na ni Sid ang maghilom at tuluyang pakawalan si Sky. Nakakalungkot, pero masaya na ako para kay Sid. Pinili na nyang mahalin ang sarili nya.

"This week, uuwi na si Sky, Sera." -Callisto

My heart beats faster...



SID'S POV

"Totoo nga Sid! Sinabi sa akin ni Callisto na uuwi dito si Sky this week!" Sinabi sa akin ni Sera. Kausap ko sya sa phone ngayon.

Nandito ako sa kompanya, sa office ko. Kaharap ko ang table at laptop ko habang nagta-trabaho. Napatigil lang ako nang tumawag si Sera.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon