CHAPTER ELEVEN - CONFESSION

119 4 0
                                    

SID'S POV

Dumiretso ako sa lugar kung saan ko pinarked ang kotse ko.

Nang makarating ako doon ay wala akong inaksayang sandali. Agad akong lumapit dito, hinawakan ang door handle at binuksan ang pintuan.

"Sky---"

Pero sa pagbukas ko ay nakita ko na walang laman ang kotse. Sky is not here. Sa mga oras na to ay kinabahan na ako.

Umikot ang ulo ko sa paligid para hanapin si Sky sa paligid. Pero crowded sa lugar na to at kahit saan ako lumingon ay hindi ko sya matagpuan.

Dammit.

Nalintikan na.

SKY'S POV

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad paalis sa market na yon. Sobrang nakakadiri talaga sa lugar na yon at nagsisise akong sumama pa ako kay Sid dito.

Mas gusto ko pa sa bahay nya. Kahit ang liit liit noon ay malinis naman yon at hindi malansa.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko dito. Ang gusto ko lang ay makaalis sa malansan lugar na yon at makalayo sa...cheap na sidechick ni Sid.

Dammit.

Kapag naaalala ko ang babaeng yon ay kumukulo ng sobra ang dugo ko. Pinagtanggol sa akin ni Sid ang dukhang yon? Samantalang mukhang basahan ang damit nya tapos mukha pa syang social climber.

Arhg! I just don't like her!

"Sky!"

"Ahh!" Napairit ako sa gulat nang biglang may humawak sa braso ko. Mabilis kong hinila paalis ang braso ko at lumingon sa direksyon ng taong tumawag sa akin.

Sa pagharap ko sa kanya ay nanlake ang mga mata ko. Hindi ko akalain na ang madadatnan ko ay isang maliit din na babae.

May mga green tong mata at hanggang balikat ang haba ng buhok. Ang taong tinitingnan ko ngayon ay walang iba kundi si Seraphina.

"Oh my god! Kapag minamalas ka nga naman!" Inis na sabi ko at pumikit ng madiin.

This is too much, bakit kailangan ko na namang makita ang isa pang sidechick ng asawa ko dito? My life is a whole mess since I married that Sid Parker.

"Nakita ko na nagtalo kayo ni Sid hehe." Hagikhik ni Seraphina kaya naman muli akong tumingin sa kanya. Sinabi nya kasi sa akin na nakita nya na nagtalo kami ni Sid.

Like paano diba?

"Are you stalking us?" Mataray na tanong ko sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

Humagikhik sa akin si Seraphina at, "Hindi kaya." She replied. Itago man nya sa akin ay alam kong sinusundan nya kami.

"Hindi ba at sinabi na ni Sid na lubayan mo kami. Bakit hindi ka pa din tumitigil?" Galit na sabi ko sa kanya at nag cross arms.

Grabe talaga pag mga kabit no? Sobrang tindi kung makadikit. Hindi naman sya mukhang low life kagaya nung Anna kanina pero bakit naghahabol sya sa taong may asawa nya.

"Hindi ba malinaw sayo na kasal na kami ni Sid? Wag mong pahirapan ang sarili mo." Muling sabi ko sa kanya at inirapan nya.

Nakita na na lumumbay ang mata ni Seraphina sa akin na parang nalungkot sya sa sinabi ko. Imbis na maawa ay nainis lang ako.

"As if maawa ako sayo. Pinili mo yang maghabol sa taong kasal na, masyadong trashy." Sabi ko rito.

"Kahit kasal na kayo. Hindi ko pa din kayang lumabayan kayo." At yun ang sinabi sa akin ni Seraphina kaya tiningnan ko sya ng diretsyo. Malalim ang tingin ko sa kanya.

SKY CALLISTO (But Let Me Try Season 5) #Book 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon